Chris's POV
"Hi mom." I greeted.
Kauuwi ko lang kasi namin galing sa mall. Pasado 7:00 na rin.
Kiniss ko na muna si Mommy sa cheeks saka nagpaalam na magpapahinga na muna ako. Pumayag naman si mommy at ipapatawag na lang daw niya ako kapag kakain na.
Napagod kasi ako dahil ako lang naman ang pinagbitbit ng mga pinamili niya. Hassle! Napapagod talaga ang kagwapuhan ko kapag siya ang kasama ko. Ts.
Pagdating ko dito sa kwarto ko ay binaba ko na muna ang bag ko saka nagpatihulog sa kama.
Gusto ko munang matulog. Gusto ko din na maligo pero sobrang pagod pa ako kaya mas mabuting mamaya na lang.
* Journey To Atlantis *
Papikit na ako ng mata ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Ay hindi pala. Hindi ganun ang ringtone ko eh. Eh kanino? Damn! I'm so really tired. Gusto ko na talagang magpahinga!
I have no choice. Tumayo ako at kinuha ang bag ko para hanapin ang cellphone na tumutunog. Oo pala! Kay Unic! Sh*t di ko naisuli! Bukas na lang siguro.
Nang makita ko ang cellphone niya ay agad ko itong sinagot.
"Hello?" Di siguradong tanong ko. Unknown number kasi eh.
"Sino 'to?" Boses lalaki ang nasa kabila. Sino daw ako? Eh gago pala ito eh. Siya ang tumawag then tatanungin niya kung sino 'tong tinawagan niya. Hanep! "Hello. Pwede ko bang makausap si Uniquea?"
Kumunot naman ang noo ko. "Wala siya rito." Papatayin ko na sana ang tawag nang magsalita na naman siya. Ts. I want to rest! Damn it!
"Wait. Kailangan ko talaga siyang makausap. Teka!" He paused. "Sino ka ba?" Takang tanong naman niya ulit. "Boyfriend ka ba niya?" Galit na galit na niyang tanong.
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Ts. "Oo kaya pwede ba huwag ka nang tatawag dito." Saka ko na pinatay ang tawag.
In-off ko na din para walang istorbo.
Humiga na ulit ako sa kama at papikit na nang biglang may kumatok na naman. Sh*t. What the heck.
Bumukas ang pinto. "Sir, kakain na daw ho kayo." Imbes na sumagot ako ay tinakpan ko na lang ng unan ang mukha ko. Pagod ako. Pagod na pagod kaya pwede ba pahingahin niyo naman ako!
Narinig kong sumara na ang pinto kaya napangiti ako. Makakapagpahinga na rin ako.
Papikit na sana ako nang...
"Sir, kain na daw." What the!
"Arghhhhhhhhhh! Fine!" Sigaw ko. Sh*t lang. Napabuntong hininga ako at galit na galit akong bumaba.
Ang pinakaayaw ko ang iniistorbo ako. Damn!
Tumungo na ako sa Dining Room. Andoon na sila daddy, mommy and dreii.
Si Dreii ang pinakababata kong kapatid. Charls Andreii ang totoo niyang pangalan. Parehong may Andreii kami sa pangalan namin dahil Andreii ang pangalan ni daddy.
Ewan ko ba kay Mommy. Ts. Kaya Chris ang tawag nila sa akin para alam ko talaga na ako ang tinatawag nila Mommy. Psh.
"Andiyan ka na pala Son. Come! Let's eat." Sabi ni Daddy kaya umupo na rin ako sa harapan ni Mommy.
Pagkaupo ko ay nagdasal muna kami at saka na nagsimulang kumain.
-
Andito ako sa CR nagtotoothbrush. Maliligo na din ako para makapagpahinga na ako ng maayos at walang istorbo.Pagkabihis ko ay humiga na ulit ako sa kama ko nang maalala ko yung cellphone ni Unic.
Kinuha ko iyun para ilagay sa may side table nang kama ko baka kasi makita ni Mommy pagalitan pa ako. Ts.
Nang makuha ko na napansin ko yung casing ng cellphone niya. Teka? Parang...
Kinuha ko ang cellphone ko at pinagtabi ang dalawang cellphone namin. Sabi na nga ba eh. Pareho kami. Couple Case daw 'to. Sabi kasi nung babae couple case daw at pwede kong bilhin kasi may nakabili na nung kapares. At dahil maganda ang design binili ko.
Hindi ko akalain na si Unic pala ang nakabili nung isa.
Ugh! So what Chris? Bakit ba affected na affected ka?
Makapagpahinga na nga lang. Tinabi ko na yung cellphone namin nang tumunog ang cellphone ko.
Bakit ba kasi ngayong pagod na pagod ako saka nila ako iistorbohin? Fvck!
Sinagot ko na lang at hindi man lang tiningnan kung sino ang caller.
"Hello." Bored na sabi ko. Eh sa wala ako sa mood. Pagod na pagod na talaga ako.
Akala ko wala nang iistorbo pero meron pa rin pala. Shete!
"Hello. Si Unic ito. Pakikeep naman yung phone ko, ha? Di ko na kasi nabalikan eh. Thanks." Pagkarinig ko na si Unic palang ay bigla akong nataranta.
Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Nawala rin bigla ang pagod ko. Weird. Kinakabahan din ako.
"Ha? A-ah ok." Bakit ba ako nauutal? Hindi naman ako ganito dati kapag kinakausap niya ako.
Siguro dahil sa mahinahon niyang boses kaya siguro ako nagkakaganito. Naninibago lang ako. Iyon yun!
"Thanks. Oh sige, baka nakaistorbo pa ako ---" I cut her off.
"No it's okay. Actually, I feel bored. So it's okay." Huh? Ano ba itong sinasabi ko? Shete! Chris!
"Huh? O-okay." Nagtatakang sagot niya. Siguro nawiwirduhan na rin sa akin. Ts.
"Yeah. By the way, bakit hindi ka na bumalik?" Tanong ko. Nakakapagtaka kasi hindi niya binalikan yung phone niya.
Kung ako lang nakaiwan panigurado babalikan at babalikan ko talaga.
"Huh? Wala. Sige na. Inaantok na kasi ako." Let me guess, hindi siya mapakali. Yung boses niya kasi parang hindi siya sigurado sa mga sinasabi niya.
"Okay. Good night." Sabi ko na lang kaya binaba na niya ang tawag.
Bumalik na ako sa pagkakahiga para matulog na pero kahit anong pwesto pa ang gawin ko hindi na ako inaatok. Hays! Pati din kapag pumipikit ako siya lang ang nakikita ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Ito ba ang disavantage kapag kinakausap ka niya ng mahinahon? Ts.
Unic's POV
Nakakainis naman oh! Kinakalimutan ko na nga yung nangyari kanina pinaalala niya pa! Argh! Nakakainis talaga!
Nagsisisi na talaga ako na tinawagan ko pa siya! Ts.
Makatulog na nga lang. :( Night.
--
A/n: There you are. :) Nakakabawi na po ba ako? XD
Pakibasa naman po yung My Bestfriend, My Love. Isa po siyang one shot. :) Thankyou po. Gdbless.FrW~�\�2�
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancé?! [Completed]
Novela JuvenilAno gagawin mo kung ganito ang sitwasyon mo? -- Ikakasal ka na nga lang sa taong sinaktan ka pa ng sobra? Ano kaya ang gagawin ng bida sa storyang 'to? Well let's find out. How? Just read my very first story. :) Thankyou. :* - Please support my ver...