Natalie's POV
Matalim ang tingin ko nang makita ko si France sa loob ng classroom namin. Kaya naman hindi matahimik ang classroom namin. Panay ang hiyawan at tilian sila dito. Nang makaupo ako sa upuan ko, nginitian ako ni Rhianne. "Late ka yata?" aniya. Sinulyapan ko ang relo ko "15mins lang naman." sabi ko.
"Okay everyone keep quiet. Sige kayo kung hindi kayo magpapay attention, hindi na ako babalik dito." ani France. Kaya naman biglang natahimik sa loob ng classroom
"King anong ginagawa mo dito?" sigaw ng classmate ko na nakaupo sa likuran ko.
"King sana palagi kang nandito para ganado kaming mag aral ng maayos." ani ng bakla kong kaklase.
"Well actually, binabantayan ko lang yung babaeng nagpapatibok ng puso ko." aniya kaya naman kinabahan ako sa sinabi niya. Ayokong mag expect na ako yon, unang una, professor ko si Steffi kaya naman malakas ang kutob ko na siya ang tinutukoy ni France.
Biglang lumakas ang hiyawan ng makita namin si Steffi na papasok sa classroom namin.
"Ang sweet naman King! Babantayan mo talaga si Prof Steffi. Kyaaah!" ani ng isa kong kaklase. Kitang kita ko ang pamumula ni Steffi.
Nakita ko si France na papalapit saakin kaya naman mas lumakas ang tibok ng puso ko. Naupo siya sa tabi ko bakante kasi ito. Kita ng pheriperal vision ko na nakatingin siya saakin at nag iwas tingin.
"Kuya France ang OA mo naman sa Steffi na yan. Anong akala mo saamin papatayin namin yang babaeng yan na kailangan mo pang bantayan?" Pataray na sabi ni Rhianne sa pinsan niya. Napagigitnaan nila ako. Nasa kanang bahagi ko si Rhianne at sa kaliwa naman si France. Si Odessa naman sa harapan ko nakaupo. Hindi pinansin ni France ang pinsan niya kaya naman tumangos ang nguso ni Rhianne habang nakikinig sa prof namin.
Panay ang bigay niya ng biglaang recitation at napapansin kong ako palagi ang tinatawag niya at syempre nasasagot ko ang mga tanong niya. Narinig kong ngumisi si France kaya naman pasimple ko tong nilingon. Nakangiti siya habang natingin kay Steffi kaya naman yumuko ako at nakaramdam ako ng inis.
Nang matapos ang class namin, dumiretso agad ako sa kotse ko at binaybay namin ang daan papunta sa mansyon nila France. Tumawag kasi si Tita Amesyl saakin kanina na nakauwi na raw siya ng pinas at gusto niya akong makita. Pagod raw sya sa biyahe kaya naman gusto niya ako nalang ang pumunta sa kanila.
"GoodAfternoon Maam. Kanina pa po naghihintay si Maam Ame sa inyo." ani ng guard bago pa man makapasok anf kotse namin.
Iniwan ko sa labas yung driver ko. Nang makapasok ako sa loob, I saw stacey at tumakbo siya galing kusina papunta saakin.
"Hello ate buti nalang dumating ka!"aniya at niyakap niya ako.
"Syempre naman. Where's tita Amesyl?"
"Halika ate Natalie!" hinila ako ni Stacey papuntang kusina. Natanaw ko si tita na abala sa pag babake. Ngumiti ito ng makita ang presensya ko
"Natalie mabuti naman at pumunta ka. " nakangiting sabi ni Tita at nagbeso kami.
"Syempre naman po tita. Ah tita, bakit nga pala kayo nagbabake? Hindi ba kayo napagod sa biyahe?"
Ngumiti si Tita "Hay naku, sanay na ako sa mga ganoong kalayong biyahe. Pero ewan ko diyan kay Stacet nagaya siya saakin." Nilingon ko si Stacey at nagpeace sign siya.
"Tulungan ko na ho kayo." Kinuha ko yung isang apron at sinuot. Tinulungan ko si tita sa paglagay ng mga ginawa niya sa oven.
"Angdami naman yata ng ginawa niyo tita." sabi ko matapos namin ilagay sa oven ang lahat ng cakes and cupcakes na ginawa niya.
