Chris's POV
Kahit ano pang sabihin niya hinding hindi ko siya titigilan. Baka magpakamatay pa yun.
Pumunta siya sa parteng madilim. Buti na lang at walang lamok dito kundi dengue ang abot niyan panigurado.
Umiiyak na naman siya. Ewan ko ba kung bakit ko pa siya sinusundan. This is not me. I'm acting weird specially when I'm with this girl.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Ts. Bahala na nga lang.
Lumapit na ako sa kanya at galit na galit niya akong tiningnan. Aaminin ko minsan takot ako kapag siya ang kasama ko dahil napapahiya ang gwapo kong mukha. Ts.
---
Minutes Passed.
Hindi na niya ako pinaalis dahil nakakatamad daw at isa pa kapag pinaalis niya daw ulit ako panigurado walang magbabago.
Buti alam niya. Kahit naman kasi ganito ako marunong akong maawa. Pero dapat hindi siya kaawaan pero believe din kasi ako sa kanya kasi ang galing niyang magpanggap na hindi nasasaktan. Na parang walang nangyaring hindi maganda sa kanya.
Una na pagkita ko sa kanya inaamin ko tinamaan ako pero mas higit pa rin ang pagmamahal ko kay Chelsea.
Chelsea na naman! Ahyst.
"Ang sakit masaktan. But ganyan kayong mga lalaki? Ang galing niyong manakit ng mga damdamin naming babae?" Biglang tanong niya sa akin.
Umiling iling ako kaya tiningnan niya ako. Iba yung tingin niya sa akin ngayon keysa sa dati.
"Akala mo lang yan. Minsan nga kayo rin mismo ang nanakit eh at nanluluko pa." Sabi ko saka ko siya tiningan.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ha. Kayo kaya." Galit na naman niyang sabi.
Bipolar din 'to eh. Nagagalit minsan ang bait. Ang gulo talaga ng mga babae.
"Alam mo, hindi naman kasi lahat ng lalaki manluluko." Panimula ko. Parang ang gaan kasi ng pakiramdam ko sa babaeng to.
Tiningnan niya ako ng nagtataka. "Hindi. Lahat kaya." Pamimilit na naman niya.
"Teka nga kasi. Patapusin mo muna ako." Sabi ko. Medyo naiinis na rin ako.
She nodded. "Oo na. Oh tapos?" Seryosong tanong niya.
Kaya itutuloy ko na. "Kasi minsan din akong linuko ng isang babae. Minahal ko siya nang sobra. Sobra pa sa inaakala niya. Pero isang araw nalaman ko na lang na hindi pala niya ako minahal." Tumawa ako ng peke. "At worst inagaw pa sa akin ng bestfriend ko." Kwento ko.
Tiningnan ko siya at nakatitig lang sa akin. Maya't maya ay tumawa na siya. Ewan ko pero ang sarap pakinggan ang tawa niya. Nakakawala ng stress.
"Parehas pala tayo ng story. Akalain mo yun." Di makapaniwala niyang sabi. "Ganyan din kasi ako. Akala ko mahal niya ako yun pala pinaglaruan lang pala niya ako. Ang sakit no?" Umiiyak na kwento niya.
Hay, heto na naman siya. Bipolar nga talaga.
Akmang yayakapin ko sana siya nang lumayo siya. Okay. Kung ayaw edi wag.
"Minahal ko siya ng sobra. Minahal ko si Teejay ng sobra pero linuko niya lang ako. Eto ang mas unbelievable ang babaeng tinulungan ko yun pala ang isa sa nanakit sa akin. Grabe. Sana hindi ko na lang tinulungan si Chelsea. Kung alam ko lang."
Ano daw? Teka. Teejay at Chelsea? What the heck.
"Sinong Teejay at Chelsea?" Curious na talaga ako.
"Chelsea Mae Castillo at Teejay Monteverde. Sila. Sila yung walangyang nanakit sa akin. Sila din yung dahilan kaya ako umalis kanina sa Restaurant dahil nakita ko sila."
Sila? Napaclose fist ako. Akalain mo nga naman. Sila pa rin pala talaga hanggang ngayon.
At sila pala yung tinitignan ni Uniquea kanina. Hindi ko kasi nakita kasi pareho silang nakatalikod kaya hindi ko napansin.
"Sila." Nanggagalaiti kong sabi.
"Oo. Sila nga. Bakit kilala mo sila?" Takang tanong niya. Umiling ako. Oo dati pero ngayon hindi na.
Dahil simula ngayon kakalimutan ko na sila pareho. Sila na naging parte sa buhay ko.
Tumingin ako sa orasan ko at nagulat ako dahil pasado 9:00 na pala. Ang tagal na pala namin dito. Hindi ko man lang napansin.
"Tara uwi na kita. Medyo late na rin kasi." Sabi ko kaya tumayo na kami pareho.
Naglakad kami papuntang parking lot at pagkadating namin doon yung kotse ko na lang ang nakapark.
Pinagbuksan ko siya ng pinto sa shotgun seat. Pagkasakay niya ay dali dali akong sumakay sa driver seat dahil umuulan na naman.
Binuksan ko na ang engine at nagsimula nang magdrive.
"By the way, saan ang bahay niyo?" Hindi ko kasi alam kung saan ko siya ihahatid.
"Bakit ka pa nagrequest na ikaw ang maghahatid sa akin kung hindi mo pala alam ang bahay namin?" Sungit niyang tanong. Sungit talaga neto. Ts.
Umiling ako. "Aba malay ko. Bumaba ka na nga lang." Joke na sabi ko. Wala naman talaga akong balak na pababain siya baka may mangyari pang masama malalagot ako sa pinsan ko 'pag nagkataon.
"Paano ako bababa kung hindi mo ititigil? Mag-isip ka nga." Sarcastic na sagot niya.
Naiinis na talaga ako. Ts. Kakaiba ka talaga.
"Saan nga?" Pag-uulit ko.
"Sa Eung Subdivision." Sagot niya.
Tinuro naman niya kung saan ang bahay nila este mansion pala. Ang laki ng bahay nila. Mansion din yung amin pero hamak na mas malaki ang sa kanila.
Bumaba na siya at pumasok na. Anak ng teteng. Di man lang nagthankyou. Grabe ka talaga Uniquea. Ts.
Makauwi na nga lang. May pupuntahan pa ako bukas. I almost forgot.
Binuksan ko na lang ulit ang engine tsaka ko na pinaharurot 'tong kotse ko.
--
Sorry po pala sa mga wrong grammars na nababasa niyo at typo errors. :)
You like it? Then vote and comment it. XD Hahaha.
Ito lang muna para sa ngayon. Bukas ulit pag may free time ako. Gdnyt. :*
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancé?! [Completed]
Teen FictionAno gagawin mo kung ganito ang sitwasyon mo? -- Ikakasal ka na nga lang sa taong sinaktan ka pa ng sobra? Ano kaya ang gagawin ng bida sa storyang 'to? Well let's find out. How? Just read my very first story. :) Thankyou. :* - Please support my ver...