chapter 65

326 6 0
                                    

NATALIE'S POV

Nagtataka ako kung bakit nasa mansyon nila France kaming lahat. Maging sila nanay, at ang mga kapatid ko ay nandito. "Si France?" tanong ko nang makasalubong ko si Brandice na galing sa kusina. "Ah may pinuntahan sila ni Dazh." aniya at tumango na lamang ako.

Hindi ko pa din maintindihan kung bakit ginagawa pa to ni Mariel. "Oh di ka mapakali nak?" ani Nanay na kanina pa pala sa likod ko. "Nag aalala lang ako 'nay." sabi ko.

"Hindi talaga titigil ang pinsan mo sa paghihiganti. Gusto ko siyang makausap. Maging si Camila at Bernardo." aniya.

"Wag nay! Wag po. Baka ano pong gawin nila sa inyo." pag aalala ko.

"Natalie!!" sigaw ng isang boses mula sa pinto. Si Rhianne kasama si Toffer. "I'm glad you're safe!" aniya at nag beso kami.

"Hello, Natalie." nakangiting bati ni Toffer.

"Oh magkasama kayo?" tanong ko.

Inirapan ni Rhianne si Toffer " Eto kasi, gustong sumama."

"Ayaw mo noon, may kasama ka. Delikado na ngayon." ani Toffer

"Dah! Just shut up Toffer. Naiinis ako. May plano pa talagang ganoon si Mariel at yung nanay niyang di maka move on?!" pag mamaldita ni Rhianne.

"Mukhang kinakalaban kayo Rhianne." singit ni Brandice.

"Well. It's ok. Kuya France can handle it." Ani Rhianne.

"Mabuti pa kumain muna tayo. Huwag muna natin isipin ang lahat. Si France at Paul na ang bahala sa kanila." ani Tita Amesyl na galing sa kusina. Nagluto ito ng mga pagkain matapos mabalitaang darating sila nanay sa mansyon nila. Mala pyesta ang nakahain sa lamesa. Positive person talaga si tita. Alam na alam niyang malalagpasan ang lahat ng problema.

"Ok! Good timing! Gutom na talaga ako." ani Toffer na dumiretso agad sa kusina. Sumabay naman sa kanya si Brandice.

"Kita mo, walang hiya no!" inis na sabi ni Rhianne at napatawa nalang ako sa kanilang dalawa.

Umakyat ako sa guestroom para kunin ang cellphone ko. Di-nial ko ng di-nial ang number ni France ngunit di ito nasagot. "Sagutin mo, pls" bulong ko.

"Oh, Natalie bakit di kapa bumaba para sabayan kami?" pumasok si Tita Amesyl sa kwarto at ngumiti ito.

"Ah sorry Tita, nag aalala kasi ako kay France. Hindi ko alam kung saan sila pumunta."

"Huwag kang mag alala. Kasama niya ang daddy niya maging sila Dazh. They're finding out sino ang mga kasabwat dito to stop Camila's craziness." ani Tita Amesyl.

"Tita, mahal niya po si France, gusto niyang bawiin sa kin si France. A-alam ko pong may nakaraan sila, pero tita mahal ko po si France at ipaglalaban ko siya." di ko namalayang humahagulgul na pala ako. Niyakap ako ni tita "Alam ko, at nakikita kong mahal na mahal ka ng anak ko at lahat ng ito ay para sa inyong dalawa.  Kaya huwag mong pababayaan ang sarili mo." aniya at tumango nalamang ako. "Salamat po tita." nakangiti kong sabi.

"Tara na, sabayan natin sila sa baba."

Nang makarating kami sa kusina, nakita kong masayang masaya silang kumakain. Nag aasaran at nagtatawanan sila. "Oh upo na kayo" ani nanay at tumabi ako sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay biglang umalis si Toffer at Brandice. Ihahatid ni Toffer si Brandice sa bahay nito.

"Mabuti naman at natahimik na buhay ko." ani Rhianne at sinalampak ang sarili sa sofa.

"Rhianne." basag ko.

"Hmm..."

"Pwede mo ba akong samahan?"

Napatayo siya sa kinahihigaan nya "Where?" she asked.

"Kay Mariel."

"WHAT? N-no, Natz. Magagalit si Kuya France sa akin."

Umupo ako sa tabi niya. "Pls Rhianne. I want to talk to her."

"Pero baka saktan ka niya." she said.

"Rhianne, pinsan niya ako, makikinig siya saakin."

"No Natalie. May plano nga siyang pasabugin kung nasaan kaman. They're not affected on it. Wala ng dugo dugo ngayon Natalie, lalo na sa kanila." she said.

"Ok, Rhianne." yun nalang ang nasagot ko.

Di ko namalayang 3AM na pala at tahimik na sa mansyon. Magkasama sa kwarto sila nanay, natasha at nadie. Si Rhianne minabuti na ding dito na rin matulog kina Tita. Hindi ako mapakali kaya bumaba upang tumungo sa sala, ngunit bago paman ako makababa, may narinig akong nagsasalita mula sa baba.

"Whatever happens, Paul. Huwag na huwag kang papayag na ipakasal si France kay Mariel. Maraming solusyon sa lahat." ani ng nagsasalita at nang silipin ko ito, si tita Amesyl na may kausap sa cellphone

"Ipapakasal si France kay Mariel?" bulong kong sabi sa sarili ko.

My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon