France's POV.
"Make sure na safe ang girlfriend ko sa taas. Walang ibang pwedeng pumunta sa kanya, ako lang." Bilin ko sa mga receptionist ng hotel. Sumakay ako sa kotse ko at nilakbay ang Batangas ng mag isa.
Phone Ring..
Dazh Calling....
"Sinama mo ba si Nat?"
"Hindi. I checked her in in the hotel."
"Mabuti naman. Mag iingat ka. Okay na dito."
Pagkatapos ng mahigit dalawang oras na biyahe, narating ko na ang resort na pinaresearch ko kay Odessa. Natanaw ko si Dazh kasama ang girlfriend ntong si Brandice , nang makita nila ako, kinawayan nila ako at agad akong lumapit sa kanila.
"Effort huh." Brandice Said.
"Everything for my fiancee." I replied.
"Naku mas matindi pa dito surprise ko sa'yo." dazh said to her girlfriend.
"Naku! Puro ka lang satsat! Pumasok na nga tayo sa loob, kinakagat na ako ng mga lamok dito."
"Sir, tomorrow is okay na po. Basta just inform us if what time is your fiancee coming."
"Okay make it sure na this would be a memorable anniversary for my girlfriend."
Kung nagtataka kayo, bukas ang araw kung kailan ako sinagot ni Natalie noong freshman pa siya at sophomore ako. Gusto ko paring icelebrate ang araw na yon kasi yun ang araw na naging masaya ako at nabuhayan ako dahil sa kanya. Naisipan ko ng bumalik ng hotel kasi baka magduda pa si Natalie sakin.
Nang makarating ako sa hotel, laking gulat ko na wala si Natalie sa loob ng hotel room kaya naman agad kong dinukot ang cellphone ko sa bulsa ko upang tawagan si
"It seems that you're looking for someone." Ani ng boses na nasa likuran ko. Nilingon ko ang boses babaeng nagsalita.
"What the fuck are you doing here?!"
"Woah. I'm on a vacation. Bakit? Kayo lang ba ang pwedeng pumunta dito?" Ani Mariel.
"What the-"
"Ops! If you're looking for your fiancee. Nasa baba siya. Sa coffee area. Nice meeting her." Ani Mariel at umalis na to sa harap ko. Agad kong pinuntahan ang sinabing lugar ni Mariel. Nang makita ako ni Natalie, agad tong lumapit saakin at niyakap ako.
"Akala ko iniwan mo na ako." She cried.
"Ba't ko naman gagawin yon. May inasikaso lang ako. Don't cry sshh." Pagpapataha ko sa kanya.
"Saan ka galing?"
"Ah. May inasikaso lang. May inutos lang si mommy." Pag sisinungaling ko. Hindi ko na magawang mag palusot sa kanya kaya naman bago pa siya magtanong ng kung ano ano, umakyat na kami sa taas upang kunin ang gamit namin. Magccheck out na kami. Bago paman kami pumunta sa resort, dumaan muna kami sa mall para magshopping ng masusuot niya at para kumain na din.
"Dami naman yata nating pinamiling damit. Tatagal ba tayo sa pupuntahan natin?" tanong niya habang naglalakad lakad kami sa mall. Tapos na kaming magshopping.
"Saan tayo kakain? Dun nalang." Turo ko sa isang Restaurant.
"Eh dinededma mo naman ako eh. Saan ba tayo pupunta? Ba't ang dami nating -"
"Ang cute naman nito. Gusto mo ba to." Napadaan kami sa isang stall ng mga teddybear. Ayokong magsalita kung saan kami pupunta. Sa totoo hindi ako prepared kung ano ang ipapalusot ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng biglang ngumiti siya habang kinakausap siya ng sales lady.
"Ang cute nga France. " Sabay yakap niya sa teddybear.
"Nako sir mukhang gusto ng girlfriend niyo. Bilhin niyo na." Ani ng salelady.
"Gusto mo ba baby?" tanong ko kaso di siya sumagot. Biglang siyang sumimangot.
"Wala yata sa mood misis mo sir." ani ng Saleslady.
"Hindi ko siya asawa" ani Natalie.
"Magiging asawa palang." singit ko.
Naglakad palayo si Natalie, kaya sinundan ko siya.
"Baby anong problema mo." hinawakan ko ang kamay niya ngunit piniglas niya ito.
"Bakit ba kasi iniiba mo yung usapan? Hindi mo sinasagot mga tanong ko?" pagmamataas niya ng boses kaya naman yung mga taong malapit sa amin nagsisitinginan na.
"Mama? nag aaway po ba sila? Diba po bad-" ani ng batang babae ngunit hindi ito natuloy sa sinasabi ng takpan ng mama niya ang bibig niya.
"Look baby, yung bata narinig ka."
"Pakialam mo." aniya. Kumunot ang noo ko. Bakit ba bigla nalang siyang nabebeastmode. Hindi naman siya ganito dati. Kahit magtampuhan kami hindi ganito.
Naglakad siya habang ako nakasunod lang sa kanya hanggang sa makarating kami ng parking lot. Binuksan ko yung kotse at agad siyang pumasok at nagkabit ng seatbelt at pumikit. Sa biyahe namin napansin kong nakatulog na pala siya kaya naman nagkaroon ako ng chance matawagan si Dazh.
"Nasaan na kayo?" tanong ni Dazh sa kabilang linya.
"We're on our way. Pero baka pumalya tayo."
"Huh bakit?"
"Beastmode si Natalie. Ewan nga. Pabago bago mode niya. Hindi naman siya ganyan diba?" sabi ko.
"Si Brandice nga kausapin mo kasi ganyan din yan. May toyo sa utak. Bigla bigla nalang nagtatransform into monster." natatawang sabi ni Dazh.
"Hoy anong may toyo sa utak. Oh hello! France. Ano ba ang pinagsasasabi nitong si Dazh?" ani Brandice at natawa ako.
"Si Natalie kasi mukhang wala sa mood. Baka hindi siya matuwa sa gagawin kong surpresa para sa kanya."
"Hahahaha. Meron ata siya ngayon ."
"Huh anong meron?"
"Yung ano." aniya
"Ano?" sabi ko.
"Yung menstruation. Ganoon kasi ang mga babae kapag buwanan. Wala sa mood. Kahit anong bait mo, kung buwanan mo, sasama at sasama ka rin." ani Brandice. Sinulyap ko si Natalie na mahimbing na natutulog. May menstruation nga kaya siya ngayon kaya ganoon nalang siya ka bigla nalang nagagalit ?
"Anong gagawin ko?"
"Make her happy. Alam kong maappreciate niya tong surprise mo sa kanya. Madali di naman bumalik sa mood yung babae kapag iniintndi lang. Wag mong sabayan ng sama ng ulo." aniya.
"Ok thankyou." sabi ko at in-end call ko na.
Nang makarating kami sa resort, tulog pa din si Natalie kaya binuhat ko nalang siya papunta sa room na nireserve ko para sa kanya.
"Anong nangyari diyan?" tanong ni Odessa.
"Nakatulog." sabi ko.
Nang mailapag ko na si Natalie, nakita kong matalim na nakatutok sa kin si Odessa "What?" mariin kong tanong. She smiled. "Wala, i' m happy for the both of you." she said"Thankyou." Tumayo ako, lalabas na sana ako ng kwarto ng biglang magsalita si Odessa.
"Mag iingat pa rin kayo. Kahit anong gulo ang harapin niyo, face it together." she said. Kahit alam kong medyo magulo pa rin kami, nginitian ko nalang si Odessa giving her a smile na kaya ko to. Kaya namin to.
Natalie's POV
" Wag! Parang awa mo na! Wag . Ako nalang ang patayin mo. Sa akin mo itutok ang baril."
"Kung yan ang gusto mo, mabait akong tao. Pag bibigyan kita."
"Wag!"
Nananaginip lang pala ako. Kinusot kusot ko ang mga mata ko. Madilim ang buong kwarto kaya naman wala ako masyadong makita at tanging ilaw lang galing sa labas ng bintana ang nagbibigay liwanag dito sa loob. Mabuti nalang may nagtext sa cellphone ko kaya naman umilaw ito at binasa ko.
"Bumaba ka na dito Natalie."
- Odessa.
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Fiksi RemajaLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...