Natalie's POV
" Natalie pumasok kana sa school niyo at ako na ang bahala dito."
Bago ako pumasok, may oras pa naman kasi, tinulungan ko muna si nanay ihanda lahat ng tinda niya sa palengke.
" Sure po kayo nay? Maaga pa naman po kasi."
" Oo nga. Umalis kana baka ma late ka pa at baka maabutan ka ng traffic."
" Sige po. Bye po nay!" Sigaw ko habang dala ko ang bag ko papuntang sakayan.
Dumaan ako sa bahay nila Hannah, sabi ng mama niya naliligo pa raw. Hindi ko na hihintayin pa si Hannah, masyado kasi syang mabagal kumilos. Gusto kong mauna. Gusto kong makita agad si France Garcia ng buhay ko. Nakakainlove talaga siya.
May isang oras pa bago magsimula yung klase ko kaya naman andito ako ngayon sa loob ng gate nakaabang din sa pagdating ng limang casanova. Hindi pa masyado marami ang tao.
*wooooosh*
"Waaahh ang lamig!!" Sigaw ko. Mula kasi sa taas, binuhusan ako ng napakalamig na tubig. Tiningnan ko yung bumuho ng tubig saakin, dalawang babae na patawa tawa sa ginawa nila. Kaya ngayon, basang basa ako. Umiyak ako sa inis at galit kaya tumakbo ako papuntang locker para kunin yung extra uniform ko at dumiretso sa CR.
Umiyak muna ako ng umiyak. Araw araw nalang ba ako mabubully sa school na ito? Grabe. Porket ba mayaman sila gaganituhin na nila ang isang tulad ko.
" Gosh! What happened to you?" Ani ng isang babaeng kapapasok lang dito sa CR.
" Binuhusan ako ng malamig na tubig ng dalawang estudyante dito." Sagot ko habang humahagulhol sa iyak
" Are you okay?" Tanong niya at naupo sa tabi ko
" O-okay lang"
" Magbihis ka na. " Aniya at ginawa ko naman.
Nang matapos akong magbihis, nakangiti siyang humarap saakin.
" Simula sa araw na 'to haharapin na natin lahat ng magbubully sa yo."
Ngayon ko lang napagtanto na mala diyosa pala tong babaeng nasa harap ko. Ang ganda niya. Ang ganda ng pagka curl ng buhok niya, maputi siya, makinis ang mga balat, at ang ganda nya lalo na kung nakangiti.
" Sa-salamat." Sabi ko at ngumiti.
Hinila niya ako palabas ng cr at tumungo kami sa vice president's office. Sinumbong niya sa VP yung nangyari at agad naman daw nilang ipapatanggal sa campus ang gumawa noon saakin.
Ang bait niya para siyang si France Garcia. Speaking of the devil, huhu sayang hindi ko siya nakita ngayon.
" Ano pala ang pangalan mo?" Tanong niya ng makalabas kami sa office
" Natalie delos Santos. Ikaw?"
" I'm Rhianne Garcia." She smiled
" Garcia?"
" Yeah. Why?" She asked
" Ah wala. Kapatid mo ba si France?"
" Crush mo ba siya?" She asked
" Anong klaseng tanong naman yan."
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Novela JuvenilLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...