Unic's POV
"Good Morning." Bati ng mga katulong namin. I just smiled at agad tumungo na sa dining room upang kumain ng breakfast.
Gutom na kasi ako. Ewan ko ba ang dami ko namang nakain kagabi pero nagugutom ako.
Siguro dahil sa pag-iyak ko na naman ng sobra kagabi. Ts.
After kong kumain ay agad na akong pumunta sa garage para magpahatid sa butler ko. Wala na rin kasi si Kuya dahil maagang umalis kasi may gagawin pa daw siyang mga papers. As if I care. Hmp! Dejoke lang.
Buti nga Wednesday ngayon kasi hindi kami mag-uuniform. Kaya ako napapaaga ng pagpasok tuwing wednesday.
Kasi kapag nag-uuniporme kami ang dami pang ginagawa. Gaya ng pag-butones sa pang-top, paglagay ng neck tie, pagsuot ng socks at sapatos, pagsuot ng mini skirt. Mini skirt yun ay ang pang-ibaba naming girls. Actually, sinuggest ko iyan kina mommy at buti nga pumayag sila.
At kapag ginagawa ko iyun ay umaabot ako ng 30-40 minutes. Ganoon ako katagal kaya ang kinalalabasan late ako. Haha. Kaya minsan napapapunta ako sa Detention Room kapag terror ang teacher namin. Hindi nga kasi nila alam na anak ako ng may-ari.
Habang nasa biyahe ako ay may nadaanan kaming babae na schoolmate ko. Sigurado ako kasi napansin ko yung bracelet na suot niya.
"Kuya tigil na muna." Sabi ko. Kasi naglalalakad lang siya. Panigurado malelate na siya pag pinagpatuloy niya pa ang paglalakad kasi malayo pa dito ang school na pinapasukan namin.
"Huh? Bakit po?" Takang tanong ng driver. Bakit hindi na lang niya itigil diba? Ang dami pa kasing tinatanong.
"Basta po." Iritang sagot ko sa kanya.
"Eh saan po ba kayo pupunta?" Sagot ni manong driver habang nagdradrive pa din. Tumingin ako sa babae buti hindi pa kami ganun kalayo.
"Itigil niyo na nga lang muna sabi eh." Sigaw ko. Kainis kasi. Ayaw pa itigil. Dami pang satsat. Ayuko pa man din sa mga taong makukulit. Ewan ko kung bakit, basta ayuko talaga.
Makulit naman ako pero ayuko sa makukulit. Hehe. Gulo ko no?
Tinigil naman na niya 'tong kotse kaya agad agad na akong bumaba para lapitan yung babae.
Nakatungo siya kaya siguro hindi niya ako napansin na papalapit ako sa kanya. Kaya naglakad na lang ako nang tuluyan papalapit sa kanya.
Nang makalapit na ako sa kanya ay agad akong tumikhim kaya napatingala siya.
Nginitian ko siya. "Hai. Good morning. Tara sabay ka na sa akin." Pag-iinvite ko sa kanya.
Nagulat naman siya sa inasal ko kasi panigurado kilala niya ako. May pagkabitch kasi ako kaya siguro takot siya. Hehe. Sensya na. Mabait naman talaga ako eh nakadepende lang talaga sa tao.
"H-huh? Ah-eh. Wag n-na. Nakakahiya n-naman." Then nag-iwas siya ng tingin.
I chuckled. Ang cute nya kasing mahiya eh. Yan ang gusto kong maging kaibigan ang may pagkamahiyain.
Yung bestfriend ko? Kahit hindi siya mahiyain binestfriend ko pa rin yun. Ewan ko nga kung bakit kasi hindi naman yun ganun ang ugali niya ang type ko. Pero kahit ganun siya mahal ko rin yung bruhang yun.
"Naku! Huwag ka nang mahiya. Dali na." Pamimilit ko. Hinihila ko na nga rin siya eh.
I don't know why I'm acting like this. I just have this ugh feeling na kilala ko siya and I want her to be my one of my bestfriend. Wooh! I am acting weird already. Is this normal?
"Mas nakakahiya kaya kapag hindi ka pa sumama. Malelate ka kapag maglalakad ka. Scholar ka pa naman." Sabi ko.
Nagulat naman siya. Paano? Kasi napatingin kasi siya agad sa akin pagkasabi ko na scholar siya. I know kasi yung bracelet niya is color violet.
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancé?! [Completed]
Teen FictionAno gagawin mo kung ganito ang sitwasyon mo? -- Ikakasal ka na nga lang sa taong sinaktan ka pa ng sobra? Ano kaya ang gagawin ng bida sa storyang 'to? Well let's find out. How? Just read my very first story. :) Thankyou. :* - Please support my ver...