Yaya Dulce's POV
Mariel Calling....
"Mariel. Napatawag ka."
"Kamusta?" Ani Mariel.
"Ah. Mariel-"
"The fuck! Tell me!" Sigaw niya. Kaya naman medyo nalayo ko yung cellphone ko sa lakas ng boses niya.
"Mukhang nahahalata na nila ako."
"Fuck! Ayusin mo ang mga inutos ko sa'yo. Kundi hindi, hinding hindi ako sasama sayo." Pagbabanta niya at pinatay na niya ang tawag.
For 15years na nawala si Mariel sa tabi ko. Nang mahanap ko siya, nahihirapan akong malapitan siya. Kaya naman napilitan akong mamasukang kasambahay sa kanila. Sa kasamaang palad, kay Odessa ako inassign ng daddy nila. Nang umalis si Odessa sa America, doon ako nagtrabaho kay Mariel. Kaya naman nang mabalitaan niyang uuwi na sila Odessa kasama nito ang kaaway niya na si Maam Natalie, napag utusan niya akong mamasukang kasambahay kapalit ng pag sama niya saakin. Siya ang nawawala kong anak. Hindi siya tunay na Aquirez. Noong sanggol pa siya, dahil sa hirap ng buhay, iniwan ko siya sa simbahan. Nakita ko rin na Aquirez ang kumuha sa kanya kaya naman napanatag ako. Kahit masakit, kailangan kong gawin para sa kinabukasan ng anak ko. Nang aminin ko ito kay Mariel, naniwala naman siya ngunit may kapalit ang pagsama niya saakin. Kaya naman ako ang nagboluntaryo kay Maam Odessa na maging kasambahay nila Maam Natalie. Nakakalungkot ngang isipin na si Odessa na siya ang tunay na anak, hindi siya ang nasa puder ng Aquirez. Inutusan ako ni Mariel na bantayan ang bawat kilos ni Natalie at France.
Ngayong nalaman kong magkasintahan na ulit ang dalawa, hindi ko alam kung sasabihin ko sa anak ko ang totoo. Ayoko siyang masaktan. Pero ayoko ring makasira ng relasyon. Mabait si Maam Natalie saakin kaya naman walang dahilan para na traydurin ko siya.
Anytime pwede akong umalis dito. Mayaman ako sa totoo lang, kaya ko hinanap si Mariel kasi kaya ko na syang buhayin. Nagsumikap ako sa buhay hanggang sa naabot ko ang tagumpay.
"Yaya, pwede mo ba akong samahan sa mall?" Ani Maam Natalie.
"Ngayon na ba Maam?" Tanong ko.
"Busy ka pa po ba? Kasi kung busy ka pa-"
"Okay lang Maam. Sasamahan kita."
SM Fairview.
"Ah maam? Ano nga pala gagawin natin dito? Kanina pa ho kasi tayo paikot ikot maam. May hinahanap ka ba ?" Tanong ko.
"Ah napapagod ka na ba yaya? Gusto mo ba mag snacks muna tayo?"
"Ah hindi maam okay lang. Nagtatanong lang sana kung may hinahanap ka, baka matulungan kita." Sabi ko.
"Ay naku yaya. Okay lang ba magpatulong?"
"Oo naman maam."
"Yaya, gusto ko sanang regaluhan si France. Eh kaso, wala akong maisip eh." Pakamot kamot pa sya sa ulo.
"Naku maam, madali lang yan. Una, alamin mo ang lahat ng paborito ni sir."
"Eh yaya, wala naman akong naaalalang paborito niya eh."
"Huwag mong alalahanin yan maam. Mag isip ka nalang ng bagong bagay na siguradong magiging paborito ni sir."
"Better idea yaya. Naisip ko sanang bigyan siya ng shoes. Tara yaya doon tayo sa Nike."
Pagkatapos niyang bumili ng sapatos, pinagiftwrap niya ito at nagdesisyon kaming mag meryenda sa Shakeys.
"Yaya excuse lang. CR lang ako. Babalik ako agad." Paalam ni Maam Natalie.
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Fiksi RemajaLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...