Natalie's POV
Tatlong araw akong naadmit sa hospital pero hindi pa din ako pumasok nang makalabas ako kasi kabilin bilinan ng doctor na mas mabuti kung makapagpahinga din muna ako sa bahay kaya naman halos isang linggo akong hindi pumasok. Ayon kay Rhianne, excuse naman daw ako kasi may medical certificates naman ako maliban sa anak ng may ari ng school naman ang dahilan kung bakit ako absent.
Kaya ngayon, papasok na ako sa school kasi okay na ako. Marami na akong namiss na lesson nito at baka mahirapan akong makahabol
" Kaya mo na ba pumasok ng skwelahan anak?" Tanong ni nanay bago pa ako makalabas ng bahay
" Ako pa nay. Carry much ko na ito!"
" Sige ikaw bahala ingat!"
" Bye nay!" Sigaw ko
Sumakay na ako ng jeep papuntang SBIS, nauna na raw si Hannah pumasok sabi ng mama niya, akala nya siguro hindi pa ako papasok
" Natalie!" Tawag ni Dazh saakin ng makaakyat ako sa second floor
" Anong problema Dazh?"
" Wala naman. Kamusta ka na?"
" Okay na ako. Salamat pala sa pagtulong niyo kay nanay sa palengke."
" Naku walang anuman enjoy much nga kami eh." Aniya at ngumiti.
Nagpaalam ako sa kanya at iniwan ko na siya doon at pumasok na ako sa classroom. Niyakap ako ni Rhianne ng makita niya ako sa classroom at naupo na sa tabi niya.
" Namiss ka namin." Aniya at ngumiti
" Namiss ko din kayo. Pahiram ako ng notes mo mamaya Rhianne. "
" Sure no problem." Aniya at ngumiti.
Dito na nag aaral si Larry sa SBIS kaya naman kaming apat nila Rhianne, Hannah, Larry at ako ang magkakasabay ngayon kumain ng lunch
" Grabe ang takaw mo naman kumain!" Ani Larry kay Hannah
" Wag ka ngang ano diyan!" Ani Hannah at tumawa naman kami.
" Mauubos mo ba yan? Halos tatlong cup yang baon mong kanin. Di ka naman tumataba." Pang aasar ni Larry. Minasamaan nalang siya ni Hannah ng tingin kaya natahimik ito. Close na kasi kaming apat. Noong hindi ako pumasok, palaging kasama ni Larry at Rhianne si Hannah.
Naghiyawan yung mga studyante dito sa canteen at sabay sabay nagsipasukan dito yung limang casanova. Akala mo one direction yung dumating at todo picture yung mga estudyante dito.
" Bakit ba ang ingay ingay nila sa tuwing nagsusulputan yang limang yan?" Tanong ni Hannah
" Ewan ko. Last year kasi simula ng mag college sila, sila na raw yung palaging inaabangan." Ani Rhianne
Secondyear college na yung limang casanova so isang taon ng ganito ang SBIS. Hindi pa ba sila nagsasawa?
Nagpatuloy lang ako sa pagkain kahit maingay pa rin dito sa canteen.
" Pwede ba kaming makishare?" Ani Dazh na nakatayo sa harap namin kasama sila Lance, Clinton, Travis at France.
" Sure." Ani Rhianne at kanya kanya silang pwesto. Katabi ko sina Travis, Clinton at Rhianne at nasa harapan naman namin sina Hannah, Larry,
" Natalie, kamusta na ang nanay mo?" Tanong ni Dazh.
" Okay naman. "
" Liligawan daw ni Dazh ang nanay mo Natalie." Ani Clinton at tumawa ito.
" Di ka sasagutin noon gago." Sabi ni Lance
" Mga gago pati ba naman nanay ni Natalie. Namimiss ko lang kasi magtinda uli." Aniya
" Oo nga eh. Galing ko magpaikot ng mga mamimili. Lahat sila saatin bumibili kasi mga gwapo tayo." Pagmamayabang ni Lance.
" Sus hindi naman nila kayo mapapansin kung hindi ko pinakita yung abs ko." Ani Clinton
" Ang sabihin niyo, gwapo yung cashier kaya sinwerte tayo." Ani Travis
" Salamat nga pala at SORRY kung naabala ko pa kayo." Diniin ko pa yung word na SORRY at tiningnan ko si France habang binibigkas ko yon.
" Okay lang! Tinulungan lang namin si France. Para naman makabawi siya sayo." Ani Travis.
" Naku, kahit nag sorry nalang siya ayos na yon." Sabi ko
" Bakit Natalie, hindi ba nagsorry sayo si France?" Tanong ni Dazh at umiling ako
Nagbuntong hininga si France " Psh, ikaw naman talaga kasi yung may kasalanan bakit naman ako magsosorry sayo?! " aniya
" Kahit na! Nasagasaan mo parin ako! Nakasakit ka pa rin!"
" Psh, nasaktan ka dahil sa katangahan mo"
Tumayo ako. " Wag na wag mo akong masasabihan na tanga! Dahil kahit isang beses hindi ako napagsalitaan ng ganyan ng mga magulang ko!" Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako at lahat ng attention narito na saamin. Tumakbo ako palabas ng canteen
" Natalie!" Tawag ni Rhianne
" Hayaan muna natin siya." Ani Larry
At nakalayo na ako sa kanila.***
Umiyak ako ng umiyak sa harap ng nanay ko.
" Nay, bakit po ba ang sasama ng ugali ng mga mayayaman?"
" Anak, wag mong lahatin. Kasi may mga kaibigan ka ngayon na kahit mayaman sila maganda ang trato sayo. Sila nalang ang pahalagahan mo. Diyos nalang ang bahala sa mga nananakit sayo." At niyakap ako ni nanay.
" Anong iniiyak iyak mo dyan ate?" Tanong ni Natasha ng makapasok ito sa kwarto namin
" Naku! Napakachismosa mo! Pumunta ka na sa palengke! Ikaw na magtinda!" Sigaw ni nanay.
Napakamot nalang sa ulo si Natasha bago to lumayo saamin ni nanay.
Alas siyete palang ng gabi nakatulog na ako, hindi ko na nagawa yung mga assignments ko, ihahabol ko nalang bukas. Sa ngayon, nanghihina parin ako at gusto kong matulog.
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
TeenfikceLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...