60

7K 182 1
                                    

A/n: This chapter was dedicated by _nicakookie_ here na Classmate Miel. Haha. I miss you sis. Sembreak na kasi.Ingat ka po.

---

Unic's POV

"Finally dumating na din ang newly couple. Congrats, dude. Graduate ka na sa pagiging tanga at torpe." Bungad ni Matt sa amin pagkadating namin dito sa Cafeteria.

Pero imbes na sumagot si Teej ay binato siya ng notebook. Haha. Yan kasi. Sakto naman sa mata niya.

"Aray naman pre. Yun na ba ang bagong welcome ngayon." Sarkastioko niyang sabi. Tapos humarap siya kay Tracy at pinakita ang natamaan parte. "Love o binato ako ni Teejay. Kiss mo nga para mawala na yung sakit." Pagpapaawa niya kay Tracy. Baliw talaga si Matt.

Umupo naman na kami sa available na upuan sa harap ng couples na sina Matt at Trace. Tahimik lang si Jay at Trace. Problema nila?

"Gago ka talaga." Babatuhin na niya ulit sana si Matt pero pinigilan ko na siya. Nakakaawa kasi si Matt. Hahaha.

"Tama na yan. Bili ka na ng makakain gutom na ako." Pagpapaawa ko naman para naman hindi na niya ako yayayain na bumili ng pagkain. Ganyan talaga kasi siya nagpapasama pa.

"Huwag kang magpaawa sa akin Uniquea. Tara samahan mo ako." Hihilain niya sana ako pero tinabig ko yung kamay niya. Napansin kong nagulat siya kaya nagpeace sign ako sa kanya.

"Hehe. Peace. Kaw na. I'm tired please." Pagpapaawa ko sa kanya.

Umiling siya. "Hindi yan Uniquea. Tinatamad ka lang. Tara na kasi samahan mo ako o hindi kita bibilhan ng makakain mo." Pagblablack mail niya. Napapout naman ako. Kainis naman oh! Nakakatamad kaya maglakad tapos ang haba pa ng pila.

"Please. Teej." Naghand gesture na rin ako ng parang nagdadasal. Err!

"No. You're coming with me at isa pa 'di ko alam ang kakainin mo knowing Uniquea Princess ay mapili sa pagkain." 'No ba naman yan.

Umirap ako sa kanya. "K die. What ever." Saka na ako tumayo at nagsimula ng naglakad. Nakakainis kasi parang yun lang kasi. Bibili ka lang naman mag-isa Teejay mahirap ba yun. Ugh! Kainis. Sobrang dami pa naman ang pila.

"Nakasimangot ka na naman diyan. Fine kung ayaw mo akong samahan bumalik ka na doon. Dali." Wow. Ngayon pa Teej? Ngayong malapit na ako sa counter? Kainis super.

"Seriously? Pinagtritripan mo talaga ako no? Ngayon mo lang sinabi yan ngayong malapit na tayo. Tsk. Ewan ko sa'yo." Saka ko na binilisan ang paglakad. Nakakabadtrip! Sobrang sakit na ng paa ko nakaheels pa man din ako.

Napansin kong maraming bumubulong actually lahat ng tao dito sa Cafeteria. Anong meron? And guess what? They are looking at me or should I say sa aming dalawa ni Teejay. Maybe naninibago sila dahil magkasama na naman ulit kami. Hahaha. Mainggit kayo. At kanina ko pa napapansin na todo pagpapansin nila kay Teejay ang ibang girls. Maybe siguro transferees sila kaya hindi nila alam na dapat respetuhin nila ang relasyon namin lalo na sa akin. Ews! Ano ba itong sinasabi ko. Tsk.

Bigla kong naramdaman na may umakbay sa akin pagtingin ko si Teejay pala na sobrang lapad nang ngiti sa akin. Tiningnan ko naman siya ng nagtataka. Makangiti lang kasi ng wagas.

"I love you." Bulong niya lang po yun kaya hindi ko naintindihan.

"Huh?" Nagtataka kong tanong. Pero syempre joke lang dinig na dinig ko kaya lang ang sarap kasing pakinggan pero mas masarap kung paulit-ulit, diba?

"Kunwari pa." Bulong niya pero rinig ko naman. Naku! Gusto din naman e.

"Dali na. Ano nga yun?" Pagpupumilit ko sa kanya. Kasi naman!

My Ex Is My Fiancé?! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon