64

5.9K 163 4
                                    


Unic's POV

"Okay alam ko na hindi na kayo masyadong nagklaklase pero kailangan niyong maghalf day ngayon dahil gusto namin na paghandaan niyo ang upcoming activity na COOKFEST. Pero iibahin natin. Sa saturday sa bahay niyo gagawin and pupunta kami sa bahay kung saan kayo magluluto but be sure na may kasama na kayo and atleast 5 member each kahit anong kind ng luto, pwede. Since half day kayo and Friday ngayon at bukas na gaganapin you're free na bumili na ng gagamitin niyo and this all for today. Good bye."

Ano ba naman yan iilan lang kami mag-aral. Tsk. Puro activities, Ugh!Inayos ko na ang gamit ko at baka kasi makalimutan ko ang bouquet na bigay ni Teejay.

Lumabas na ako ng classroom. Si Tracy kasi nasa loob pa susunod na lang daw siya. May kameeting kasi siya.

Pagkalabas ko ay bumungad sa akin si Teejay na kausap na naman si Ayesha. Tsk. Nakakabwist. Dammit.

Tuloy tuloy akong naglakad at tinext si Jay at nagreply naman siya. Nasa Cafeteria daw kaya tinahak ko na ang daan papuntang Cafeteria na nakabusangot ang mukha ko. Ang sakit.

Nakayuko lang akong naglalakad ng biglang mayroon akong nakabangga. Naman.

"I'm so sorry Ms." Sabi ng nakabangga ko. Inangat ko ang ulo ko and there I saw him. "Unic?"

"Chris?" I mumbled. I admitted I missed him a lot.

"So-sorry." Kinakabahan niyang paghingi ng paumanhin.

"Ow. Look who's here. The malandi is here." Sulpot ni Chelse and inirapan pa niya ako. Hinawakan niya pa ang braso ni Chris.

"Stop it Chels, let's go." Paalis na sana sila pero nagpumiglas ang bruha.

I smiled. "Look who's here too. And for you're information I'm not a flirt. Baka ikaw." Susugod sana siya pero pinigilan siya ni Chris. I raised my one eyebrow.

"Oh really? But you stole my boyfriend."

I laughed a fake one. "Hindi ko UGALI ang MANG-AGAW ng mga bagay na hindi sa akin. Sadyang may mga bagay lang talaga na kahit DI KO AGAWIN kusang napupunta sa akin." At saka ako nakipagtitigan sa kanya.

At hindi nagtagal ay biglang dumating si Teejay. Tsk.

"Anong nangyayari dito? Chels?" Inakbayan niya ako. Wow. Andito ako na girlfriend niya pero sa iba siya nagtanong. Nakakainis lang. Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya at naglakad na palayo sa kanila. Nakakainis. Nanggigigil ako sa galit. Dammit.

Umupo ako sa tabi ni Jayred... padabog. "Woah. What's wrong? Nakabusangot ka diyan." Padabog ko din na nilagay ang bouquet at ang bag ko sa lamesa.

"Order mo nga ako Jay please. I'm starving." Pagpapacute ko kay Jayred. Comfort food dahil sobra talaga na nag-iinit ang ulo ko.

"Huwag kang pumayag Jay. Kami ang bibili ng pagkain niya." Hahawakan niya sana ang kamay ko pero dali dali ko naman na inilayo sa kanya at inihawak kay Jay.

"Please." Nagpuppy eyes pa ako. Please, pumayag ka na.

He sighed. "Fine, bro ako na." Tapos tumayo na siya.

Kakausapin niya ulit sana ako pero naglagay ako ng headphone sa tenga ko. Ayuko siyang kausapin.

Teejay's POV

She's avoiding me. Why did I do wrong? Ano na naman ba kasalanan ko? Damn! Nakakainis. Palagi na lang ganito.

Nang nakita ko kanina na nag-uusap ulit sila ni Chris nakaramdam ako ng selos pero agad naman yun napawi dahil lumapit si Chels sa kanila. Hindi ko na itinuloy ang paglapit sa kanya pero nang makita kong hindi na maganda ang tinginan ng dalawa doon ako umeksena pero the heck umalis siya at ngayon hindi niya ako pinapansin. Damn!

My Ex Is My Fiancé?! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon