chapter32

2.8K 79 2
                                    

France's POV

Biglaan ang alis namin dito sa Batangas kaya naman naabala pa ang date namin ni Natalie. Habang papunta kami sa batangas, kasama si Rhianne at ang pamilya niya, nakita ko ang posts ni Dazh sa FB kasama sila Natalie at ang mga kapatid nito.
Mabuti naman at inalagaan nila ang girlfriend ko kaya minsan may silbi din sila.

"Bakit ba kasi tayo sinama pa dito. Wala tuloy tayo sa tabi ni Natalie. She needs us now." Ani Rhianne. Tapos na ang meeting namin kasama ang ama ni Mariel na investor namin sa negosyo. Bukas uli matutuloy ang pag uusap usap namin.

"Kailangan daw kasi tayo sa meeting bukas."

"Bukas pa naman pala edi sana bukas nalang tayo pumunta dito. Pumunta kaya tayo ng Manila ngayon kuya." Ani Rhianne.

"Let's just finish this meeting tomorrow at babalik tayo agad bukas ng Manila." I said.

Matindi ang galit ko ngayon sa pamilya Aquirez dahil sa meeting na pinagusapan namin kanina.

Throwback

Nang makarating kami sa hotel na tinuluyan namin, agad namin sininulan ang pag uusap usap kasama ang pamilya Garcia at Aquirez.
Kasama nila si Mariel ngunit nagtataka din ako kung bakit wala ang kapatid nitong si Odessa.

"Matagal na panahon na ang ating pinagsamahan maging sa negosyo, tumatanda na rin tayo Paul, ito na ang oras para ipasa natin sa ating mga tagapagmana ang kompanya."

"Pero hintayin muna natin na makapagtapos sila ng pag aaral Bernardo." Ani Daddy

"Oo naman syempre pero Paul, nasa tamang edad na rin sina Mariel at w
France."

"Ano ang ibig nyong sabihn?" Tanong ko

"Ipagkasundo natin sila. Magpakasal na silang dalawa, tutal may namagitan naman sainyong dalawa diba? At sainyo din naman mapupunta ang kompanya."

"hell no!" Sigaw ko

"Watch your tone son." Bulong ni Daddy

"Ayokong makasal sa anak niyo!" Sabi ko

"Wala ka ng magagawa France." Ani Mariel

"At bakit namang wala?"

"Dahil ayon sa testamento ng lolo ko, bilang kasunduan sa pag iinvest sa negosyo niyo, ipapakasal ka sa tagapagmana ng kompanya. At ako yon France."

Pinakita saakin yung mga papel kaya naman kulang nalang makunot ko ito sa galit.

Nagtagpo ang kilay ni Rhianne sa mga naririnig "Kahit kailan di kita matatanggap para kay Kuya!" Ani Rhianne.

"Watch your mouth anak." Ani ng mommy niya

"But mom."

"Mag usap tayo mamaya." Ani ng mommy niya kaya naman tumahimik nalang to.

Tinawagan ko ang cellphone ni Natalie pero di ko na naman siya matawagan. Kaya naman si Clinton ang tinawagan ko.

"Clinton, kakausapin ko si Natalie."

"France nagpapahinga si Natalie. Nakatulog kasi ito sa kakaiyak. Nakakaawa ang girlfriend mo. Kailan kaba babalik ng Manila?"

"Tomorrow I hope so."

"Sige dude, kailangan ka ni Natalie ngayon."

Inend call ko na yung tawag at pumasok sa hotel room ko at nagpahinga

My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon