44

6.1K 192 3
                                    

Pero siyempre dahil dakila akong joker joke lang po yun. Kahit naman po kasi Bitter ako lalagyan ko pa rin ng happy ending nito. :) Huwag na pong magalit. :* Peace po tayo. :D

This Chapters for boy's muna. :) Tapos sa next chapter Special Chapter.
---

Teejay's POV

Andito kami ngayon sa Bar kung saan kami umiinom nina Jay at Matt. Di ko inaasahan na susunod ang dalawang ito. Napangiti na lang ako lalo na kay Matt kahit sobrang laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya andito pa rin siya para samahan ako.

"Cheers." Sigaw ko. May tama na rin ako dahil nakakadalawang case na kami ng beer. "Thanks to alcohol dahil natatanggal ang sakit ng nararamdaman ko pero alam ko naman na pansamantalala lang 'to." Napapaluha na naman ako. "Sh*t! Nakakabading. Amputek!"

Ininom ko straight ang isang bote at nagbukas ulit ng isa pa.

Bumabalik na naman lahat ng nakita ko kanina. Nabato ko na lang ang boteng hawak ko sa pader.

"P're relax. Huwag kang mambasag." Sabi ni Matt. Napapailing na lang si Jayred. Hindi ko ulit napigilan ang mga luha ko. Shete!

"Ang sakit brad! Ang tanga tanga ko." Paninimula ko. "Nadamay pa kita. Pasensya na!" I mumbled tapos nakatulog na ako sa lamesa.

Matt's POV

"Lasing na talaga." Bulong ni Jay sa akin. Tama siya. Lasing na talaga. Napapailing na lang kaming dalawa. Nagrerebelde na naman siya. Wala kaming kaalam alam sa mga nangyayari dahil hindi pa niya kwinekwento.

Tapos bigla bigla na lang nagbato ng bote ng beer. Napatayo ako sa ginawa niya at pinigilan. "P're relax. Huwag kang mambasag." Alam ko naman na kaya niyang bayaran ang lahat ng mababasag niya pero napapahamak kasi kami kapag may nangyaring hindi maganda.

Umiiyak siya. Putek! "Ang sakit brad! Ang tanga tanga ko. Nadamay pa kita. Pasensya na!" Nanlambot ako sa sinabi niya. Shete! Nakakabading! Tapos nakatulog na.

Hinayaan na lang namin siya na matulog na lang muna siya diyan. Bahala siya.

Naaawa ako sa kanya dahil hindi ito mangyayari sa aming lahat kung hindi dahil sa isang tao.

Matagal ko naman nang napatawad si Teejay nahihiya lang akong mag-approach sa kanya dahil may pride din naman kasi ako kahit papaano and I understand him. I feel him. If Teejay's hurting, I feel the same way.

Jayred's POV

Nakakatawang panoorin si Teejay ngayon na miserableng miserable. Ngayon na lang kasi ulit siya nagrebelde. Gusto kong ivideo pero huwag na lang baka bugbugin pa ako nito 'pag nalaman niya.

Hinayaan ko na lang si Matt na magpatahan sa kanya. Bahala sila sa buhay nilang dalawa. Sinabihan ko na nga sila pareho noon pa lang but they did the wrong way. They chosed the wrong choice.

Kaibigan nila ako pero hindi ibig sabihin nun ay ako ang magsosolve ng mga problema nila. Hahayaan ko muna sila na marealize nila pareho ang mga pagkakamali nila at kapag handa na silang magpaliwanag sa mga babaeng nasaktan nila.

Binuhat namin pareho ni Matt si Teejay. Ako na ang nagvolunteer na maghahatid kay Teejay total pareho naman kami ng condo'ng uuwian. Actually, mayroon kaming Condo at iisa lang na lugay iyon. Pero si Matt daw ay uuwi sa kanila. At malayo kasi ang bahay nila Matt kaya kapag siya pa ang maghahatid kay Teejay ay baka maantok pa yan. De joke lang. At sayang daw ang oras niya. Gago talaga!

Chris's POV

Kitang kita ko dito kung gaano nasasaktan si Teejay ngayon. Gusto kong matuwa dahil nakikita kong nagiging miserable na ang buhay niya pero hindi ko mapigilan na maisip na naging kaibigan ko rin siya. Marami siyang naitulong noong ayos pa ang pagkakaibigan namin.

Galit ako sa kanya. Galit na galit dahil sa pang-ahahas niya kay Chelsea. Sumasagi sa isip ko na yan na ang karma niya sa lahat na masamang ginawa niya sa akin.

Sobrang lungkot niya. Sobra siyang nasasaktan. Siguro tungkol 'yon kay Uniquea. Ramdam ko naman na seryoso talaga siya kay Unic at mahal na mahal niya pa rin si Unic.

Natatawa na lang ako sa katangahan nila pareho. Mahal pa rin naman nila ang isa't isa pero hindi sila magkaayos ayos. Ts. Hanggang ngayon torpe ka pa rin ba Teejay? Napailing na lang ako habang umiinom sa inorder kong alak.

Pero nang naubos ko na ang alak ko ay umuwi na rin ako dahil maaga pa ang flight ko bukas. Lalayo muna ako sa kanila. Alam ni Tracy tungkol sa pag-alis ko pero binalaan ko siya na huwag niyang sabihin sa iba kundi wala siyang pasalubong.

Mas inuna pa niya talaga ang pasalubong niya kaysa sabihan ako na mamimiss niya ako. Ts. Kakaiba talaga.

Ikakabuti din naman namin lahat ito kung lalayo muna ako sa kanila pansamantala at para makapag-isip isip.

Babalik ako sa America kung saan ako nanggaling. Sa bansang pinagpalit ko sa Pilipinas dahil sa taong minahal ko ng sobra pero iniwan lang ako.

Ang sakit pa rin pala talaga. Ts. So, hanggang dito na lang muna ako. Paalam. :)


��ӆB�s

My Ex Is My Fiancé?! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon