Natalie's POV
Hindi makakapasok si Hannah ngayon kasi mataas ang lagnat niya ayon sa mama. Ipapacheck up nga raw ngayon kasi pabalik balik yung lagnat niya kaya naman mag isa akong pumasok dito sa school. Wala ng nagbubully saakin kaya naman magaan ang loob kong pumasok sa school.
" Natalie!" Tawag ni Rhianne saakin kaya naman kinawayan ko ito.
Sabay kaming pumasok ng classroom at saktong sakto dumating na yung prof namin
" Natalie, excuse lang muna saglit." Paalam ni rhianne at nagpaalam ito sa prof at agad syang lumabas.
Natapos na yung klase namin, hindi pa bumalik si Rhianne kaya naman dinala ko nalang yung bag niya at hinanap siya. Pumunta na ako sa CR, sa canteen, sa gym, sa library pero wala doon si Rhianne.
Nang mapadaan ako sa parking lot, nakita ko siya nakasandal sa kotse niya, nakaupo sa semento at umiiyak
Agad akong tumakbo upang lapitan siya
" Rhianne anong nangyari sayo?!"
Yumakap lang ito saakin habang umiiyak siya.
Pinakalma ko muna siya. At sabi niya gusto na niyang umuwi kaya naman inalalayan ko sya papasok sa kotse niya.
" Ah Natalie, sumama ka nalang saakin."
" Pero may pasok pa kasi ako."
" Akong bahala sa prof natin. Mag classmates naman tayo."
Tumango nalang ako at sumakay.
Napanganga ako ng mapatumbad ako sa harap ng napakalaking bahay. Kulay asul at puti ang bahay at may napakagandang landscape.
" Tara na, natalie."
Bumaba kami sa kotse at sinundan ko siya papasok sa bahay.
Pumasok kami sa isang kwarto. Wow! Ang lamig lamig naman dito. Kulay Lavender ang kulay ng kwarto at ang laki naman ng kama ang sosyal.
" Kwarto mo to Rhianne?" Tanong ko at tumango siya.
Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Marami siyang litrato na nakadisplay sa kwarto. May sarili din itong CR at silid kung saan ka magbibihis. May mini sala pa at mini kitchen. Galing naman! Mas malaki pa yung kwarto niya kaysa sa bahay namin.
" Natalie." Tawag niya saakin at hinarap ko siya.
" Tungkol kanina sa nangyari saakin."
Agad kaming naupo sa mini sala sa kwarto niya
" Nakita ko kasi yung boyfriend ko."
Nakatingin ako sa kanya na hinihintay lang ang sasabihin niya ng may tumulong luha sa mga mata niya
" M-may k-kasama ng i-bang babae." At umiyak na ito
Nilapitan ko siya para pakalmahin " Baka naman pinsan lang o kaibigan."
" Hindi Natalie. Sigurado ako na may relasyon silang dalawa. Sa Europe nag aaral ng law si Jed. Marami akong kaibigan na sa Europe din nag aral at sila yung nagsumbong saakin na may ibang girlfriend na ito kaya naman madalas lang siyang tumawag saakin. Hindi muna ako naniwala sa mga kaibigan ko, pero kanina, napadaan ako sa bahay nila, hindi ako nagkakamali na siya yun kasama ang bago niyang girlfriend. Magkahawak kamay silang dalawa. Pinilit kong kumalma kanina pero hindi ko na nakayanan Natalie. Huhuhu!" At lumakas pa ang iyak niya. Ano ba yan? Sa kwento niya, naiisip ko agad kung ako kaya magkaroon ng boyfriend tapos lolokohin ako, ano kaya ang mararamdaman ko.
Sa pagkakakilala ko kay Rhianne, isa siyang palaban na tao pero pagdating sa pag ibig, nang hina siya ngayon kaya naman alam kong malungkot siya ngayon.
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Ficção AdolescenteLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...