chapter29

3K 84 3
                                    

Natalie's POV

Nangangalahati na kami sa semester at busy na naman kaming lahat para sa darating na exam kaya naman bihira na naman kaming magkita kita nila Hannah.

"Natalie!" Si Rhianne sa kalayuan ko. Ng lingunin ko siya, kinawayan niya ako at tumakbo siya palapit saakin

"Oh ano yon rhianne?" Sabi ko ng makalapit siya.

"Halika, sumama ka saakin." At agad nyang hinila yung kamay ko. May choice ba ako.

Sumakay kami sa kotse niya at pumunta kami sa mall. Pumasok kami sa isang boutique ng mga magagarang damit

"Pumili ka dali!" Aniya

"Hah? Bakit?"

"Sige na gawin mo na." Aniya kaya naman pumili ako. Bakit puro mga dress to? Ang gaganda pa. Kasing ganda nong mga dress na binigay ni Tita Amesyl saakin.

"Eto nalang." Sabay pakita ko sa kanya sa isang blue dress.

Ngumiti siya "Perfect. Sukatin mo na."

"Wow! You look so gorgeous Natalie!" Ani Rhianne ng makalabas ako sa fitting room.

"Salamat. Sige palit na ako ng damit."

"No! Suotin mo lang yan."

"Pero..."

"Tara na!" Sabay hila niya saakin palabas ng counter

Pumasok kami sa isang salon. Sinalubong kami ng isang bakla kaya naman ngumiti kaming dalawa ni Rhianne

"Make her more beautiful." Ani Rhianne.

"Ako ang bahala sa kanya Ms. Rhianne."

"Good. Girlfriend yan ni Kuya France kaya naman do it good."

"Ang galing talaga pumili ni France. Halika na iha umupo kana dito." Ani ng bakla na umaasikaso saakin ngayon.

Pagkatapos ng mahigit apat na oras, natapos na din kami. Nag footspa ako, manicure pedicure, at treatment sa buhok. Minake upan din ako ng light make up. Kaya naman nagtataka na ako. Saan party kaya kami aattend?
Tapos bakit ako lang? Si Rhianne hindi.

Nakita ko sa entrance ng salon na pumasok si Larry. Nginitian ko ito ng lumingon sa tungo ko.

"You look so beautiful Natalie." Ani Larry.

"S-salamat."

"Kuya, ikaw na bahala kay Natalie. Mauna na ako bye!" Ani Rhianne at lumabas na ng salon. Naiwan kami dito ni Larry.

"Let's go Natalie." Aniya. hinawakan nya ang kamay ko. Kaya naman HHWW kaming dalawa habang binabagkas namin ang daan palabas ng mall.

"Omg perfect couple talaga silang dalawa."

"Ang gwapo ng lalaki at ang ganda ng babae. Perfect sila."

Yan ang mga narinig kong bulungan ng dalawang babae na dinaanan namin. Napagkamalan tuloy kaming mag syota.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Larry.

"You know what, aaminin ko crush kita noon. Pero masaya akong masaya ka sa piling ng pinsan ko." Aniya na nakangitu habang nagmamaneho

Huh? Ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko kaya naman di na ako nag abala pang magtanong uli.
Huminto siya sa pagmamaneho. Tinanaw ko ang paligid. Wow, ang ganda naman dito. Pinagbuksan ako ng pinto ni Larry at sinundan ko siya sa paglalakad habang ako manghang mangha sa paligid.

"EH?" Nawala si Larry sa paningin ko. "Nasaan na yon?" Naglakad lakad nalang ako mag isa sa isang napakagandang garden

"Hi natalie." Ani Dazh na sumalubong saakin

"T-teka anong g-ginagawa mo dito?"

"Ang ganda mo naman ngayon." Aniya

Pinalo ko siya sa braso "Kaasar ka naman. Ngayon lang talaga? Teka bakit nga nandito tayo?"

"Sumunod kalang saakin." Aniya kaya naman sumunod ako sa kanya sa paglalakad.

"Dyan ka lang Natalie, may naiwan kasi ako sa kotse eh." Ani Dazh at umalis. Naiwan ako dito sa labas ng isang nipa hut ngunit napakalaki. "Wow." Bulong ko sa sarili ko. Sa di kalayuan ng pwesto ko may nakita akong fishpond at isang parang rest house at napakaganda.

"Beautiful."

Nilingon ko ang isang pamilyar na boses na nagsabi noon. Nagulat ako ng makita ko ang boyfriend ko na nakangiting nakatingin saakin.

"France?" napaka gwapo niya sa suot niya. Kaya naman mas doble doble ngayon ang attraksyon ko sa kanya.

Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa resthouse na sinasabi ko kanina.

"Wow. Ang ganda naman dito France"
Sa loob kasi ng resthouse na ito, petals of roses na nagbibigay daan samin, napakabangong paligid at table na good for two sa gitna ng resthouse kaya naman napanganga ako sa kabuoan ng paligid.

"You like it?" Tanong niya at tumango ako.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan niya ito. "Happy First Monthsary Baby Girl." Aniya in a soft voice

Monthsary pala namin ngayon. Bakit di ko yun naalala. Yumuko ako, nakaramdam kasi ako ng guilt sa sarili ko. Anong klaseng girlfriend naman kasi ako hindi ko inalala yung monthsary namin.

"hindi mo ba nagustuhan baby?" Aniya

"Nagustuhan ko syempre. Ang ganda nga ng surprise mo saakin Baby boy. Pero naguguilty ako kasi hindi ko manlang naalala yung monthsary natin."

Tinaas nya ang uli ko "It's okay baby girl pagbibigyan kita ngayon, sa susunod na monthsary, may punishment ka na kung makalimutan mo pa." Aniya at kumindat.

Pinalo ko siya "Puro ka kalokohan." Sabi ko. At tumawa siya.

Lumapit saamin si Travis na may dalang bouquet of flowers at inabot ito kay France at umalis ito agad.

"Flowers for you, my baby girl."

Inamoy ko ang bouquet "salamat."

Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako sa sinet up niyang table for two para saming dalawa. Nagserve saamin yung waiter kaya naman kumain kami ni France. May natugtog pa na kanta kaya naman naging romantic ang lugar para saaming dalawa

"Shall we dance Natalie?" Aniya na nakatayo na sa harap ko habang nilalahad ang palad niya saakin. Ngumiti ako at pumayag sa gusto niya

Magkayakap kaming sumayaw, amoy na amoy ko ang napakabangong pabango niya.

"I love you, baby girl." He whispered.

" I love you too baby boy."

Huminto kami sa pagsayaw at nagkatinginan kaming dalawa

"You're my sweetest downfall baby." He said at unti unti niyang nilalapit ang labi niya sa labi ko, kaya naman napapikit ako. Isang matamis na halik para sa special na araw na to ang aming ginawa.

Mahal na mahal ko si France at hinding hindi ako papayag na may sumira sa aming relasyon.

My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon