Natalie's POV
Simula ng malaman ng ibang studyante dito na may napakick out dahil sa kasong bullying, wala ng may nagtangkang magbully saakin ngayon. Kaya naman panatag akong naghintay dito sa gate kay France Garcia.
" Anong ginagawa mo dito? May hinihintay kaba?" Nagulat ako kasi biglang sumulpot si Rhianne sa tabi ko
" Wa-wala naman." Palusot ko
" Weh? Hinihintay mo rin ba yung casanovas?" She smiled
" Ah eh. Oo eh. " napakamot pa ako sa ulo ko.
" Haha, si Kuya France ba yung crush mo sa kanila?"
Nakakahiya man aminin sa kanya ngunit tumango parin ako.
" Maraming rin nagkakagusto kay Kuya France dito sa school." Aniya at ngumiti nalang ako. Ganoon din naman yung sabi ni Hannah
Sampung minuto ang lumipas nagsidatingan na ang kotse ng limang casanova.
" Kyaaaah Lance! Lance!" Tilian ng mga babae ng may bumaba
" Siya si Kuya Lance Ferrer." Ani Rhianne.
" Ferrer? Siya ba yung sinasabing anak ni Mayor Ferrer na nag aaral dito sa SBIS na ubod ng gwapo?"
" Talaga? Saan mo narinig yan?"
" Sa baranggay namin. Yan ang nagkakalat na chismis."
" Haha. Yeah anak siya ng mayor dito. Gwapo naman talaga si Kuya Lance at mabait siya pero babaero." Ani Rhianne.
Sinulyapan ko si Lance. Kinakawayan nito ang mga nadadaanang babae na patay na patay sa kanya
Sa pangalawang kotse, bumaba naman ang isang lalaking kinawayan rin ang mga babaeng nadaanan.
" Siya si Kuya Travis." Rhianne said
" Ang gwapo naman." Bulong ko
" Nakakaasar lang siya kasi masyadong chickboy." Ani Rhianne.
Siya yung sinasabing crush ni Hannah.
" Siya naman si Kuya Clinton."
Grabe sa tilian ang mga fans club ni Clinton. Artista kasi ito. Ang swerte naman namin dito sa SBIS, Araw araw may artista kaming nakikita.
" Siya naman si Kuya Dazh."
Gwapo naman ni Dazh, at ang cute niya sa dimples niya.
" Here's your crush." Nakangiting sabi ni Rhianne.
Lumabas na sa kotse nito si France Garcia my love. Grabe parang nag slow motion ang paningin ko sa kanya
" Okay kalang ba Natalie?" Nakangiting tanong ni Rhianne saakin
" Oo naman."
" Kuya France!!" Nagulat ako ng tawagin ni Rhianne si France at agad naman tong lumapit saamin. Nanginginig ang mga tuhod ko, bakit ba kasi kailangan pang kausapin ni Rhianne ang pinsan niya sa harap ko. Huhuhu!
" What?" Tipid na sagot ni France.
Sumulyap saakin si Rhianne at napangiti at binaling ang mukha niya sa kuya niya. " Wala naman Kuya, kamusta?"
" Okay lang. Ikaw?"
" Okay lang din."
" Kuya, meet my friend, Natalie. Natalie, si Kuya France, first cousin ko."
" Hello Natalie." Nagulat ako ng maglahad ng kamay si France saakin at agad ko naman tong tinanggap
" Hi France." Sagot ko. Awkward naman kasi kung tatawag pa ako ng kuya sa kanya.
Binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
" Mauna na ako." Aniya at nagpaalam si Rhianne sa kuya nya
Nang makalayo ito, hindi ko maiwasang hindi matulala at hinalikan ko pa ang kamay ko kasi for the second time nahawakan ko ang malambot niyang kamay.
" Haha okay kapa ngayon Natalie?" Nakakaasar na tanong ni Rhianne.
" Bakit mo naman kasi ginawa yon." Sagot ko
" Hahaha gustong gusto mo nga eh."
Aba syempre oo naman pero hindi ako prepared huhu. Hulog talaga ng langit si Rhianne para saakin. Hindi nalang ako umimik at pumunta na kami sa classroom.
**
Tulala akong nakikinig kay maam, hindi pa rin ako maka get over kanina. Kyaaah France! Bakit ba ang gwapo mo.
" Hahaha. Nakakatuwa ka naman Natalie. Ano iniimagine mo?." Ani Rhianne sa tabi ko.
" Wala ah." Palusot ko. Pero ang totoo, nag iimagine ako na girlfriend na ako ni France at magkasama kaming papasok dito sa SBIS.
Pagkatapos ng class namin, kumain kami sa canteen kasama namin si Hannah. Nagdala si Hannah ng cassava cake at nag share siya saamin. Akala ko nga hindi kakain si Rhianne pero parang siya pa yata ang nakaubos ng cake.
***
Wala kaming pasok ngayong hapon. Niyaya ako ni Rhianne na mamasyal sa mall, tumanggi ako pero napakamapilit talaga niya kaya naman sumakay na din ako sa kotse niya
SM Mall of Asia
Totoo, first time ko dito. Totoo nga ang sabi nila, malaki ang Mall of Asia. Syempre nga Mall of Asia nga eh, meron bang mall of asia na kasing liit lang ng puregold?
Pinark na niya yung kotse nya at sabay kaming pumasok sa loob.
Nagsnack kami sa J.Co at nilibre niya ako. Ang sarap sarap naman ng doughnuts dito. Saamin yung doughnuts doon, tanging asukal lang ang nagbibigay tamis, pero dito may fillings pa.
Namasyal din kami sa iba't ibang boutique. May binili siyang damit at ang mahal pa. Yung damit niya 5k yung presyo samantala pwede na yon idagdag sa tuition niya sa SBIS
Dumiretso kami sa supermarket. Inutusan daw kasi siyang mag grocery. Tinulungan ko siya sa pagtutulak ng cart. Ang dami naman niyang pinamimili at ng bayaran na niya sa counter, umabot sa 8k yung grinocery niya.
" 8k agad agad sa isang iglap?" Sabi ko habang binabayaran niya ang mga pinamili
" Stock goods yan sa bahay. " aniya
At tumango nalang ako. Mga mayayaman talaga palaging may stocks pa. Samantala kami lahat ng pangangailangan itinatakbo pa namin sa tindahan para makabili. Siguro ang laki laki ng ref nila Rhianne. Kasi ang dami niyang biniling pagkain. Dito pa siya sa mall bumili ng karne at isda. Huhu sayang naman sana sa palengke ko na lang siya pinabili para naman may income pa kami pero naisip ko baka hindi niya makayanan doon sa lugar namin.
Tinulungan kami ng sales man na dalhin lahat ng pinamili ni Rhianne sa kotse. Nag bigay siya ng 200 pesos tip sa sales man na syang ikinatuwa naman nito.
Sumakay na kami sa kotse niya at nag offer siya na ihatid ako saamin kaso nagpalusot akong magkasabay kami ni Hannah na uuwi kaya naman sa school niya ako drinop.
Pumasok nalang ako ulit sa campus, hihintayin ko nalang talaga si Hannah.
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Dla nastolatkówLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...