Natalie's POV
*booogsh*
Nagulat kami sa malakas na kalabog ng pintuan ng makalabas si France.
"Omg girl! Baka nagselos yon!" ani Adrian
"Ano naman ang pagseselosan niya satin?!" Irap kong tanong
"Hindi kaya niya alam na girlalooo din ako!"
Tumawa ako "Lalaki ka kasi kumilos kung nandyan siya."
"Nakakahiya naman kasi kay King." At nag pout to kaya naman binatukan ko siya
"Arouch girl! Nakakarami kana ha!" Aniya sabay himas sa ulo niya. Kaya naman tumawa ako ng malakas
He is ahhh okay SHE IS Adrian Gonzales. Ang nag iisang anak ng attorney ni lolo. Last year lang simula ng pumasa siya sa Bar Exam. At siya naman ngayon ang abogado namin. He's 26years old already but ang shunga niya kasama parang magkaedad lang kami. Hindi rin alam ng lolo niya na girly siya kaya naman tinatago niya sa ibang tao ang tunay na pagkatao niya. Well, alam naman ni Nanay at ng mga kapatid ko maging si Odessa ang totoo tungkol sa kanya. Isang taon na siya dito sa L.A kasama kami.
Twoyears.
Twoyears ago.......
My boyfriend France and I separated to each other but no break ups happened.
Two years ago. Gulat na gulat pa nga ako noon bakit pupunta kami ng America. Takang taka pa nga ako kung saan nakajackpot si nanay at nagkaroon kami ng Free trip to L.A pero nagkamali ako. Nang malaman ko ang totoo at ang totoong pagkatao ni tatay, saakin pinangalan lahat ng mga pamanang negosyo ni Lolo. 75% ang napunta saakin at 25% sa pamilya ni Odessa. Kaya daw ganoon nalang ka unfair, hindi raw paborito ni lolo ang daddy ni Mariel at Odessa kasi sa masamang ugali nito sa lolo.
Agad ko namang nalaman ang tungkol sa Fix Marriage Issue. At dahil nga ang akala nila si Mariel ang para kay France, kaya yun sila ang pinagkasundo sa matagal na panahon. Nang magkaalaman ng katotohanan, saakin, saakin pala siya itinakda.
Kami ang ikakasal.
Kami ang dapat ikasal.
Ngunit isang taon na ang lumipas.
Dumaan na ang summer vacation sa pilipinas, hindi nag abalang bisitahin ako ni France dito sa America upang ayusin ang tungkol saaming dalawa.
Naghintay ako ngunit walang France na bumalik saakin. Kaya naman naisip ko na hindi na niya ako mahal. May mahal na siyang iba. Kaya naman pilit ko na siyang kinakalimutan. At alam kong nakalimutan na niya ako sa loob ng dalawang taon.
Nang malaman kong graduate na si France, alam ko ring pupunta na siya dito upang siya ang mag manage ng kompanya habang ako ay nag aaral pa. He's here to guide me too.
Akala ko nakalimutan ko na siya.
Ngunit ng makita ko siya.
Nang maamoy ko ang napakabangong amoy niya
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Pero bakit sa kanya parang wala lang?
Gusto ko sana mag assume noong sinuntok niya si Adrian, gusto kong isipin na nagseselos siya.
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Dla nastolatkówLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...