Unic's POV
"We can do this guys. Okay?" Pag-eencourage ni Tracy sa amin. Kinakabahan ako. First time ko kasing magpresent sa madami tao lalo na't kilala na ako bilang Eung.
Since nalaman na ng buong school na part ako sa Eung Family so far so good. Wala namang nanakit sa akin pero since then wala na akong natatanggap na letters, chocolates, gifts, and roses. Siguro natatakot na sila pero hindi naman ako ganoon kasama. I am still the Uniquea they used to know.
Kami na ang susunod na magprepresent kaya mas lalo akong kinabahan. Andito kami lahat sa field at lahat ng fourth year ay kasali while the others ay ibang activity ang sa kanila.
Katabi ko si Renz and Maymay nakatitig lang ako kay Teejay na kanina pa hindi nagsasalita. Siguro may problema siya. Wala pa kasi si Chelsea maybe he's thinking about her.
"Let's call our next performer the Gforce." Gforce? Iww. So cheap. Kidding. If I know si Matt ang nag-isip niyan. Haha.
Since tinawag na kami ay pumunta na kami sa center. Ang magiging music namin ay ang mga boys kakanta sila at isasayaw naman namin.
Ang kakantahin at sasayawin namin ay Just The Way You Are. Ewan ko kung bakit yan ang napili nilang song hindi na rin ako nagtanong dahil hindi ko hilig lalo na't sa mga ganitong bagay. More on academics kasi ako.
Nagsimula na kami. Kumpleto na rin kami pero wala pa ring pinagbago si Teejay. Anong nangyayari sa kanya? Nag-aalala na ako.
Hey Unic, focus. Mamaya mo na lang siya isipin. Focus. Concentrate.
Nairaos naman namin ito ng maayos. Walang nagkamali it means, perfect.
"Wow galing natin ha." Biglang sulpot ni Chris. Nginitian ko siya. May hawak siyang bouquet. "For you." Ohw! For me.
Tinanggap ko naman iyon. "Thanks. Nag-abala ka pa."
"Don't mention it. Basta para sayo." Ngumiti siya sa akin. Nailang ako don ha. Tumango na lang ako. "By the way, can I ask you out? If it's okay."
Naalala ko hindi pa pala ako nakakabawi sa kanya nung niyaya niya ako pero sumulpot si Teejay. Tumango ako. Babawi lang.
"Very good guys." Bati sa amin ni Tracy. So proud? Haha.
"Thank you." Sagot ng mga iba. Nginitian ko lang sila. Napako ang tingin ko kay Teejay. Si Chelsea ayun umalis, tumatakbo pa nga e. Anong meron? Hindi sila okay? Ts.
"Bro okay ka lang?" Thanks Jayred. Masasagot na rin ang tanong ko. Lahat kami ay nakatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya.
"Yes bro. Sinat lang siguro." Umubo siya.
"You can take some rest Teejay. If you want to go home, umuwi ka na para makapagpahinga." Sabi ni Tracy.
Pansin kong hindi nagpapansinan ang dalawa. Si Matt at Teejay since nung nabuo itong grupo nito. Nagtatanguan lang pero hindi nag-uusap.
"Ahh Trace, pwede ko bang hiramin si Uniquea? Eat lang ng lunch." Tumango si Tracy kaya naglakad na kami papalayo sa kanila.
Si Chris ang kasama ko pero si Teejay ang nasa isip ko. Dahil ba sa pagbukas ko ng malakas sa aircon kahapon? He said na kapag binuksan niya ang aircon magkakasakit siya. Geez. It's my fault.
"Wait Chris. I can't go with you right now." Pigil ko sa kanya. Nasa may field pa rin kami pero Cafeteria ang tinatahak naming daan.
He frowned. "Why? Is there any problem Uniquea?"
I scratched the back of my neck. "I'm sorry Chris but I have to go. May pupuntahan pala ako, I forgot. Sorry again." Tumango naman siya. I know nadisappoint ko na naman siya. Sorry Chris but I have to. "Thanks dito ha? Sorry talaga. I'll go ahead. Sorry Chris. Take care."
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancé?! [Completed]
Ficțiune adolescențiAno gagawin mo kung ganito ang sitwasyon mo? -- Ikakasal ka na nga lang sa taong sinaktan ka pa ng sobra? Ano kaya ang gagawin ng bida sa storyang 'to? Well let's find out. How? Just read my very first story. :) Thankyou. :* - Please support my ver...