16

10.9K 280 2
                                    

Tracy's POV

Oh yes! May POV na rin ako sa wakas. Galit kasi ata sa akin ang author kaya ngayon lang niya ako pinagbigyan. Joke.

Reality. Busy ako ngayon dahil pagkatawag sa akin ni Dreii ay agad na akong lumabas sa Classroom para hanapin si Unic.

Asan na ba kasi yun? Hindi naman kasi siya ganon. Kapag hindi man niya feel yung kasama niya babalik at babalik siya.

Pero ngayon hindi. At ang tanong asan siya? Kanina pa nga ako palakad lakad dito.

May nakabangga na nga rin sa akin kaya humihingi na lang sila ng pasensya sa akin.

Dapat lang no! Alangan ako. Ano sila? Swineswerte?

Ts. Tracy ano ba? Magconcentrate ka na lang sa paghahanap.

Napadpad na rin ako dito sa High School Building para mahanap ko lang siya. Naiinis na rin ako.

Hindi na nga rin ako nakapasok dahil nag-aalala na ako sa babaeng yun kasi kahit ganun siya mahal ko pa rin yun kahit ano pa ang mangyari.

"Arayy." Sigaw ko. May nakabangga na naman kasi sa akin. At hindi simpleng bangga lang. As in ang lakas ng impact.

Sino ba 'tong taong ito! Sh*t! Nadumihan na tuloy yung uniform ko. Ano ba!

Tumingala ako at mas lalo akong nagalit nang si Matt ang nakabangga ko kaya sinikmuraan ko siya. Bwisit ito. College na kami pero hindi pa rin niya ako tinitigilan. Ts.

"Aray ko Trace! Bakit mo ginawa yun ha?" Namimilipit na siya sa sakit. Buti nga sa kanya!

"Bakit mo ako binangga ha? Alam mo namang hindi ako nakatingin binangga mo pa ako! Hindi mo pa ba ako titigilang uggoy ka ha? Move on." Galit na tugon ko sa kanya.

Kahit mahal ko pa ito wala siyang karapatan na banggain ako. Oo. Tama kayo ng hinala dahil naging kami noong 4th year. Coincidence nga kasi pareho kami ng araw na naghiwalay sila Unic.

Kaya hanggang ngayon din galit pa rin ako sa kanya at sa kaibigan niyang si Teejay. Kasi kung hindi dahil sa kanila hindi kami nasasaktan. Bwisit!

Tumayo na lang ako. Tutulungan niya sana ako nang tabigin ko ang kamay niya. Ano siya? Ghad!

Paalis na sana ako nang magsalita siya.

"Nasa Rooftop siya. Sa dati." Huh? Sino tinutukoy niya? "Si Unic. And sorry din sa ginawa ko dati. I love you." Sabi niya pa bago siya umalis.

"I love you."

"I love you."

"I love you."

Oh damn it! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nasaktan na ako't lahat pero ang bilis pa rin ng tibok ko.

Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Umiling iling ako para maerase ang thought na naiisip ko. Wala lang yun. He is just lying. Remember Tracy noong sinabi niyang minahal ka niya talaga? Joke niya lang yun! Relax.

Tumakbo na ako paakyat ng rooftop para sundan si Unic.

At pagtuntong ko palang sa pinto ay nakasigurado na akong andoon talaga siya kaya agad na akong lumapit sa kanya.

As usual. She's crying all over again. At dahil nakita kong umiyak siya ay niyakap ko na lang siya. I feel her.

"Ang sakit." Mas lalo siyang naiyak pagkayakap ko sa kanya. Pati na rin ako naiyak na rin.

Ang sakit talaga. Pareho nila kaming pinaglaruan. Sinaktan. Niloko. At worst ginawang tanga.

Hindi naman kami manhid nang bestfriend ko para hindi maramdaman ang sakit na binigay nila sa amin.

Masaya man kami sa harapan ng maraming tao pero kapag kami lang ang magkasama doon lang namin naipapakita ang kahinaan namin. Dahil ayaw namin ang kinakawawa.

At hinding hindi ako makakapayag na hindi maghiganti.

Siya ang dahilan kaya nagkaganito ako. Pinaglalaruan ko ang mga lalake. Masaya. Pero mas masaya kung siya ang paglalaruan ko.

