Natalie's POV
*TouchdownPhilippines*
Kasama ko sila Nanay, Natasha at Nadie bumalik ng Pilipinas.
"Waah ate nakakamiss dito." ani Natasha habang naglalakad kami palabas ng Arrival area.
Nakita ko sa kalayuan namin si Hannah, Rhianne at Larry at kinawayan nila kami.
"Natalieeeee!" sigaw ni Rhianne at nagyakapan kami.
"Grabe namiss kita." Sabi ko
"Mas namiss kita." aniya.
Van ang dala nila kaya naman nagkasya kaming lahat maging ang napakarami naming bagahe
Sa mansyon kami ihahatid. Simula kasi ng mapunta saamin ang pamana ni lolo, may mansyon pala na binilin ang lolo para kay tatay kaya naman, doon ang diretso namin. Inasikaso naman ni Odessa ang lahat para sa pag uwi namin.
Nang bumukas ang gate ng mansyon, napanganga ako sa kabuoan ng mansyon. Totoo ba tong nakikita ko?
Isang napakalaking mansyon at tanaw ko rin ang halos sampung katulong na naghihintay sa pagdating namin.
Pinagbuksan kami ng driver nila Rhianne.
"Wow! Is this our house?" Tanong ni Nadie kay Nanay
"Yes anak." ani nanay.
Natawa naman ako sa kanila. Akala mo talaga laking America. Sinanay kasi ni nanay at natasha na kausapin si Nadie gamit ang english language.
"GoodMorning senyora." ani ng mga katulong at nagbow sila.
"GoodMorning din. Hwag na kayo mag bow." sabi ko at pumasok na kami sa loob.
Tinawag na kami ng isang katulong at ready na daw ang pagkain sa kusina.
Masaya kaming kumain. Pansin ko na hindi sumabay saamin ang mga katulong eh napakalaki naman ng dining table namin.
"Sumabay na kayo saamin." sabi ko
"Okay lang senyora. Mamaya pa po kami kakain pagkatapos nyo."
"Naku sumabay na kayo. Gusto ko sabay sabay tayong kakain. Walang mahuhuli." Sabi ko kaya naman naupos na sila pati ang driver ni Rhianne.
"Salamat po." sabi ng isang katulong kaya naman napangiti ako.
Nakita ko ring ngumiti si Rhianne saakin kaya naman nginitian ko siya.
Marami kaming napagkwentuhan at panay ang tawanan namin. Naikwento rin ni Rhianne saamin kung paano naging si Larry at Hannah.
"Si Hannah pa nga nanligaw saakin eh." ani Larry at binatukan siya ni Hannah
"Asa ka! Ikaw liligawan ko? Pweh! Siguro nga ginayuma mo ako eh!" ani Hannah
Kaya naman nagtawanan kami sa kakulitan nila.
Pagkatapos naming kumain, dumiretso agad kami sa kwarto ko.
Ayon sa isang katulong, walo ang kwarto ng mga mansyon. maliban lang sa kwarto ng mga katulong namin. Ganoon nalang kalaki ang mansyon na ito.
Nang tanawin ko ang kwarto ko, napakalaki nito.
Tuwang tuwa ang dalawang to sa mga pasalubong na bigay ko.
"Thankyou Natalie!" sabay nilang sabi.
"Naku, kayo talaga." at ngumiti ako sa kanila.
Pagkatapos naming magkwentuhan umuwi narin sila para raw makapagpahinga ako.
Nang magising ako, pansin kong madilim na. Nang tingnan ko ang cellphone ko 8:30pm na pala in the evening.
Marami din nag message saakin sa FB.
Una kong inopen ang chat ni Odessa
"Uuwi ako bukas ng Pilipinas."
Nanlaki ang mata ko. Biglaan naman yata. Wala naman siyang nabanggit saakin na uuwi siya ng Pilipinas. Plano niya kasing magtapos ng pag aaral sa America at siya ang magbabantay ng bahay namin doon. Tinawagan ko siya at ayon sa kanya, gusto na rin nyang magpatuloy sa SBIS kaya naman ngumiti ako. Gusto ko naman talagang umuwi sin siya kaso ayaw pa niya kaya naman ngayon masaya akong nakapagdesisyon na din ang pinsan ko.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naman bumaba ako at pumunta ng kusina.
Nakita ko si Yaya Dulce sa kusina na may kausap sa cellphone. Agad nyang tinago ang cellphone niya ng makita niya ako.
"M-m-maam. A-ano po ang ginagawa nyo dito." Tanong niya
"Ah Nagugutom kasi ako."
"Sige maam, ipaghahanda ko kayo ng makakain nyo." Aniya kaya naman bumalik nalang ako ng kwarto.
Nag facebook uli ako. Binasa ko yung ibang nag message saakin,
Clinton Dee messages you
"Hello Natalie, let's meet up if you have time. Balita ko nandito kana sa Philippines."
"Sure tomorrow? Magpapasama sana ako sayo sa SBIS" i replied
"You going back to SBIS? Nice may magbabantay na sa GF ko and oh yes sunduin kita sa mansyon niyo."
"Hahaha. Ikaw talaga sige bukas nalang. thanks."
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintu ng kwarto ko. Si Yaya Dulce ang pumasok at may dala na siyang pagkain sa tray.
"Senyora here's your food." aniya.
Nakakagulat naman si Yaya. Wagas maka english.
"Thankyou. Sige maiwan mo muna ako." Sabi ko kaya naman lumabas na siya. Pansin ko sa Pheriperal vision ko na tiningnan muna nya ako bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Ang weird.
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Teen FictionLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...