Unic's POV
Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko pinapansin ang mga taong kumakatok. Hindi ba nila maintindihan na gusto kong mapag-isa?
Napahiga ako ng biglang bumukas ang pinto. May naririnig akong katok na palapit sa akin.
Pinipilit kong pigilan ang luha ko pero hindi ko mapigilan. Shucks! Makicooperate ka na please.
Lumubog sa right side ng bed ko. That smell. Si kuya.
"Princess." Tinulungan niya akong makaupo ng ayos. "Harapin mo nga ako. Ano ba talaga ang nangyayari sa inyong dalawa, ha!?" Galit na tanong ni kuya. Hindi ako sumagot. Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang paghagulgol ko. "Uniquea, I hate seeing you like this. Kung nasasaktan ka ako din. So tell me. What's your problem?" Malumanay na si Kuya.
Pero imbes na sumagot ako ay yumakap ako sa kanya.
"Kuya..." I paused. "Ang sakit. Sobrang sakit. Okey na kami pero sabi niya iiwan na naman niya ako. Ayuko na. Ayuko ng masaktan pa. Pagod na ako." I said between my sobs.
Medyo tinulak ako ni kuya. Tiningnan niya ako ng seryoso. "He's begging you to give him another chance, right? Pero bakit hindi mo siya pinagbigyan? I heard it. Sincere siya Unic. Alam ko at ramdam ko dahil pareho kaming lalake. Mahal na mahal ka niya Unic." Sincere na sabi niya.
Umiling ako. "Ayuko na kuya. Nakakapagod. Nakakapagod umasa. Lagi na lang niya akong sinasaktan---" He cutted me off.
"Dahil mas pinili mong masaktan. Sa tingin mo kung pinagbigyan mo siya ng isa pang pagkakataon nasasaktan at umiiyak ka ng ganito? Hindi. Panigurado nagsasasaya ka."
"Sana kuya. Sana ganoon lang kadali pero hindi eh. Ang hirap kalimutan ang lahat lahat. Handa na ako pero nabigo lang ulit ako at ayaw ko ng maulit pa. Please kuya." Akmang magsasalita pa sana siya pero hindi ko siya pinagbigyan. "Please kuya, I want to rest. Please." Tapos humiga na ako at tinalikuran siya.
Madaling sabihin pero hindi ganoon kadaling gawin. Kakayanin ko 'to. After this hindi na ako iiyak pa. Pangako ko yan sa sarili ko.
---
After 1 week.
1 week nang nakalipas simula noong araw na sumuko o sinuko ko ang lahat. Nagkakasalubong kami pero parang hindi niya ako kilala. Ang sakit.
Iniiwasan na niya talaga ako. Wala akong karapatan na magcomplain dahil kagagawan ko ang lahat ng ito. Ugh! Ang hirap.
Pinipilit ko na huwag siyang isipin. Pero ang hirap. Nagpapakabusy na ako't lahat lahat pero sa tuwing ititigil ko siya agad ang naiisip ko.
Minsan nga gusto ko ng tanggalin ang ulo ko para hindi ko na siya maisip pa. Ang hirap ng sitwasyon kong 'to.
"Hoy! Tulala ka na naman diyan. Iniisip mo na naman siya, aber? Huwag ka nga." Pagbabalik ni Tracy sa akin sa earth.
I rolled my eyes. "Pakialam mo?" Pagsusungit ko naman sa kanya pero joke lang.
"Aba! Nasaktan. Nagmahal. Naging Masungit." Napataas ako ng isang kilay. "Iba talaga epekto sa'yo kapag nasasaktan ka. Best friend para kang nakadrugs. Arayy." Sinabunutan ko nga.
Nakadrugs daw? Excuse me. Ako? No way.
"Ikaw ata ang nakadrugs e ang dami mong alam." Napatawa na lang kami pareho. Hayy! Buti na lang at laging andito si Tracy para ichange ang mood ko sa tuwing malungkot ako and ofcourse ang dalawang tukmol. Chos.
Wala kaming teacher kaya tambay lang kami dito sa loob ng classroom. Gusto ngang lumabas ang bruha pero ayaw ko naman. Baka makita ko ulit o makasalubong siya. Ayuko.
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancé?! [Completed]
Novela JuvenilAno gagawin mo kung ganito ang sitwasyon mo? -- Ikakasal ka na nga lang sa taong sinaktan ka pa ng sobra? Ano kaya ang gagawin ng bida sa storyang 'to? Well let's find out. How? Just read my very first story. :) Thankyou. :* - Please support my ver...