chapter28

3K 83 2
                                    

Natalie's POV

"Oh Iho, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni nanay kay France. Nasa loob ako ng kwarto ni nanay nagtatago. Dinig na dinig ko ang pag uusap nila.

"Susunduin ko po si Natalie."

"Ah. Si-si Natalie? Umalis na siya kani kanina lang."

"Ganoon po ba? Sige mauna na ho ako."

Nang marinig ko ang kalabog ng pagsara ng pintuan, agad akong lumabas ng kwarto.

"Nakaalis na siya." Ani nanay at nakahinga ako ng maluwag

"Hindi mo pa ba sya kakausapin anak? "

"Ewan ko po nay."

"Mahal ka ng tao kaya ganyan siya sayo. Intindihin mo yon. Doon ka magalit kung wala na siyang pakialam sayo." Aniya at tumungo na sa kwarto para pakainin si tatay.

Natahimik ako saglit. "Mauna na po ako nay." Sigaw ko at umalis na.

Nang makarating ako sa gate, halos hindi na ako makadaan sa dami ng tao.

"Bakit naglalakad nalang siya papasok ng campus? Diba hatid sundo siya ni King?" Ani ng babae na nadaanan ko.

"Baka break na sila, diba nagkalat na yung issue na ikakasal na si France at Mariel."

Nakaramdam ako ng galit at kumuyom ang kamay ko.

Pumasok na ako ng campus, natanaw ko si France kasama ang mga kaibigan niya kaya naman pumihit ako pakaliwa para sa back door dumaan

May humila sa kamay ko kaya naman hinarap ko siya

"Saan ka galing? Sabi ng nanay mo kanina kapa pumasok, bakit ngayon kalang pumasok ng gate?"

"Wala lang. Tumambay muna sa labas." Sagot ko at aalis na sana kaya lang mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak saakin.

"Mag usap nga tayo baby girl." Aniya

Biglang nag buzz yung bell "Pasok na ako." Paalam ko. Ngunit hindi na ako nakawala sa kanya kasi kinarga na niya ako. Pumasok kami sa president's office at nang makalabas kami, biglang nag announce sa school na walang pasok kaya naman malakas ang hiyawan sa school dahil ang saya nila.
Bumalik na kami sa loob, yun lang yon pinakinggan lang namin yung announcement sa labas

"Bakit walang pasok? Siguro pinasuspend mo yung class no?!" Sabi ko sa kanya nang ilapag niya ako sa sofa dito sa president's office.


"Yeah. So now, ano pa ang idadahilan mo para di ako kausapin hmmm?" Aniya na nakaharap saakin. Yumuko siya at itinukod ang dalawang kamay niya sa sandalan ng sofa kaya naman halos limang inches lang ang agwat namin at amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya.

"P-pwede ba lumayo ka saakin." Lumalakas ang tibok ng puso ko sa twing ganito ang kalagayan namin.

"You're blushing baby girl." Aniya na nakangiti.

"Hindi ah!" Sigaw ko at inirapan siya.

Tumabi siya saakin at hinawakan ang kamay ko, "Baby girl, sorry na please patawarin muna ako kung napagsalitaan kita ng masama kagabi, i was just worried"

Nilingon ko siya at ngumiti ako "Naiintindihan ko, sorry din. Sorry kung ako pa ang nagalit sayo. Alam ko naman na nag alala ka saakin at sorry kung sumama ako sa kanya. Mabait naman kasi si Odessa at transferee siya, kaya ko kinaibigan wala kasi siyang kaibigan eh."

Nagbuntong hininga siya at sumandal sa balikat ko "I missed you baby girl so much!" Aniya at niyakap niya ako.

"I love you baby boy."

My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon