Natalie's POV
**
First day of schoolAlas sais palang ng umaga at handang handa na akong pumasok. Naligo na ako, kumain na at sinuot ko na yung uniporme ko. Simula ng makapasa ako, nagpaenroll agad kami kasama si nanay. Libre ang tuition ko sa SBIS at may monthly allowance. Libre lang din itong uniporme ko dahil scholar ako. Tatlong set ang libre saamin plus isang set ng PE uniform at isang set rin ng corporate attire. Tuwing miyerkules raw kasi corporate attire ang suot namin para sa accountancy and business department. 50 lang naman daw ang tinatanggap na scholars taon taon. Mahigit 200+ ang nag eexam pero 50 lang ang tinanggap at ang swerte namin ni Hannah pasok kami sa 50 na yon at bonus na yung nanguna ako sa exam.
" Nay! Mauna na ako!" Sigaw ko bago pa ako makalabas ng bahay.
" Teka! Anak!" Tumakbo ito papunta saakin. " Eto oh pang recess mo nak." Naglabas si nanay ng isang daan sa wallet niya.
" Nay may naipon naman po ako nung bakasyon kaya itago mo na lang yan! Ako na nga nagpumilit na makapag aral sa Saint Benedict eh."
" Tanggapin mo na to! Susuportahan ka namin anak sa abot ng aming makakaya ng tatay mo basta't pagbutihin mo lang ang iyong pag aaral." Sabay abot saakin ng pera at tinanggap ko nalang
" Opo nay. salamat. Nay alis na po ako."
Sumakay na kami ni Hannah ng jeep. Hindi naman kami masyadong nagtagal sa biyahe kasi maaga pa at hindi pa gaanong trapik.
Magkahawak kamay naming binabagkas ni Hannah ang daan papasok sa campus.
" Anong problema Hannah?" Huminto kasi ito sa pag lalakad.
" Goodluck saatin Natalie. Balita ko maraming mean students dito."
" Naku carry natin yan!"
Nagyakapan kaming dalawa bago kami tuluyang pumasok sa school.
Accountancy ang kinuhang kurso ni Hannah, at ako naman Business Administration major in Business Management. Kaya naman magkahiwalay kaming papasok sa klase namin.
Room 312A
Pumasok na ako sa classroom, maiingay ang mga kaklase ko. Naupo ako sa sulok ng classroom at pinagmasdan ang mga tao dito.
Magaganda ang bag at sapatos nila
Mamahalin ang mga cellphone nila
Mapuputi
Magaganda at gwapo
At
Mga sosyal
Napayuko nalang ako at sinulyapan ang bag ko, luma na ito. Ito yung bag ko simula noong mag fourthyear highschool ako hanggang ngayong college na ako. Regalo pa nga to saakin ni tatay. Bago pa man kasi siya mastroke, nakakapagtrabaho pa si tatay bilang construction worker kaya nabibilhan pa kami ng mga bagong gamit kasi dalawa sila ni nanay ang may hanapbuhay. Matibay naman siya kaya hindi pa siya nasisira.
" Scholar ka ba dito?" Tumingala ako sa babaeng nagsalita. Nasa harapan ko ito at nakataas ang kilay
" Oo bakit?"
" Ah, kaya naman pala nakapasok ka dito sa SBIS kahit mukha kang hampas lupa. Hahahaha." Aniya at tumawa. Maging ang mga kaklase ko nagsitawanan narin. Yumuko nalang ulit ako at pilit na pinapakalma ang sarili. Gusto ko na kasing umiyak pero hindi ko hahayaang masira ang first day ko dito.
" At tingnan mo yung shoes niya. Pangit!" At humagulpik na naman sila sa kakatawa. Yung sapatos ko kasi pangit naman siya kung ikukumpara mo siya sa mga sapatos nila, mga bago ang mga sapatos nila samantala yung akin luma na.
Nagsitigil sila sa panlalait saakin ng dumating na yung prof namin. Medyo nagalit siya kasi magugulo ang mga kaklase ko ng pumasok siya. Kahit maiyak iyak na, pinilit kong ibaling ang atensyon sa professor namin.
**
Hindi ko nahanap si Hannah. Sabay sana kaming maglulunch ngayon. Wala naman kasi akong cellphone para matanong ko siya kung nasaan siya.
Nang makarating ako sa canteen, napansin kong masasarap ang ulam ng mga estudyanteng kumakain dito kaya lumabas nalang ako at naghanap ng patagong lugar kung saan malalabas ko ang baon kong pritong isda.
Dito ako napadpad sa likod ng stage. May isang upuan dito kaya naman dito na ako kumain.
" Hala!!!" Napasigaw ako ng matapon ang baon ko.
May shuttlecock na nashoot dito sa baunan ko dahilan ng pagkahulog nito. Bigla namang lumapit yung lalaki saakin para kunin yung shuttlecock at umalis na. Ang malas naman, ang lawak lawak ng lugar, mismo pa sa maliit na baunan ko na 3points. At hindi manlang sila nag abala na magsorry. Wala na akong pagkain na kakainin kaya naman pumunta nalang ako sa classroom para sa susunod kong klase kahit nag aalburuto ang tiyan ko sa gutom.
Bago ako umuwi, hinanap ko muna yung locker ko. Ayon kasi sa registrar, may kanya kanyang locker yung mga estudyante dito.
" Delos santos, Natalie Vane E."
Agad ko namang binuksan yung locker gamit ang susi na binigay na saamin noong enrollment day at inilagay ko yung mga gamit na pwede kong iwan dito. Nakakatuwa naman, siguro kung sa public ako nag aral, walang locker na pwede kong pang iwanan ng mga gamit ko
" Ouch!" Sigaw ko ng may humila sa buhok ko.
" Ang pangit mo naman!" Ani ng isang babae
" Oo nga at ang pangit ng shoes at bag niya!" Ani ng isa pang babae
" A-ano ba ang kasalanan ko sa inyo?!" Sigaw ko.
" Aba aba aba! Lumalaban!"
Sinabunutan ako ng isang babae, at yung dalawa naman pinapakialaman ang bag ko at ikinalat nila lahat ng gamit ko. Hinagis nila sa malayo yung bag ko, nagtawanan sila bago umalis.
Nakaupo ako ngayon sa semento habang umiiyak. Maya maya ay pinuntahan ko yung bag ko at isa isa kong pinasok sa bag yung mga gamit kong nagkakalat bago ako umuwi.
**
" Kamusta naman ang unang araw mo sa Saint Benedict anak?" Tanong ni nanay habang nasa hapag kainan kami.
" Okay naman po." Pagsisinungaling ko
" May kaibigan ka na ba doon maliban kay Hannah?"
" M-meron na po." Pagsisinungaling ko uli
" Mabuti naman. Pag aaral ang atupagin ha, wag kang mababarkada at wag ka muna magboboyfriend." Pangangaral ni nanay
" Opo nay!"
" Ang importante para saakin, lahat kayo makapagtapos ng pag aaral kahit mahirap lang tayo, sisikapin kong makapagtapos kayo ng pag aaral basta't tulungan niyo lang ang sarili niyo"
Tumango nalang kami ni Natasha pati si baby nadie na 4years old palang tumango din kahit alam naming nakikigaya lang siya saamin ng ate Natasha niya.
Sumama ako sa palengke kay nanay para tulungan siyang iligpit ang mga paninda niya. Kaya naman doble ang pagod ko ngayon at nagpahinga na ako.
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Teen FictionLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...