chapter 1

7.7K 161 8
                                    

**
Ako si Natalie Vane delos Santos. 17 years old. Incoming first year college sa darating na pasukan. Sa public school lang ako papag aralin ng mga magulang ko kasi hindi naman namin afford mag aral sa mga mamahaling skwelahan. Graduate ako as Class Valedictorian noong highschool. Paborito kong subject ang math kaya naman gusto kong kumuha ng Kursong Business Management kasi gusto kong magkaroon ng sarili kong negosyo at ako mismo ang magpapalago nito.

" Natalie!"

Mataas ang mga pangarap ko sa buhay, gusto kong yumaman para naman maiahon ko na ang mga magulang ko sa hirap

" NATALIE!"

" Ay inay!" Bumangon ako sa pagkakahiga ko ng makita ko si nanay na may dala na namang palangganang aluminum at tsinelas.

*blaaang*

" Eto na nay!" Huhu ang maldita talaga ni nanay

" Palagi ka nalang tulog! Wala kang natutulong!" Sigaw ni nanay

" Nay naman, ganda na ng panaginip ko eh. Yun na yun oh marami na akong pera!"

" Imbis na idaan mo sa panaginip yang mga pangarap mo, idaan mo sa gawa! Kumilos kana at tulungan mo na ako sa palengke para may pang gastos tayo sa pangkolehiyo mo!"

" Opo nay." Sinuot ko ang tsinelas ko at niligpit ang hinigaan ko.

Nagtitinda lamang kami sa palengke. Ako ang katulong ni nanay sa pagtitinda. Minsan naman ang nakababata kong kapatid na si Natasha. Pero madalas ako talaga kasi si Natasha yung bantay sa bunso naming kapatid na si Nadie. Apat na taong gulang palang ito kaya naman kailangan bigyang pansin ng kapatid ko.

Ang tatay ko naman, hindi na nakakatulong saamin sa pagtitinda kasi nastroke ito at hindi na ito nakakatayo kaya naman binabantayan nalang ito ng tiyahin ko na hindi na nakapag asawa kaya naman dito na rin saamin tumira at siya ang nagbantay sa kapatid niya na si tatay.

" Bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna, sasayaw ng cha cha, ang saya saya! " Pakanta kanta akong naglakad papuntang deep well para mag igib ng tubig na ipapaligo ko

" Aga aga mo naman manira ng araw!" sigaw ng kapit bahay namin

" Inggit lang kayo kasi hindi magaganda ang boses nyo!" Sigaw ko at tumakbo na

Nang matapos akong maligo, agad akong pumunta sa palengke at tinulungan si nanay sa pagtitinda ng isda, karne at manok.

" Mare! Saan mag aaral ng college ang anak mo?" Tanong sa kanya ng kaibigan niya habang bumibili ito sa amin

" Diyan lang sa public school. Hindi naman namin kayang pag aralin si Natalie sa mga private schools."

" Bakit hindi mo muna hayaang mag take ng scholarship exam sa Saint Benedict International School si Natalie. Kapag pumasa siya doon, libre ang tuition plus may monthly allowance pa sila. Matalino naman ang anak mo sigurado akong kayang kaya niya ang exam." Aniya

" Saint Benedict International School po?" Napatayo ako sa kinauupuan ko
Omg! My dream school! Simula pa elementarya ako, pangarap ko na ang makapag aral sa Saint Benedict. Ito ang pinaka sikat na school sa bansa. Maraming artista ang nag aaral rito at maganda ang quality of education na meron ang SBIS. Sabi ni inay mahal ang tuition kaya naman hindi namin kakayanin ang makapag aral dito. Kahit siguro ibenta na namin ang bahay namin hindi pa rin namin makakaya ang tuition sa isang taon.

" Oo Natalie, kaya magpaalam ka sa nanay mo. Kapag pinayagan ka, ako na ang bahala sa fees na babayaran mo sa exam. Pumunta ka sa bahay bukas at sabay kayong mag exam ni Hannah. Osya sige mauna na ako."

My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon