France's POV
Naaawa ako ngayon kay Natalie kasi alam kong may pinagdadaanan siya, hindi ko lang gustong ipahalata sa kanya na nag aalala ako kasi ayoko ring gawing problema uli ito
"Pwede ba kitang makausap, France?" Nagulat ako ng biglang akong kausapin ng nanay ni Natalie in a serious voice
"Okay po."
Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa labas ng kanilang bahay.
"Ano po ang pag uusapan natin?"
" Dalaga na ang anak ko, alam kong hindi ko pwedeng hadlangin ang lahat na nagpapasaya sa kanya, isa lang ang hihilingin ko sayo, wag mong sasaktan ang anak ko." Aniya
"Maasahan nyo po ako dyan, mahal n mahal ko po ang anak nyo."
"Mabuti naman kung ganoon." At ngumiti ito saakin
"Kamusta na nga po pala ang asawa nyo?" Tanong ko. Nakita ko sa mukha niya ang kalungkutan
"Ayon, di ko na alam kung hanggang kailan sya magtitiis sa sakit niya, pilit ko ng tinatanggap na mawawala na ang asawa ko, kahit ngayon, mamaya, bukas o sa susunod na araw." Aniya
" France, aalis ako kung dumating na ang oras na mamatay ang asawa ko?"
"Saan po kayo pupunta? Malalayo na ba saakin si Natalie?" Nag aalala kong tanong
"Maiiwan si Natalie dito. Marami lang akong dapat asikasuhin. Mga importanteng bagay, kaya kung pwede alagaan mo ng mabuti ang anak ko."
Nakahinga ako ng maluwag, akala ko malalayo saakin ang baby girl ko "Opo."
*****
Hindi na din ako nagtagal pa sa bahay nila Natalie, gusto ko din na magkaroon siya ng oras sa ama niya.
Mag isa ako ngayon sa mini bar, marami akong iniisip, marami ding tumatakbo sa isipan ko kung bakit aalis ang nanay ni natalie at saan ito pupunta.
"Mukhang may problema ka yata?" Si Daddy na sinaluhan ako sa iniinom kong wine.
"Nothing dad."
"Kailan mo bang gusto magpakasal?"
Napangiti ako sa sinabi niya "Hindi pa siya 18 dad kaya wala pang exact date."
"Sususportahan kita anak sa ano mang desisyon mo sa buhay mo." Ani daddy at tinap ang likod ko
"Thanks Dad."
Habang naglalaro ako ng Xbox, may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, nang bumukas ito, nakita ko si mommy na may dalang ipad at lumapit saakin
"Nak, tingnan mo ito." Sabay abot saakin
"Sht!" Sigaw ko
"Totoo ba to anak?"
"Hindi mom!"
May pinakita kasi saaking post sa fb si mommy. Galing sa fb post ni Mariel
Getting married soon with France Garcia
Halos padabog akong lumabas ng kwarto at kinuha ko susi ng kotse ko. Pinaharurot ko ito hanggang sa makarating ako sa harap ng mansyon nila Mariel
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
TeenfikceLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...