chapter3

4.1K 135 3
                                    

**
SAINT BENEDICT INTERNATIONAL SCHOOL

Mala pope francis visitation ang eksena araw araw dito sa Saint Benedict International School. Maraming babae at mga bakla ang nag aabang sa gate sa pagdating ng limang casanova. May mga fans club at mga die hard fan ng lima.

Isa isang pumasok sa main gate ang limang magagarang sasakyan, alam na nila na yung limang casanova na ito kaya naman nagsimula na sila na magtilian

Unang lumabas sa kotse niya si Lance Ferrer. Siya ang nag iisang anak ng Mayor sa syudad. Matangkad ito at makisig ang pangangatawan. Maraming mga babae ang nagkakandarapa dito dahil sa maamo nitong mukha at napakagandang mata.

Sumunod na lumabas sa kotse nito si Dazh Verron. Ito ang panganay na anak ng leader ng isa sa pinakamagaling at kinatatakutan na Mafia Organization sa bansa. Maputi ito at mapula ang mga labi at yun ang best asset niya.

Hindi naman nagpahuli si Clinton Dee. Sa kanilang lima, siya ang artista. Kaya naman maraming fans si Clinton na pinilit makapag aral sa Saint Benedict para lang makita ang idolo nila araw araw ng libre.

Sumunod si Travis Chua. Half filipino, half chinese. Anak ito ng isang negosyante. Marami silang mga negosyo na nagkakalat lang sa bansa. Kilalang successful entrepreneurs ang mga magulang niya.

Huling nakalabas sa kotse ang nag iisang anak ng may ari ng Saint Benedict International School. Mas lumakas ang tilian ng makalabas na si France Garcia. Only son ito kaya naman spoiled masyado ng mga magulang niya na si Doctora Amesyl Garcia, isang magaling na cardiologist at Attorney Paul Garcia. Mga negosyante rin ang mga magulang nito kaya naman ubod ito ng yaman. Si France ang pinaka suplado sa lima, hindi niya basta basta't pinapansin ang isang babae. Ayaw niya sa babae yung ito ang maghahabol sa kanya. Gusto niya, siya ang lalapit sa babae.

***
France's POV

" Dude maraming chikababes." Bulong ni Travis habang binabagkas namin ang daan papuntang classroom.

Nasa ikalawang taon ng kolehiyo na kaming lima at business management ang major namin.

" Psh, wala namang maganda dito." Sabi ko.

" Meron kaya. Oh gaya nito. Hi Miss!" Ani Travis sa babae at kinindatan ito. Kulang nalang maglumpasay yung babae sa sahig sa kakiligan.

" Tss para syang skeleton." Sabi ko

" Sexy kamo." Aniya.

" Tss hindi naman nakakaakit Travis." Ani Lance ng lingunin yung babae.

" Wala talaga kayong taste!" Ani Travis

**
Nang makapasok kami sa classroom, nagbigay daan ang mga kaklase namin. Sa likod kami naupo. Maraming mga babae ang nakaabang saamin sa labas. Inaabangan nila ang pagpasok at paglabas namin ng classroom. Tss.

" Hi. Wanna have a good time?" Ani ng isang babae at umupo siya sa armchair ko.

" Umalis ka nga." Awtoridad kong sabi.

" Ayoko." At hinawakan niya ang leeg ko kaya naman tinulak ko siya at napahiga ito sa sahig. Agad naman siyang tinulungan ng iba naming kaklase at lumayo na ito sa harap ko.

Sabi ko nga sainyo, ayoko sa babae na siya ang gumagawa ng first move.

" France anong ginawa mo doon sa babae?" Tanong ni Clinton

" Psh, so annoying." Sagot ko

" Napakasungit talaga ni France. Tatanda kang binata." Pang aasar ni Clinton.

Natuturn off kasi ako sa mga babaeng super flirt. Makikipaglaro ako sa sinong babaeng gusto ko just let me choose who I want to play with.

**
Napakaboring talaga sa school. Kaya naman nagditch kami at dito kami pinadpad sa bahay nila Clinton. Highschool kami noon nang nagsimulang mabuo yung grupo namin. " The five Casanova Kings". Kami kasi ang crush ng campus simula first year highschool kaya naman naging magbabarkada kami.

" Oh saan na yung mga date niyo?" Ani Clinton kay Travis at Lance na kararating lang galing restaurant. Naghiwahiwalay kasi kami at dito ang meet up sa bahay nila Clinton

" Hindi sumipot!" Ani Lance at naupo sa kama, nagsitawanan kaming lahat.

Pinagmamayabang kasi nila na pumayag makipag date sa kanila yung kambal na anak ng congressman dito sa syudad. Kaya naman humiwalay sila saamin at susunod nalang raw.

" Yabang nyo kasi, palibhasa nakasense yon na mga supot pa kayo kaya ganon." Pang aasar ni Dazh.

" Gago ka! Tingnan mo pa hindi na to supot! Mga gago talaga kayo." Depensa ni Travis

" Tarantado talaga kayo!" Sigaw ni Lance kaya naman natawa ako sa kanila

Nagfoodtrip kami at naglaro maghapon. First day palang naman kaya okay lang kahit mag ditch.

Nang makauwi ako sa bahay, agad akong pumasok sa kwarto ko. Tiningnan ko ang mga medalya na natatanggap ko tuwing recognition.

I am France Garcia. Known to be the only son of Paul and Amesyl Garcia. Pagmamay ari nila ang Saint Benedict kaya naman malakas ako doon. Minsan mahilig ako magditch kasama ang mga kaibigan ko pero kahit ganoon, matatalino kaming lima. Dean's lister ako. Sikat kaming lima sa campus at binansagan kaming " The Five Casanova kings " hanggang ngayon. Ako ang leader sa aming lima. Hindi ako basta basta nagpapalapit ng isang babae, gusto ko ako ang lumalapit at kapag nilapitan kita, wag ka ng choosy ang swerte mo na nga.

My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon