Kay Unic pa rin ho tayo. Mamaya na lang kay Chris. Pagtyagaan mo muna ang katarayan ni Unic.
---
Uniquea's POVThanks god it's monday. Yep. Monday na and I am ready to go dahil late na ako.
7:24 na kasi eh 7:30 yung flag ceremony kaya paniguradong detention na naman ako. What a life.
Pagkarating ko dito sa school ay nakasarado na ang gate. Wala eh. 8:00 na kasi. Kaya babye muna first class and welcome detention room. 1hour na naman kitang makakasama.
Pumasok na ako sa detention room pero bago ako makapasok kinuha na muna nila ang bag at mga gadgets ko para makasiguradong titino ako. Pero wala eh.
Kasi simula ng iniwan niya ako nagbago na ako. Palaging late except Wednesday. Minsan napapaguidance office kasi pilosopo ako minsan sumagot sa teachers. Pero minsan lang huwag kayo.
"Ano ba Unic. Forget him because he is not worth it, okay." I told that to myself.
Nakakainis kasi. Siya din ang dahilan kaya napuyat ako. Paano ba naman kasi nabuksan ko ang isang cabinet ko kung saan nakalagay lahat ng mga binigay niya at mga ala-alang iniwan niya sa akin. Kaya ayun umiyak na naman ako at hindi nakatulog ng maaga.
Nag-alarm din ako pero walang saysay. Hindi ko man lang narinig na tumunog yun. Kainis talaga!
"Oo nga. Kalimutan mo na kasi siya." Biglang sulpot ni...
"Chris?" He nodded and he smiled. "What are you doing here?"
"Ano ba ang dahilan kaya napapapunta rito?" Saka siya umiling-iling. At yang iling niyang yan parang di siya makapaniwala na tinatanong ko yun.
Eh. Oo naman kasi, Unic. Ano ba ang mga dahilan. Ts. Ang tanga mo. Ayjoke.
"Hm. Let me guess. Napaaway ka no? Sabi ko na nga ba masama ka talagang tao." Pagkasabi ko niyan biglang nagtindig ang mga balahibo ko dahil sa tingin niya sa akin. Nakakatakot.
I smiled. "Why are you looking me like that?" Ang sama kasi ng tingin niya sa akin. At ngayon ko lang siyang nakita o ngayon niya lang akong tiningnan ng ganyan.
Lumapit siya sa akin kaya umatras ako. Tumingin tingin ako sa paligid at nagbabasakaling may makita akong ibang tao para mahingan ko ng tao pero dahil siguro malas ako walang ibang tao. Pati rin yung nagbabantay wala. Gosh.
Hindi naman ako pwedeng makatakas dahil sigurado akong nilock yung pinto kahit glass pa yun. Wala ding bintana dahil dito sa loob simpleng white na wall ang nakapalibot sa amin. Ni isang picture or design wala. As in wala.
Atras pa rin ako ng atras dahil lapit siya ng lapit nang maramdaman kong wala na akong aatras. *gulp* Eto na ba ang huli kong araw? Ni hindi ko man lang nakalimutan yung lalaking nanakit sa akin. God help me!
Biglang siyang tumawa ng napalakas. As in. Halos magecho na ata dahil sa lakas ng tawa niya. Nabaliw na siguro.
Umupo ako sa tiles dahil walang upuan. Ts. But di pa ako nasanay diba?
Tawa pa rin siya ng tawa at saka titingin sa akin. I rolled my eyes. Nakakainis na ha! Makatawa siya. Parang si Tracy lang eh. Magpinsan nga sila.
"You should look yourself. It's really priceless. Grabe." Sabi niya saka tumawa ulit. Tinadyakan ko nga. Napaupo naman siya sa sahig. Buti nga sa kanya.
"Ouch. Why did you kick me?" Halos mamatay na siya sa pamimilipit sa sakit. And it's my turn to laugh.
Tumawa ako ng sobrang lakas. Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa. Kasi namin parang mamamatay na siya eh simpleng tadyak lang naman ang natamo niya. OA nito. Ahyst.
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancé?! [Completed]
Teen FictionAno gagawin mo kung ganito ang sitwasyon mo? -- Ikakasal ka na nga lang sa taong sinaktan ka pa ng sobra? Ano kaya ang gagawin ng bida sa storyang 'to? Well let's find out. How? Just read my very first story. :) Thankyou. :* - Please support my ver...