Humanda ka Matthew Ignacio. Dahil ikaw ang isusunod ko na papaiyakin. Ipaparamdam ko ang sakit na pinaparamdam mo sa akin. At gagawin ko ang lahat para masaktan ka ng sobra.

Yinakap ko na lang si Unic hanggang sa tumahan siya. Ok na rin kasi ako.

"Let's take a picture." Energetic na sabi ko. Ganito talaga kami. Kapag nanggaling kami sa malungkot na pangyayari ay susundan namin ito ng maganda. At gaya ng ginagawa namin ay nakakawala ng sakit.

Feel kong wala siya sa mood pero sinabayan niya pa rin ang trip ko. Well, sanay naman na din ako. I'm her bestfriend since then. So malamang masasanay talaga ako sa kanya.

"Ang pangit mo." Natatawa kong sabi. Sa picture kasi ay para siyang shunga. Nakapikit na nakalabas ang dila. So ewwie. Ang pangit.

At nakalipas nang ilang segundo ay tumawa na rin siya kaya tumawa na rin ako.

This is us. May nararamdaman mang sakit sinisigurado pa rin namin na hinding hindi kami magmumukhang kawawa.

Isang Uniquea Princess at Tracy Lei ay kahit kailan hindi magpapaawa at hindi kaawa-awa.

And by the way I am Tracy Lei Fortez. Bestfriend of Uniquea.

Hanggang dito na muna ako. So. Byiie.

Unic's POV

Niyaya ako ni Tracy na magshopping since wala ng klase ay pumayag na ako. Total ngayon din ulit kami magbabond kasi this past few days ay hindi na kami masyadong magkasama. I miss my bestfriend.

Papunta na kami sa parking lot nang makasalubong namin si Chelsea.

Tumigil ako saglit pero nang napatitig ako sa mukha niya ay bigla kong naalala yung nakita ko nung Thursday. Yung blind date.

Reality. Pagkaalala ko yun ay agad na akong naglakad at linagpasan siya. Pero nang mapansin ko na walang nakasunod sa akin ay tumingin ako sa likod ko. Wala nga talaga.

Si Tracy? Andun kausap si Chelsea. Ts.

Naglakad ako pabalik.

"Let's go." At hinila ko siya pero napatigil ako dahil sa sinabi niya.

"Wait. Sama natin si Chels. Let's go." Tinaasan no siya ng kalay. Isasama? No way. Kinunutan niya naman ako ng noo.

"No!" Seryosong sabi ko. Ayukong makasama ang taong nanakit sa akin.

Nakakasigurado akong si Chelsea yun dahil nabanggit sa akin ni Jayred nong nakita ko siya. Pagkatapos nangyari yun. Hindi ko lang talaga maalala na si Chelsea pa yun dahil Chelsea Mae Castillo. Siya talaga yun.

"Why?" Taka naman niyang tanong. Nagulat din si Chelsea dahil sa inasal ko. I don't care. Imbes na sagutin pa siya ay hinila ko na lang siya. "Teka." Gosh! Why so numb Tracy? Hindi pa ba halata na ayaw ko siyang kasama. Damn.

"Look Tracy. Chelsea is busy. Right, Chels?" Pinanlakihan ko siya ng mata. At sinigurado ko na hindi iyon nakita ni Trace. Makisama ka kundi sasamain ka sa kin.

"Ha? A-ah eh. Oo tama s-si Unic. Sige una na ako. Bye." Paalam na niya. Ahy. Buti na lang.

Tumingin ako kay Tracy at nakataas ang kilay niya sa akin. Here we go again. Tatanungin niya na naman ako.

"Ano yun? Bakit mo siya pinaalis? Unic?" Nagkibit balikat ako. Wala akong oras para magpaliwanag. "Unic." Tawag niya sa akin.

Makauwi na nga lang total andyan naman na yung sundo ko. Di ko kasi natext yung butler ko na pupunta kami sa mall pero huwag na lang. Nawalan na ako ng gana.

Mas mabuti na lang kung ganoon lang ang ginawa ko dahil kapag di ko mapigilan ang sarili ko at masabunutan ko pa siya.

--
Sorry po kung wala akong update kahapon. Busy eh. Sorry kung lame din ang mga updates ko dahil ganyan talaga. XD Babawi ako mamaya kapag nagkaoras ako. Good Morning. :) God Bless.

l

My Ex Is My Fiancé?! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon