Unic's POV
"Asan si Mommy?" Tanong ko kay yaya Mimi. Wala kasi siya dito. Wala din si Daddy dahil nasa Singapore siya for business at nagpaiwan si Mommy dahil may gagawin siyang importante.
"Itext mo daw siya Princess." Kaya hinanap ko ang cellphone ko. Nawawala kasi. Kanina ko pa hinahanap. "May problema ba?"
"Nawawala kasi yung phone ko ya. Gamit ko lang kani..." I paused. Naalala ko naiwan ko kanina sa Canteen.
Siguro naman kinuha yun ni Chris kahit ganito yung ugali ko.
Hindi ko na kasi maalala dahil sobrang dami ang nangyari ngayong araw na ito. Gusto ko na din magpahinga pero itetext ko muna si Mommy. Pero paano?
"Ahm. Ya patext naman si Mommy. Tanungin mo kung saan bihis lang ho ako." Sabi ko na lang at tumungo na sa kwarto para magbihis. Naalala ko kasi may pupuntahan kami.
-
Chris's POVNagmamadali akong pumunta sa Parking Lot dahil hahabulin ko si Unic yung cellphone niya kasi nasa akin pa rin.
Tinext kasi ako ni Tracy na pupunta daw sila sa Mall.
Nang makarating ako sa parking lot nakita ko siyang nakatulala at hindi man lang gumagalaw. Trip na naman 'to?
Lumapit ako sa kanya at ginulat.
"Ay puting baboy." Pagkasabi niya yan ay sinabunutan ako.
"Arayyy." I complained. Ang sakit. Grabe! Paano ba naman kasi sinampal pa ako ng napakalas.
Kung di lang 'to babae madami na siguro siyang pasa galing sa akin. Ts.
"Ano ba kasi yun? Bakit ka ba kasi nanggugulat?" Wala pa rin sa sarili niyang tanong? Ano ba nangyayari sa kanya? Weird.
Napailing na lang ako. "Asan si Unic?" Tanong ko na lang para matapos na 'to.
"Ha? Wala na eh." Pakamot-kamot sa ulo niyang sabi.
I frowned. "Akala ko ba pupunta kayo sa mall?" Takang tanong ko naman.
Yun kasi ang sabi niya sa akin kanina.
"Oo. She's acting weird. Actually, I invited Chelsea a while ago but then she acted like Chelsea is a stranger to her."
Chelsea? Ts. Wala pa lang kaalam alam si Tracy tungkol dito. Wala naman akong karapatan na sabihin kay Tracy dahil hindi naman kami close ni Unic. Ts.
Naglakad na lang ako kung nasaan ang kotse ko nang ikabit niya ang kamay niya sa braso ko.
Kunot noo ko naman siyang tiningnan. "Ano?" She smiled.
"Tara mall tayo. Miss ko na kasing makasama ka. My treat." I smiled widely.
Oo nga din e. Miss ko na rin yung bondings namin. Actually, kami lang ang close or should I say si Tracy lang ang pinakaclose kong pinsan.
Yung iba kasi naming pinsan ay nasa ibang bansa or nasa probinsya. Pero minsan bumibisita kami sa kanila.
Galing din ako sa America 2 years ago but then hindi na ako bumalik dahil kay Chelsea. Akala ko kasi seryoso talaga siya sa akin pero hindi pa rin pala talaga.
Ang galing niyang mangpanggap na mahal niya talaga ako. Naramdaman ko pa man din na mahal talaga niya ako.
Kahit kailan hindi ako sumuko sa kanya kahit pinahiya niya ako ng ilang beses. Dahil ganun ko siya kamahal.
Pero naging tanga lang talaga ako. Nakakahiya!
"Hoy! Tulala ka." Nabalik lang ako sa huwisyo ng sumigaw si Tracy.
Kakaiba talaga 'to. Ts. Napailing na lang ako saka na pumasok sa loob ng kotse. Sumunod naman na siya at binuksan ko na ang engine.
May sarili na kasi akong kotse bigay ni Daddy dahil last year ay valedictorian ako sa dati kong school. Transferee kasi ako.
-
Good Morning. :* Yan na muna ho para sa ngayon. Hindi kasi ako inspired talaga. Sorna. Babawi po ako sa inyo. Promise. ✋
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancé?! [Completed]
Teen FictionAno gagawin mo kung ganito ang sitwasyon mo? -- Ikakasal ka na nga lang sa taong sinaktan ka pa ng sobra? Ano kaya ang gagawin ng bida sa storyang 'to? Well let's find out. How? Just read my very first story. :) Thankyou. :* - Please support my ver...