Natalie's POV
Mabilis kong nilakad ang hallway ng school dahil natatakot akong makita ako ng limang casanova. Nakakahiya! Dalawang linggo na akong ganito. Dalawang linggo na simula ng maiwan ko yung notebook ko sa bahay nila France
" Natalie!"
Huhu mas binilisan ko pa yung lakad ko." Natalie! Anong nangyayari sayo." Sabay hawak niya sa kamay ko
" F-france."
Ngumisi siya
" Gwapo no?"
Tinaasan ko siya ng kilay " Woah super."
" Really?" He smiled
" Super! As in super typhoon! Ang hangin" sabi ko kaya naman nawala sa mukha nya yung ngiti niya.
" I think you left something in the house."
*tsug* *tsug* *tsug* *tsug*
Ayan na Natalie jusmeyo lamunin ka na sana ng lupa!" Meron ba?" i faked a smile
" Yeah. You're notebook." He smiled sabay abot saakin ng notebook ko. Oh jusko ang cute niya
"Sorry naiwan ko pa ito sa inyo." Sabi ko sabay hanap sa picture na nakaipit sa notebook niya
" What are you looking for?"
" Ah may nakaipit kasi dito sa notebook ko."
" I didn't opened it." He said kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
" Sure ka?"
" Yes. Bakit may tinatago kang secrets dyan no?"
" Wa-wala ah. Sige una na ako." Paalam ko sa kanya. Woaah yes! Buti nalang hindi niya nakita yung picture niyang nakaipit sa notebook ko. Pero teka? Nasaan na yung picture? Waah naman! Siguro naman namisplace ko lang.
" Natalie! May kasabay ka na ba this lunch?" Tanong ni Rhianne ng makapasok ako ng classroom
"Palagi naman kayo ang kasabay ko ah."
She smiled " Balita ko kasi naglulunch kayo ni Big brother ng kayong dalawa lang."
"Ha? Ah nagkataon lang na busy kayo. Kaya ganon".
Pagkatapos ng class namin, dito kami agad napadpad sa canteen kahit 10am palang ng umaga para mag lunch.
"Hello Girls!"
" Hi Rhianne."
" Hi Natalie."
" Hello!"
Oh jusko! Nabigla ako ng biglang magsulputan sina Clinton, Dazh, Clinton at Travis. Nilinga ko yung paligid pero wala si France
" Hinahanap mo ba si France? May kausap siya sa office." Ani Dazh at ngumisi
"Hindi ko naman siya hinahanap ah." Palusot ko.
" Ano ba ulam mo Natalie?" Tanong ni Dazh
"Pritong Isda. Bakit?"
"Penge ako ha."
" Bakit Dazh naghihirap ka na ba? Pati ulam ng iba nakikishare kana." Ani Travis
"Ulol. Gusto ko lang naman humingi. Ililibre ko nalang si Natalie mamaya." Aniya at ngumiti nalang ako.
Nagstudy nalang ako ng lessons ko, habang sila naman abala sa pagkukulitan. Si Rhianne ang lagi nilang napapagtripan kaya naman halos umusok na ang ilong ni Rhianne sa inis sa kanila.
Naghiyawan lahat ng estudyante dito kaya naman kaminh lahat tinoon ang pansin sa pinagtitilian sa canteen. Nagulat ako ng makita ko si France may kasamang babae, and wait parang siya yung babaeng nakilala ko sa restaurant noong kasama ko si Larry
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Novela JuvenilLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...