France's POV
" Mauna na ako sainyo." Paalam ni Lance. Narito kami ngayon sa labas ng school at gabi na kaya naman wala ng masyadong tao, wala narin mga stupidang babae at bakla na naghahabol saamin.
" Geh susulat ka ha!" Sigaw ni Travis kay Lance at lumayo na ito.
" Oh kayo ba?" tanong ni Dazh
" Aalis na ako. May date pa kami ni Kristina." Ani Travis at sumakay sa kotse niya at pinaandar na ito palayo saamin.
" Sinong Kristina ?" Ani Dazh samin
" Yung ex girlfriend mo!" Sigaw ni Clinton
" Ha? Naging ex ko ba yon?" Ani Dazh
" Psh, yung babaeng dinala mo sa paraiso. Noong first time mo." Sabi ko
" Ah. Oo nga siya nga. " ani Dazh
" Dude wait." Ani Clinton
" Ano yon?" Ani Dazh
" Si Mariel."
Tumayo ako sa kinauupuan ko " What's with her?"
" Umuwi na siya ng pilipinas."
" Paano mo naman nalaman?" Ani Dazh
" Facebook post." Inagaw naman ni Dash kay clinton yung cellphone niya atsaka pinakita saakin.
" Hashtag me so bored while waiting with Lance Ferrer - in Valenzuela City." Basa ni Dazh sa post niya
" Psh, kaya pala." I said.
" Na ano?"
" Na nagmamadaling umalis si Lance. Kasi Mariel's here." I said
" Nililigawan ba niya yon?" Tanong ni Clinton
" Yeah." Tipid kong sagot
" Selos ka naman?" Ani Clinton
" Tss, why would I? Iniwan niya ako dito sa Pilipinas at mas pinili pa niya yung buhay sa america kaysa makasama ako. The hell I dont care."
" Pero now she's back." Ano Dazh
" Tapos iba na yung binalikan. Haha" asar na sabi ni Clinton
" I don't care." Sabi ko at sumakay na sa kotse ko. Pinaharurut ko ito patungo sa bahay.
" Anak, kumain kana ba? Nagluto ako ng paborito mong afritada." Ani mommy ng makapasok na ako sa bahay.
" I'm full, mom."
" Anak, si Mariel nga pala bumisita dito. May iniwan syang pasalubong para sayo. Nasa kwarto mo." Ani mommy
" Ok thanks mom."
Umakyat ako sa kwarto para tingnan kung ano ang pasalubong niya saakin.
Isang nike cap and silver bracelet. Napangiti ako kasi alam niya yung paborito kong brand.Mariel Aquirez is my first girlfriend and my previous ex girlfriend. Tatlong taon naging kami. Simula first year highschool hanggang nag fourthyear kami. Secondyear kami ng umalis sila sa europe kasi doon daw nila gusto manirahan. I understang her reason kaya naman tuwing bakasyon, nasa america ako, until one day uuwi na sila sa pilipinas kasama ang mommy at daddy niya, but she refuses to go home kaya naman naiwan siya sa america. Nagagalit ako sa kanya kasi sabi niya dito siya mag aaral ng college kasama ko. Umasa ako ngunit napunta lang sa wala. Hindi ko na siya tinatawagan. Tumatawag siya saakin pero di ko sinasagot, di ko rin sinasagot emails niya and fb messages. We don't have official break up tapos nalaman kong nililigawan na siya ni Lance. Nalaman ko yan last year kasi pumunta si Lance ng america para bisitahin si Mariel and yeah they're dating. Ayoko na siyang makita. Pinipilit ko siyang kalimutan. Galit na galit ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Novela JuvenilLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...