"Paborito kasi ni France to. Kaya naman dinamihan ko. Miss na raw niya eh." Ani tita.
"N-nasaan po si France?" tanong ko.
"What Natalie?" ani ng isang lalaking boses. Nilingon ko ito, si France na may dalang laptop at nakasando at boxer lang kaya naman napalunok ako.
"Tapos mo na bang pagnasahan ang katawan ko?" aniya kaya naman tinapunan ko siya ng masamang tingin.
Nakasando lang siya kaya naman ang sexy niya tingnan."A-asa ka.!" sabay irap ko sa kanya. Nakita ko si Tita na nakangiti saaming dalawa "Ang cute nyo." ani Tita
"I Agree!" ani Stacey at winagayway pa ang kamay.
Natahimik kami nang biglang magring ang cellphone ni Tita "Excuse me kakausapin ko lang to." ani tita at lumabas ito ng kusina. Kaya naman naiwan kaming tatlo dito. Naupo si france sa dining Table habang naglalaptop. Sumandal ako sa Ref nila at pinulot ko yung cook book sa may lamesa at nagkunwaring nagbabasa. Nagnakaw tingin ako kay France grabe ang cute parin niya hanggang ngayon. Narinig kong ngumisi si Stacey at France. Kaya naman binaba ko ng konti yung pagkakatabon ko sa mukha ko.
"Pfff. What are you doing?" natatawang sabi ni France.
"Bulag kaba? Obvious ba. Nagbabasa syempre." pataray kong sabi.
"Hahahaha ate Natalie, baliktas yung book oh! Paano mo nabasa yan?" ani Stacey kaya naman tiningnan ko yung hawak hawak ko baliktad nga. Naku nakakahiya talaga! Ayan kasi Natalie tatanga tanga!
"Pffff. Mukhang ikaw yung bulag." ani France kaya naman nag pout ako at nagwalkout. Hahanapin ko nalang si Tita Amesyl.
Nilibot ko na ang buong mansyon nila hindi ko nahanap si Tita. Naisip kong nasa kwarto yata siya. Suminghot singhot ako. Shit! Amoy sunog!
"Natalie!" Sigaw ni France ng makatakbo ako sa kusina.
Nasunog yung binake ni tita. Kaya naman agad akong lumapit sa oven at "Shit! ARAAAAY!!!!" napaso ang kamat ko kaya naman si France na ang nagswitch off ng oven at nang napatay na ito, agad syang lumapit saakin at hinawakan nya ang mga kamay ko habang ako naman umiiyak sa sakit.
"Ssshhh stop crying. Masakit paba?" Aniya in a soft voice.
"Ouch. France wag mong pisilin." mangiyal ngiyak kong sabi.
"Be careful next time" *tsup* nagulat ako sa ginawa niya. He kissed my hands kaya naman parang may nagpaparade sa puso ko, ang bilis ng kabog ng puso ko.
"S-salamat." tipd kong sagot.
Ginamot niya ang mga paso ko. Nang dumating si tita, nagsorry siya. "Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" ani Tita.
"Hindi na po tita. Okay na ako." nakangiti kong sabi.
"Tita Ame, ate Natalie's okay na. Ginamot na siya ni Kuya France. Kuha give ate Natalie a medicine." ani Stacey kaya naman nakatingin kaming dalawa ni France sa kanya.
"Anong gamot ang binigay ni Kuya kay ate?" nakangiting sambat ni Tita kay Stacey.
"A kiss in her hands." Nakangising sabi ni Stacey at nagwiggle pa siya sa kilig, kaya naman napayuko nalang ako sa hiya.
"Haynaku kang bata ka. Halika na, sa sala nalang muna tayo maglaro tayong dalawa." ani Tita Amesyl at kinarga si Stacey palabas ng kusina. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinundan si Tita ngunit hinawakan ni France ang braso ko kaya naman pumihit ako para magkaharap kaming dalawa.
"Natalie. Masakit pa ba?" seryosong tanong ni France. Nakita ko ang si sinseridad sa mga mata niya
"M-medyo. Gagaling din to. Sa una lang naman to masakit hindiba?"sabi ko at lumabas na ako ng kusina para sundan si Tita at Stacey.
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Novela JuvenilLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...