Natalie's POV
"Mag iingat kayo. Salamat sa pakikiramay niyo." Ani nanay sa mga kapatid ni tatay na dumayo pa galing quezon province masilayan lang si tatay sa huling pagkakataon.
"Harapin niyo ang mga pagsubok na dapat niyong harapin. Goodluck. Mauna na kami Adella." Ani tita Cherison, ang bunsong kapatid ni tatay.
Nang makalabas na sila ng bahay, agad pumunta ng kusina si nanay
Nailibing na kanina si tatay. Nakiramay saamin ang mga kaibigan ko, si France lang ang wala maging ang mommy at daddy nito. Ngayon daw ang alis nila sa America ngunit hindi tumawag saakin si France kagaya ng sabi niya kahapon.Masakit man isipin pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na ikakasal na sila ni Mariel.
Ayon kay Rhianne, investor ng Garcia sa negosyo ang pamilya Aquirez. Ayon sa testamento ng lolo ni Mariel, bilang kapalit sa pagtulong nila sa pamilya Garcia maiahon nito ang negosyo sa pagkakalugi noon, dapat maikasal ang apo nito sa nag iisang tagapag mana ng Aquirez. At yon ay si Mariel.
Ngayon ko lang din nalaman na si Odessa Aquirez ay bunsong kapatid ni Mariel ngunit ngayon lang daw din nila nalaman na matagal ng hindi nakikipag ugnayan si Odessa sa pamilya nito maliban sa financial support.
"Ate, pinapapunta ka ni Nanay sa kusina." Ani Natasha. Sa totoo, para kaming may sore eyes lahat at lahat ng mata namin namumula at namamaga.
" Nay pinapatawag nyo raw po ako." Nakita ko si nanay na may hawak na mga dokumento. Agad niya itong tinago nang mag salita ako.
"Malapit na matapos ang semester niyo sa SBIS diba?" Tanong niya
"Opo nay."
"Hindi ka na magpapatuloy sa SBIS sa susunod na semester."
"Bakit po nay?"
"Lilipat na tayo ng tirahan kung saan tayo nararapat. Kung saan kayo nararapat ng mga kapatid mo."
Naisip ko agad na babalik na kami ng Quezon Province. Agad naman akong nakaramdam ng lungkot, iniwan na nga ako ni France, iiwan ko pa ang mga kaibigan kong totoo saakin. Kahit ganito lang ang estado namin sa buhay, tinuring nila akong tunay na kaibigan kaya naman hinding hindi ko sila makakalimutan. Masakit man isipin pero hanggang doon lang ang relasyon namin ni France. Ganito pala ang masaktan no? Parati kang kinakabahan at parang mabigat lagi sa damdamin. Siya ang kaunaunahang lalaking minahal ko. Siya ang first boyfriend ko. Ngunit hindi siya tinakda saakin. Tama nga si nanay, hangga't bata kapa, hinding hindi mo masasabing kayo na talaga para sa isa't isa.
Pinilit kong pumasok pagkakinabukasan. Nang makita ako ni Rhianne, agad tong lumapit saakin
"Bakit pumasok ka? Diba excuse ka naman for a week?."
"Mabebehind ako sa lessons. Malapit na ang finals natin." Sabi ko
"Pero kailangan mong magpahinga at bumawi ng tulog."
"Ok lang ako Rhianne wag kang mag alala." Pinilit kong ngitian siya pero parang hindi pa rin siya nakumbinsi sa ngiting binigay ko sa kanya.
Mas pipiliin kong ubusin ang oras ko sa skwelahan kesa naman magmukmok ako bahay na lahat nalang ng sakit na ala ala nasa bahay namin.
Nang makapasok kami sa classroom, nag announce yung classmate namin na wala si sir kaya naman todo sa hiyawan ang mga kaklase ko sa tuwa.
Dumiretso kami sa canteen, nang matanaw namin sila Dazh, Travis,Clinton, Lance, Larry at Hannah kinawayan kami nito at agad kaming lumapit
"Hi guys!" Ani Rhianne at binigyan kami ng espasyo para makaupo kaming dalawa
"Natalie, kamusta?" Tanong ni Lance
Yumuko ako "Okay lang" tipid kong sagot
Gusto kong umiyak ngayon sa harapan nila. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na naiipon sa puso ko. Gusto kong magsalita na hindi ako sang ayon sa pagpapakasal nila France at Mariel ngunit pinipilit kong isaksak sa isip at puso ko ang katotohanan na sila ang karapat dapat para sa isa't isa. Mahal na mahal ko ang tatay ko at Mahal na mahal ko si France. Alam niyo ang feeling na namamatayan ka ng mahal mo sa buhay? Doble. Doble ang nararamdaman kong lungkot ngayon. Hindi ko na natiis at naiyak na ako sa harap nilang lahat
"Natalie. Ssshhh." Niyakap ako ni Rhianne
"Bakit ganoon Rhianne, bakit kailangan may mawala sa buhay ko?"
Lumapit na rin sa tungo ko ang ibang casanova "Natalie, ganyan talaga ang buhay, may umaalis, may dumarating." Sabi ni Clinton.
"Pero bakit kailangang sabay sila bigla bigla nalang aalis sa buhay ko?"
"Natalie, iiyak mo lang yan." Ani Hannah at niyakap ako.
Gusto akong pauwiin ngayon ni Rhianne sa bahay namin upang makapagpahinga. Pumayag nalang ako. Masama din kasi ang pakiramdam ko. Para akong lalagnatin.
Bago paman ako makasakay sa kotse ni Rhianne
Biglang nagdilim ang paningin ko
"Sht! Kuya Dazh si Natalie!"
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Dla nastolatkówLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...