Natalie's POV
" Kay gwapong nilalang."
" Nay cute ng face niya at yung abs niya yummy nay!"
" Tumahimik ka nga diyan Natasha! Umalis ka na nga magsaing ka na"
" Nay naman eh! Sinosolo mo naman si Kuya."
Nagising ako sa pag uusap ni Nanay at Natasha. Abot sa kwarto yung boses nila. Napabuhat ako sa pagkakahiga ko ng maalala ko na si France dito pala natulog sa amin. Agad akong lumabas ng kwarto at nakita ko si France na mahimbing na natutulog pero mas nagulat ako na makita kong wala na itong suot na pantaas. Napakagat labi ako, yung abs niya. Kahit payat siya, may abs pala siya. Nilapitan ko siya at umupo sa gilid niya. Pawis na pawis siya kaya naman nilabas ko yung electricfan namin sa kwarto at tinutok ko na sa kanya. Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa tabi niya at nagulat ako ng bigla niyang dinilat ang mga mata niya at ngumiti siya ng nakakaasar kaya naman bigla akong tumayo at lumayo sa kanya.
" Tapos ka na ba pagnasahan ang katawan ko? " aniya at kumindat pa siya. Gosh ang cute niya kahit bagong gising.
" Yucks! Kadiri. Bakit ba kasi dito ka natulog!" Sabi ko.
" Ayaw mo non? Pagkagising mo sa umaga, may ulam na agad na nakatumbad sayo? " aniya at tumawa
" Aargg! Casanova ka nga talaga! Bwiseet magbihis ka na nga tapos umuwi ka na sainyo!"
" Anong umuwi na? Ang bastos mo Natalie. Pakainin mo muna yang bisita mo bago mo pauwiin." Ani nanay na nakapameywang pa.
" Opo nay." At minasamaan ko ng tingin si France na nakangisi.
Kumain kami ng almusal. Nakakainis, ngayon lang yata sumarap ang kinakain namin tuwing almusal. May ham pa, friedchicken at bacon. Nakita ko si France na sarap na sarap sa kinakain
" Sana lagi ka nandito Kuya, ang sarap kasi ng niluluto ni nanay sa almusal eh!" Ani Natasha
" Syempre may bisita tayo at gwapo pa. Alanganaman toyo ang ipapakain natin diyan. " ani nanay.
" Ate mo lang ang aayaw kung andito ako." Ani France
" Hindi yan aayaw! Alam kong gustong gusto niya yan." Ani Natasha.
" Natasha nakakainis ka na." Sabi ko pero pinandilaan niya lang ako.
Nang matapos kaming kumain, si natasha na naghuga ng plato kasi sabi ni nanay entertainin ko yung bisita ko. Narito si France sa sala namin at nanonood ng TV
" Switch the channel natalie."
" Ha? Ayaw mo ba sa ABSCBN? Kapuso kaba?"
" What? Star movies panoorin natin."
" Ha? Wala naman kaming Star Movies. De antenna lang TV namin sorry."
" Psh. Go fix yourself."
" Bakit? Ikaw ang mag go fix yourself dyan. Alas nuebe na ng umaga di ka pa ba uuwi sa inyo? Hinahanap ka na ng mommy mo."
" Go with me."
" Ha saan?"
" Sa bahay."
" Ayoko nga! Baka ano pa ang gawin mo saakin! Swerte ka!"
Tumayo siya at pumunta sa kusina. Nagulat ako ng bigla nyang nilapitan si nanay habang nagluluto. Wala na rito si Natasha nasa palengke na
" Pwede ko po bang ipagpaalam si Natalie sainyo? Isasama ko lang siya." Aniya
" Nay diba busy tayo?" Mariin kong sabi
" Walang problema. Sige na natalie maligo ka na at maghanda kana sumama ka kay France."
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Teen FictionLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...