Tracy's POV
Sobrang saya nila pareho. Hay! Finally okay na rin sila. Thanks god.
"Oh? Bakit nakangiti ang girlfriend ko?" Biglang may sumulpot na kabute. Charot. "Woah! Anong nangyayari? Bakit nagtatawanan na yung dalawa? Okay na ba sila?"
"Yes and yes." I laughed. "And thanks god kasi pareho na silang magiging masaya lalo na ang best friend ko. And ofcourse lahat na tayo except ang isa diyang single pa rin hanggang ngayon." Pagpaparinig ko kay Jayred.
Napatingin naman kami agad sa kanya dahil sa sagot niya. Hugot e. "I'm single but my heart is taken by someone I can't call my own."
"Hugot men! Humanap ka na lang kasi ng iba." Sagot naman ni Matt.
"Oo nga Matt hindi yung umaasa ka lang sa wala. Tsk!" Sagot ko naman. Siyempre kampihan kami ng boyfriend ko.
"Huwag na. Paano na lang kung bukas na pala may chance na tapos sumuko na ako. Edi wala din. Mas mabuti na lang nang ganito. At isa pa worth it naman siya sa paghihintay ko." Naku! Naku! Jayred! Humuhugot ang mokong.
"Oo na lang." Chorus na sabi namin ni Matt tapos pinanuod na namin ang dalawa na naghahabulan ngayon.
Salamat po dahil ayos na sila. Thanks god!
"Tara na! Hintayin na lang natin sila sa Cafeteria."
Unic's POV
He kissed my forehead while hugging me. I found it sweet.
"I'm so sorry. Akala ko wala na talaga. And thank you kasi ikaw na mismo ang gumawa ng way. Oh talagang hindi mo ako minahal kaya sumuko ka." Inaasar talaga ako nito. Nakakainis.
Kinurot ko nga sa ilong. "Excuse me! Minahal naman talaga kita e. Hindi ka lang marunong magpahalaga." Then inirapan ko siya.
"Oo na lang." Sabi niya.
Pinalo ko siya sa dibdib. "Anong oo na lang ka diyan! So napipilitan ka. Ang sama mo." I pouted.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "I'm kidding. Kahit kailan hindi ko inisip na balewalain ang pagmamahal mo. Every seconds, minutes, hours na magkasama tayo pinapahalagahan ko. Trinetreasure ko." Aww! Oo na. I felt my cheeks turn to red. Ang init kasi. "You're so cute when you're blushing." Waah! Bakit ang galing niyang mang-insulto, no?
Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap. Naiiyak kasi ako kasi hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang bagay na yun. Joke. Eto ang totoo... Hindi ako makapaniwala na okay na kami ngayon. Na sobrang saya na namin ngayon. Kung dati pinatawad ko na siya ganito ba ako kasaya o mas masaya pa?
Iyon na ang pinagsisihan ko sa lahat ng nangyari sa amin ni Teejay. Ang hindi pagpayag na mag-explain siya noon. But past is past. Ang importante ay okay na kami ngayon and I'm so very thankful to god for this blessing.
"Umiiyak ka na naman." Pilit niyang tinataas ang mukha ko pero hindi ko siya hahayaan. Ayukong nakikita niya akong umiiyak.
Umiling ako. "Ano ba Teej. Hindi ako umiiyak. Huwag kang makulit" I said between my sobs."
"Hindi daw umiiyak pero sumisinglot-singlot naman. Don't tell me sinipon ka kaagad. Tsk." Edi ikaw na. Ikaw na ang the best na magaling mang-inis.
Pero di nagtagal naiangat niya rin ang mukha ko. Ang lakas niya.
Pinahid niya ang thumb niya sa pisngi ko. Wee!
"Tears of joy?" I gave him a weak smile. "Naku! Napakaiyakin mo talaga. Halika nga rito." Tapos niyakap niya ako. "Next time huwag ka ng iiyak, okay? Or else kikilitiin kita." Sira ulo talaga ito. Pero alam ko naman na sinasabi niya lang 'to to englighten my mood.
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancé?! [Completed]
Fiksi RemajaAno gagawin mo kung ganito ang sitwasyon mo? -- Ikakasal ka na nga lang sa taong sinaktan ka pa ng sobra? Ano kaya ang gagawin ng bida sa storyang 'to? Well let's find out. How? Just read my very first story. :) Thankyou. :* - Please support my ver...