35

7.5K 190 1
                                    

Chris's POV

Kakatawag ko lang kay Uniquea. Ang titipid niyang sumagot. Siguro naiilang siya dahil nanliligaw na ako at isa pa sabi naman niya na busy siya.

Pagkatapos kong kausapin siya ay napagpasyahan kong lumabas muna dito sa Condo ko. Oo may condo na ako since dumating ako dito sa Pilipinas galing sa Italy. Yun daw ang magsisilbing gift ko dahil sa pagtulong kina Daddy sabi nang wag na lang kaya lang nagpumilit si Mommy so no choice ako. Maganda na rin 'to para masanay ko na ang sarili ko.

---
Pagkapasok ko sa kotse ko ay wala akong maisip puntahan kaya nagmaneho lang ako ng nagmaneho habang nag-iisip kung saan ako pupunta. Kung sa mall wala naman akong gagawin don. Kung sa bar dibale na lang. Nag-iisip ako ng biglang tumunog ang phone ko since red light naman ay tumigil muna ako para sagutin iyon.

- Yaya Lili's Calling... -

Oh si yaya pala. Sinagot ko ito at niloud speaker green light na kasi.

"Oh ya bakit po?" Bungad ko sa kabilang linya. Pupunta na lang ako sa bahay para dalawin si Dreii miss ko na rin ang batang iyon.

"Pinapatong po ni Sir Mike kung busy daw po kayo." Si Kuya Mike. Tito ko siya na parang ikalawang daddy na namin ni Dreii. Maalagain siya lalo na't wala sila Daddy dito sa Pilipinas.

"Opo ya. Pakisabi kay Tito na papunta po ako sa bahay." Nasa bahay kasi ni Tito si Yaya Lili doon talaga siya nagtatrabaho pero minsan pumupunta siya sa bahay.

"Ah sige. Ingat ka." Tapos binaba na ni Yaya ang tawag.

--

"Asan po si Dreii?" Tanong ko sa mga katulong rito sa bahay. Hindi ko sila kilala dahil 1 month na akong hindi nakakauwi rito at bago sila na katulong namin. Ts.

"Sa kwarto niya po sir." Sagot naman ng isang maid na nagpupunas sa may center table.

At dahil nasa kwarto daw niya ay tumungo ako doon. Pagbukas ko ng pinto sumilip muna ako at nakita ko siyang gumagawa ng assignment and it seems like he has a problem.

Lumapit ako sa kanya. "Hey, you okay?" Umupo ako sa harap niya. Tumungo naman siya. Mahiyain kasing itong batang ito. Habulin din ng mga babae. Ts. I just can't believe that he's only 7 years old pero marami ng nagkakagusto sa kanya. So unbelievable pero wala eh nasa lahi namin yun. No doubt.

Good thing I came here kasi kung hindi wala 'tong maipapasang project. He really wants to make his project on his own. He said he don't need help because he can do it. But I don't think so.

Pagkatapos kong gawin ang project niya ay napagdesisyonan kong dito na muna ako magpapalipas ng gabi since late na. Tulog na rin si Dreii kaya lumabas na ako sa kwarto niya at tinahak ang daan papuntang kwarto ko. Naligo muna ako bago matulog...

Tracy's POV

I just can't believe na sa iisang grupo lang kami. Ugh! What a life. Sana hindi na lang kami nagcomplain noon na officers edi sana wala ako sa group nila. Heck!

I'm busy chatting with this crazy bestfriend of mine. Ang bruha sobrang saya hindi naman sinasabi kung bakit. Kung kausap ko lang ito ng personal malamang nahablot ko na ang buhok niya ng ilang beses.

It's already past 10:00 but we're still awake. I can't sleep, she either. Kaya nagchat lang kami ng chat nang may biglang nagpop na chat head sa screen ng phone ko. Messenger lang kasi ang gamit ko dahil wala akong balak magfacebook ngayon. Kakaonline ko lang kasi kahapon kaya messenger na lang at wala kasi akong load kaya dito na lang kami nag-uusap ni Unic at wala rin siyang load kaya ganito. Haha.

Pagtingin ko kung sino si... What the. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito. Si Matt. Nagdadalawang isip ako kung ioopen ko ba or hindi pero hindi naman ako magkakasakit or mapapano kung ioopen ko, diba? Ts.

Kaya ayun nga inopen ko ito at binasa ang message niya.

Can we talk tomorrow, please.

Magtatype pa sana ako pero naglog out na siya. Okay. Mas lalo ulit akong hindi makatulog. Ugh! Chinat ko si Unic pero hindi na siya nagrereply siguro tulog na 'to. Napagod daw kasi siya kanina.

Makatulog na nga lang maaga pa ako bukas dahil may practice kami para sa Foundation namin. ..

=J(=.b

My Ex Is My Fiancé?! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon