Unic's POV
"So saan tayo ngayon? Sa school ulit?" Tanong ko sa mga kasama ko na sina Jayred, Matt, Renz, Tracy and Maymay. Wala pa ang apat. At kasalukuyan na nandito kami sa Café daw nila Renz kumakain ng breakfast. Napagpasyahan kasi namin kahapon na sabay sabay na daw kaming lahat na kumain para sabay sabay na daw kaming pumunta sa school since last day na ng Rehearsal namin. Sa auditorium daw kami magrerehearse.
"Maybe, let's wait them para sabay sabay na talaga. If you want but if you don't want mauna na lang tayo. What do you think guice?" Request ni Sir Matt. Oo sir na rin ang tawag namin diyan. Feel na feel lang e.
Nakausap ko na rin si Matt na hindi na niya babalewalain ang mga araw na magkasama sila ni Tracy kundi papahalagahan na daw niya. Natuwa naman ako sa narinig ko. Buti pa sila may pag-asang mabalik ang dating sila pero kami may pag-asa pa ba? Hayyy!
"Hoy Uniquea." Napahawak ako sa tenga ko na sinigawan ni Tracy. Sino ba ang may makapal ang mukha na pwedeng gawin sa akin lahat nito, siya lang. Sinabunutan ko nga. "Aray."
Buti nga! Sakit ng tenga ko. Bwisit!
Magsasalita pa sana sina Matt ng may dumating. Nakapolo shirt siya at pants. Wooo. Bigla akong napatulala. Ang gwapo niya. Ang bango niya.
"Diyan nga ako Jay." Kausap niya sa Jayred na katabi ko ngayon. Ah eh? Dito siya sa tabi ko uupo? So it means magkakatabi kami? Ganon ba?
'Ay hindi Uniquea.' Heh. Kainis 'tong isip ko nakikijoin. Aish! Nagiging slow tuloy ako. Ano ba naman yan!
Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko. Ugh! I can't take this anymore. Parang lalabas na ang puso sa sobrang lakas.
Umalis si Jayred at umupo siya sa harap ko. Pagsampo talaga kasi ang upuan na inuupuan namin ngayon.
Nakaupo na siya sa tabi ko. At ang pasaway kong puso walang tigil sa pagtibok ng sobrang lakas. Hell!
Hindi ko siya tiningnan kundi nakatingin ako sa limang tao sa harapan namin na sobrang meaningful ang tingin nila sa amin. Ugh! Dumadamay pa eh. Kinabahan tuloy ako.
Tumingin ako kay Tracy at ang bruha as expected tinutukso na naman ako. Ganito kasi ang pwesto namin.
Sa may nort na part ay sina Maymay. Renz. Tracy. Matt. Jayred. While the other part ay kami lang ni Teejay. Nasa left ko siya.
Sobrang kinakabahan na ako. Nilalamig na rin ang mga kamay ko. Nagsheshake na rin itong buong katawan ko kulang nalang siguro ay pati upuan ko ay madamay na rin sa pagshake. Nakakailang lalo na't hindi naman kami okay.
Wala ni isa sa amin ang nagtangkang nagsalita. Tahimik lang kaming lahat. Ehh? Awkward talagang talaga. Damn. Makapagsalita na nga lang. Ts.
"So..." Tumingin ako sa mga ito except him siyempre. "Asan na ang iba?" Ganyan lang Uniquea para mawala ang tension.
"Ahm. Si Chelsea on the way na daw." As usual yung boyfriend ang sumagot. Ts. Pake ko sa Chelsea na yan? Kainis!
"Sina..." Sino pa ba?! Wala akong maisip. Shocks. "Ano... Si anoo." Ano ba Uniquea mag-isip ka bilis.
"Sino?" Tracy then she smirked. Yari ka sa akin mamaya bruha ka. Sinamaan ko siya ng tingin saka tiningnan siya na 'help me' look. Sana lang magets niya ako. Tumango tango siya pero nag-iwas agad siya ng tingin! Ay! Fine! Bwisit!
"Excuse me." Sabi ko na lang. Lahat sila napatingin sa akin. Bwisit naman oh! Makalabas na nga lang. Shete. "Una na ako sa labas." Tapos naglakad na ako palabas ng Café. Libre naman daw ni Renz so wala kaming babayaran.
Pagkalabas ng pagkalabas ko ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib at nakahinga ako ng maayos! Hooooh! Hindi ko nacarry ang pangyayari sa loob.
Teejay's POV
Pilit kong pinipigilan ang tawa ko dahil natatawa ako kay Unic. Ramdam kong naiilang siya sa akin. Same here.
Nagpaalam na siya na lalabas na siya. At pagkalabas niya ay nagpaalam din ako na lalabas na rin. Nagets naman nila siguro pero bago ako makatayo ay nagsalita si Tracy.
"Did you eat?" I nodded. "K. You may go. But wait." Pigil niya ng akmang maglalakad na sana ako. "Wag mo siyang paiiyakin ulit kundi ako magpapaiyak sayo." Tumango na lang ako at nagsalute pa.
Nang malapit na ako sa pintuan nakita ko siya na nagbuntong hininga. Nakakatuwa siya. Dahan dahan akong lumabas para hindi niya ako mapansin.
Tumayo ako sa likod niya napansin kong nagbuntong hininga ulit siya. Napatawa ako.
"Nakakailang buntong hininga ka na ba?" Sabi ko. Napatigil siya saglit tapos dahan dahan siyang humarap sa akin na dahilan ng pagtawa ko ulit.
Kumurap kurap siya at pinisil pa ang pingping ko. Weird. Pagkayari nun ay sumigaw siya.
Nagulat ako sa pagsigaw niya pero nang makabawi ako ay napatawa ako. Hindi ko na napigilan. Tawa ako ng tawa at di nagtagal napatawa na rin siya.
Unic's POV
Tawa siya ng tawa. Miss ko na yang tawa niyang yan. Nakatitig lang ako pero hindi ko napigilan na tumawa na rin kaya pareho na kaming tumatawa ngayon. Parang baliw lang eh. Hahaha. Miss ko ang ganitong scene namin nung kami pa.
Pagkatapos naming tumawa ay yinakap niya ako na dahilan nang pagkagulat ako. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapag-isip ngayon ng maayos. Siguro dahil sa gulat. I don't know.
May sinabi siya sa akin na nakapagpapigil ng pag-ikot sa aking mundo at ang pagbilis ng tibok sa puso ko ng sobra.
"Akin ka lang. Be mine again please." Kumalas siya sa yakap. Tumitig siya sa mata ko. Hindi ko maalis o maiwas ang tingin ko sa mga mata niya parang naglue.
Binuka ko ang bibig ko pero sinara ulit. Pinisil niya ang ilong ko. Ngumiti siya sa akin tapos kiniss niya ang forehead ko.
Still processing. Wala pa akong kaalam alam sa nangyayari. 78% pa lang, kidding.
"You okay?" Tulala pa rin ako. Hindi pa rin ako nagreresponse dahil na rin siguro sa mga surprises na nangyayari ngayon. "Hey." Still I didn't respond. Niyakap niya lang ulit ako at hindi ko namalayan na nakayapak na pala ulit ako at nagsimula ng bumuhos ang mga luha ko. Is this a sign?
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancé?! [Completed]
Teen FictionAno gagawin mo kung ganito ang sitwasyon mo? -- Ikakasal ka na nga lang sa taong sinaktan ka pa ng sobra? Ano kaya ang gagawin ng bida sa storyang 'to? Well let's find out. How? Just read my very first story. :) Thankyou. :* - Please support my ver...