Uniquea's POV
Makapagsalita siya parang may alam siya. Nakakainis.
Andito ako ngayon sa may park dahil sabi kasi ni Kuya noong bata ako kapag may nangyaring di maganda pumunta daw ako sa Park kasi makakakita ka ng masasayang tao at madadala ka na lang sa kasiyahan nila.
Pero kahit makakita pa ako ng masasayang tao hindi pa rin yun natatanggal yung lungkot na nadarama ko.
Nasa may bench lang ako at iyak pa rin ako ng iyak.
Sa dinami-dami ba naman kasi ang makikita ko bakit siya pa? Bakit sila pa? Kaya pala may nakita akong parang familiar na bracelet galing kay Teejay kasi mismong si Chelsea pala ang girlfriend niya. Ang dahilan kaya nasaktan ako.
How weird. Tinulungan ko pa man din siya, yun pala siya ang isa sa mga nanakit sa akin.
Unbelievable. How stupid I am to hope that she'll be one of my bestfriend.
Sana hindi na lang ako pumayag sa deal namin ni Tracy edi sana hindi ko sila nakita.
"Panyo oh." Galing sa familiar na boses. Tumingala ako at nakita ko si Chris.
Tinabig ko ang kamay niya. "No thanks. I have my own." Sabi ko saka linabas ang panyo ko at pinunas sa mga luha ko.
"Umiiyak ka na nga ang sungit mo pa rin. Ts. Kakaiba ka talagang babae ka." Di makapaniwalang sabi niya.
Who cares. "Pwede ba umalis ka na. Tapos na yung buwsit na date natin."
Umiling iling siya. Nakita ko sa pamamagitan ng peripheral vison ko.
"Bakit ka ba umiiyak, ha? Pinagtitinginan ka na ng mga tao oh. Baka sabihin pa nila na ako ang nagpaiyak sayo. Mapapahiya pa ang gwapo kong mukha."
Kapal ha? Gwapo nga talaga sana kung may modo at respeto sa mga babae.
"Pero seryoso. Bakit ba talaga?" Curious niyang tanong.
"Wala." Simpleng sagot ko.
Eh sa ayukong sabihin sa kanya. Masisisi niyo ba ako?
"Look. Alam kong hindi maganda ang unang pagkikita natin pero mapagkakatiwalaan naman ako at isa pa baka makatulong ako. Para na rin makabawi ako sa mga kasalanan ko sayo." Sincere niyang sabi pero hindi dahil sincere siya eh ok na kami.
Anong akala niya? Ganoon lang ako? Mababaw na tao? No way.
Hindi na lang ulit ako umimik pa at tumingin tingin na lang sa mga taong dumadaan sa harapan namin nang makita ko na naman sila.
Sh*t. Sinasadya ba talaga nilang saktan ako?
Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko na talaga 'to kaya. Ang sakit na sobra. Tumakbo na lang ulit ako.
Lahat na ng nadadaanan ko ay nakatingin na sakin. Alam kong malaking kahihiyan ang ginagawa ko pero wala na akong pakialam pa.
Tatawid na sana ako sa kalsada nang may biglang humablot sa kamay ko.
Tiningnan ko kung sino si Chris na naman.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako." Sigaw ko sa kanya.
Biglang umulan. Pati panahon sumasabay sa pagdurusa ko.
"Ano bang problema mo ha? Muntik ka nang mabangga. Bulag ka ba ha?" Sigaw na rin niya sa akin.
Nagulat ako dahil ngayon niya lang ako sinigawan. Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Wala ka ng pakialam. Pwede ba huwag mo kong sundan? Ano ba kita ha? You're just stranger to me. Kaya lubayan mo na ako." Sigaw ko sa pagmumukha niya saka na ako naglakad papuntang park ulit kung saang walang tao at kung saan doon mo makikita ang mga building.
Mataas kasi dito kaya pwede mong makita ang view. Umupo ako sa damuhan at nagsimula na namang umagos ang mga traydor kong luha.
"ANG SAKIT SAKIT NA!" Sigaw ko sa kalawakan. "LAHAT TALAGA NANG MGA LALAKE MANLULUKO."
(A/n: oops. Lahat ng mga boys? Sa wattpad lang po yan okay? Kaya wag paapekto.)
"Ang sakit sakit." Sigaw ko pa rin kahit hindi ko na kaya. Feeling ko kasi kapag nailalabas ko ang hinanakit ko gumagaan ang loob ko.
"Ang malas malas ko. But sa dinami daming tao na sasaktan mo bakit ako pa? Bakit ako na lang ang laging nasasaktan?" I said between my sobs. "Sana kung sasaktan mo pala ako nang ganito kasakit sana pinatay mo na lang ako." Dagdag ko pa.
Para na akong baliw dito nagsasalita pero wala namang kausap.
"Grabe. Kaya ka pala umiiyak dahil nasasaktan ka. Nasasaktan ka pala?" Biglang sabi ng familiar na naman na boses.
"Hindi mo ba talaga ako tatantanan?" Galit na tanong ko. Nakakaimbyerna na ha.
Umiling siya. "Hindi." Simpleng sagot niya at ngitian pa niya ako. Kunot noo ko siyang tiningnan. Ano pa ba ang kailangan niya sa akin? Ts. "Dahil icocomfort pa kita." Sabay kindat niya sa akin. Ahyst.
--
Finally naopen ko na rin 'tong account ko. Thanks to god. :)-rainy eve. :3
?
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancé?! [Completed]
Teen FictionAno gagawin mo kung ganito ang sitwasyon mo? -- Ikakasal ka na nga lang sa taong sinaktan ka pa ng sobra? Ano kaya ang gagawin ng bida sa storyang 'to? Well let's find out. How? Just read my very first story. :) Thankyou. :* - Please support my ver...