30

8.9K 224 11
                                    

Unic's POV

Oh my ghad! Agad akong tumayo at tumakbo pataas at agad pumasok sa kwarto ko. Shete! Nakakahiya. Aish! Katangahan Unic. Katangahan. Dammit.

I really hate this day. Swear. Ang malas ko. Pero bakit ganoon? Imbes na mayuck ako ay natuwa pa ako? Hindi 'to pwede. Unic. Hindi pwede. Wag kang magpadala baka lukuhin ka niya ulit. Huwag! Breathe in. Breathe out. Huwag paapekto.

Pumasok ako sa Cr ko at tumingin sa salamin. Aish! Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng tibok nito. Naghilamos muna ako saka nagpunas sa bimpo na nasa may cabinet.

Maliligo na lang ako to freshen up. Masyadong maraming nangyari ngayong araw. What a day!

Nagbabad muna ako sa may bath tub at umidlip saglit. Nakakapagod ang araw na ito.

Kinaumagahan...

Nagising ako dahil sa init na galing sa terrace ko. Naglakad ako papuntang Cr para maghilamos. Ito kasi ang kasanayan ko kapag nagising na ako ay naghihilamos agad ako saka maliligo na pero since walang pasok ay mamaya na lang ako maliligo total wala naman akong pupuntahan.

Teka? Speaking of Ligo. Paano ako napunta sa may kama ko na nakadamit na? Eh nakababad ako sa bath tub as far as I remember? Ohghad! Napayakap ako sa sarili ko at nagmadaling bumaba.

Maraming what if's ang tumatakbo sa isipan ko ngayon? What if kung siya ang nagpalit sa akin at sinamantalahan ako? Hindi naman sana. Jusko!

Nalibot ko na ang buong bahay wala akong Teejay na nakita? Asan na yun? Akala ko ba babantayan niya ako dahil wala akong kasama? Bakit niya ako iniwan?

No. No. Umiling ako. Ano ba ang pinag-iisip ko? Tinampa-tampal ko ang cheeks ko dahil sobrang praning ko na naman!

Pero hindi e. Nalulungkot ako. Kasi akala ko siya ang bubungad pagkagising ko? Pero hindi pala. Napatawa na lang ako ng mapakla. Bakit naman kasi ako aasa e hindi naman na ako ang girlfriend? May Chelsea na siya.

Umupo ako sa may bench dito sa may garden at nag-isip isip. Namimiss ko na siya. Inaamin ko na namimiss ko na siya. Wala eh. Hindi ko maitanggi kasi totoo naman talaga. Bakit kasi ganon? Sinaktan na niya ako ng sobra pero minamahal ko pa rin siya hanggang ngayon? Sobrang laki kong tanga. Grabe!

Tumayo na lang ako at tumalikod pero sa mga paa ko ako nakatingin. Nakakawalang gana ang kumain! Ts.

"Arayy!" Napahimas ako sa noo ko. Kung minamalas ka nga naman Unic! Ts. "Tanga mo Unic!" Kausap ko ang sarili ko. Nauntog kasi ako sa may pader eh kasi nga hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya... Boom! Untog ang resulta. Sakit!

"Hahahahaha." Napatingin ako sa pintuan kung saan galing ang tawa na yun. Napataas na lang ako ng isa kong kilay ng makita ang pinakagwapong nilalang este pinakabwisit na tao dito sa mundo. Sino pa ba? Eh di si Teejay Monteverde lang naman po! Bwisit! Tawanan daw ako? Grabe lang ha!

"Anong tinatawanan mo diyan ha?" Pero imbes na sagutin ako ayun tawa pa rin ng tawa mangiyak-iyak na nga't nakahawak na rin sa tiyan.

Naglakad na lang ako papasok ng bahay at linagpasan siya. Bahala siya sa buhay niya.

"Hoy! Te-teka. Haha." Sigaw niya! Che! Teka your face. Bwisit!

Naglakad akong patungong kitchen para maghanap ng makakain. Nakaramdam na kasi ako ng gutom. Pero dahil swerte ako ay ni kanin wala. Ay grabe! Minamalas ka nga naman!

Naglakad na lang ako papuntang salas para manuod. Magpapalipas na lang ako ng gutom.

Kasalukuyan akong nanunuod ng biglang napatay ang TV at as expected pinatay ni Teejay. Tumayo ako at hinarap siya. Kanina pa kasi eh.

"Ano bang problema mo ha? Kanina ka pa! Saka sino ang naglipat sa akin sa may kama? Ha? Ikaw ba yun?"

"Sino pa ba? Alangan naman ang bath tub." Pamimilosopo niya sabay tawa. Aba't! Nang-iinis talaga eh no. Sinabunutan ko nga. Kainis. I'm pissed!

"Te-teka. Masakit. Unic." Kaya binitawan ko na siya pero dinuro ko siya.

"Eh di ikaw ang nagpalit sa akin? Waaah! Manyak! Pervert! Pervert! Get out! Huhu." Saka ko siya pinagpapalo pero hinaharangan naman niya gamit ang mga kamay niya. At nang nahuli niya ang mga kamay ko ay hinawakan niya iyon ng mahigpit. Pilit kong binabawi pero ayaw niyang ibigay!

"Ano ba? Let me go." I yelled. "Hayop ka! Let me go, I said."

"No. Bibitawan kita unless you'll go out with me. It's a date." He winked! Ang dahilan para bumilis na naman ang tibok ng puso ko. "Please. Just for today."

Ano daw? De-date? I don't know. Hindi ako makapagsalita. Inshort speechless ako. Ni hindi ko maibuka ang bibig ko. Wala akong lakas para mabawi ang kamay ko hindi katulad kanina. Geez!

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha at mas bumilis ang tibok ng puso ko. Dammit. God, help me. Hoooh! Pinagpapawisan na rin ako.

"Whether you like it or you like it sasama ka sa akin. I'll be your BOSS today." Then he kissed my forehead at naglakad na papalayo.

What? Hindi pa kasi complete ang processing. 1% --------- 61% ---------- 89% -------- 99% ---------------- 100%.

"Bibitawan kita unless you'll go out with me. It's a date."

"Whether you like it or you like it sasama ka sa akin. I'll be your BOSS today."

Date? Oh my ghad! Papayag ba ako? Oo. Hindi. No Unic. Yes Unic. Hays! Bahala na.

---

Yan po muna! Mag-aupdate pa sana ako ng marami pero may nagpapagawa ng sobrang rami sa akin! Jhon Mar. Torture na this girl! Hayst! Sorry po. Maybe tomorrow again. I don't know. Pero next time po talaga. Babawi ako. Gb.

Wr1g

My Ex Is My Fiancé?! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon