Unic's POV
Dahan dahan na bumukas ang pinto. Sino ba yan? Nakakacurious. Kung si Kuya yan hindi siya ganyan bumukas. Biglaan siyang bumubukas ng pinto saka hihintayin niya talaga ako na ako ang magbukas. Maybe... it's Killer Clown, gosh! Bigla akong kinilabutan sa naisip ko. Oh G. Uso pa man din yun.
Dahan dahan akong tumayo sa pagkakaupo sa bed at tahimik na pumasok sa CR at nilock agad yun. Lord, save me. Ito na ba ang magiging kaparusahan ko sa mga maling pinaggagawa ko kaya kamatayan na ang lumalapit sa akin. Lord, huwag na po muna.
Narinig kong sinara na niya yung pintuan. Kinakabahan na ako... Sobra! Nanginginig na din ang mga tuhod ko.
At di nagtagal may narinig ako na tumatawag sa boses ko. Waah! Ayuko na. Natatakot na ako. Daddy. Mommy. Naiiyak na ako.
*Tok. Tok. Tok.*
Kumakatok na siya dito sa CR. Pinipilit niya rin na binubuksan pero lock naman. Ugh!
*Tok. Tok. Tok.*
"Uniquea, are you in there?" Teka? Pa'no niya nalaman ang pangalan ko? Saka bakit familiar yung boses? "Hey. Andiyan ka ba? Answer me." Pabulong na sabi niya.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin si... "Teejay?" I mumbled.
What is he doing here?
"Yes?" He smiled at me widely. "Labas ka dali saka bakit mukha kang natatakot diyan?" Lumabas naman ako pero chinecheck ko kung may killer clown nga. "May hinahanap ka ba?" Tanong niya.
Umiling ako. "Wala. Bakit andito ka?" Umupo ako sa bed ko at siya naman ay humila ng chair.
"Wala lang. I just wanna see you. Bakit? Bawal bang makita ang girlfriend ko?" Huh? Girlfriend? Err. Ang sarap pakinggan. And my heartbeat. Damn! Ang bilis.
Pumikit-pikit ako kung totoo nga ba talaga siya. Dahan dahan ko siyang hinawakan. G, totoo nga. I thought it was just only a dream.
"Ok ka lang ba? Para kang sinaniban na di ko maintindihan. May sakit ka ba?" tiningnan ko nga siya ng masama. Sinaniban daw. Tsk.
"Wala. Akala ko kasi hindi ito totoo. Akala ko din po kasi ay panaginip lang." Sagot ko. "At HINDI AKO SINASANIBAN AT WALA AKONG SAKIT." Pag-eemphasized ko. Nakakainis.
"So sa tingin mo hindi ito totoo?" Laa. Galit na siya.
Tumayo siya at may kinuha sa study table ko at hindi ko iyon makita kung ano yun.
Lumapit siya sa akin na nakangiti kaya automatic na napangiti na din ako. Nakakaawa kasi yung ngiti niya. Cloud9.
"For you." Hayts. Ang haba talaga ng hair ko. Gosh! Mas lalo na naman bumilis ang tibok ng puso ko.
Inabot ko naman. "Thanks Teej and sorry kanina."
"No it's okay. Ininis talaga kita. Ang cute mo kasi kung mainis." Saka niya pinisil ang ilong ko.
"Alam mo? Nagwork yung plano mo talagang talagang nainis ako. Tsk." May halong sarcastic ang tono ko. Grabe!
"Sorry." Tapos kiniss niya ako sa forehead. Err. Nagblablush ako. "Cute." And for the second time pinisil niya ulit ang ilong ko.
"Okay. Para saan 'tong bouquet? Peace offering?" Tanong ko. Kumamot siya sa batok niya. "Oh I see. You're forgiven." Gets ko na ang pagkamot niya. Ganyan talaga kasi yan 'pag yan kumamot it means nahihiyang mag-oo.
Tumayo siya at pinapikit ako. Ano na naman ba 'tong plano ng mokong na ito. Pumikit ako dahil ako'y masunurin. Haha, charot.
And nakaramdam na lang ako ng lamig sa leeg at kamay ko. Woah! May nilagay siya.
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancé?! [Completed]
Novela JuvenilAno gagawin mo kung ganito ang sitwasyon mo? -- Ikakasal ka na nga lang sa taong sinaktan ka pa ng sobra? Ano kaya ang gagawin ng bida sa storyang 'to? Well let's find out. How? Just read my very first story. :) Thankyou. :* - Please support my ver...