Natalie's POV
Mag isa lang ako ngayon sa hospital. May mga pasok pa kasi sila Rhianne, Hannah, Larry at yung limang casanova. Tuwing bakanteng oras lang sila pumupunta rito. Si Nanay ang nagbabantay saakin. At napilitan siyang isara ang tindahan namin sa palengke. May pasok din kasi si Natasha kaya wala talagang mapagbibilinan si nanay. Napalingon ako sa bandang pintuan ng bumukas ito.
"Anak, aabot sa 30 thousand ang mababayaran natin. "
Nanlumo naman ako sa sinabi ni nanay. Alam kong namromroblema ngayon si nanay kung saan kami kukuha ng ganyang kalaking halaga."Nay pasensya na po kayo, hindi ko po naman kasi alam na dadalhin nila ako rito sa hospital." Napaluha ako at yumuko.
"Okay lang anak. Importante ang kaligtasan mo. Si nanay na ang bahala dito." Aniya.
Bumukas ang pinto at bumungad saamin ang mommy ni France
"Hello po Tita Amesyl." Sabi ko
"Hello doc. " ani nanay
"Nay doctora po si Tita Amesyl?"
"Hindi mo ba alam na siya ang physician mo?" Ani nanay
Kaya naman pala madalas nya akong bisitahin at palagi siyang may kasamang nurse.
"Natalie, mataas ang lagnat mo noong nagdaang araw. Naoverfatigue ka at kailangan mong ibalance ang lahat ng ginagawa mo. Maari ka ng makalabas bukas." Nakangiting sabi ni Dra. Garcia
"Salamat po." Ani nanay.
"Magpagaling ka Natalie iha ha. " nagpaalam na ito saamin dahil may pasyente pa siyang pupuntahan. Bago paman makalabas si Dra. Garcia, pumasok dito si France kasama ang mga kaibigan niya.
"Hello po goodafternoon nay!" Ani ni Dazh
"Nakikinanay ka na ha? " saway ni Travis
"Gumagaya lang kay Natalie!" Ani Dazh.
" Oh baka naman type mo si Natalie kaya gusto mong maging nanay din ang nanay niya." Ani Clinton.
Nakita ko kung paano minasamaan ng tingin ni France ang apat kaya naman nanahimik na sila.
"May mga pasok pa ba kayo mga anak?" Tanong ni nanay sa kanila
"Wala na po." Sabay sabay nilang sabi
"Weh? Ditch lang siguro kayo noh?" Sabi ko at nag sign naman si Dazh na manahimik ako.
"Hindi kami nag ditch no!" Ani Lance
"Ganoon ba? Pwede ko ba kayong hingan nang konting pabor? Maiwan ko muna sainyo si Natalie."
"Saan po kayo pupunta nay?" Tanong ni Dazh
"Sa mga kumare ko. Manghihiram ng pera. Sige mauna na ako sainyo." Paalam ni nanay
"Dont bother the payments." Ani France
"Bakit iho?" Nagtatakang tanong ni nanay. Akalain mo nga naman naintindihan ni nanay yung english ni France
" It's fully paid." Aniya
"Paanong nangyari yon?" tanong ko
"Ah eh kasi Natalie, pagmamay ari naman nila France tong hospital na to kaya walang problema." Ani Travis.
Wow! Kaya naman pala dito nila ako dinadala. Kilala ang hospital na ito na isang sikat at magagaling na doctors ang meron dito.
"Salamat France." Ani nanay at nginitian siya ni France
"Everything for Natalie." At lumingon siya saakin. Eto na naman ang puso ko mag aassume na naman. Nakakainis kasi parang nahahalata na rin nila ako.
Lumabas na si nanay at naiwan kaming anim dito. Pupunta nalang daw siya sa palengke upang magtinda uli. Kanya kanyang labas ang mga casanova ng laptop sa bag nila. Si France naman naupo lang sa sofa habang nakatitig saakin
" Anong problema mo?" Tanong ko. Umiling siya at tumayo. Nilapitan niya ako.
"Mariel is my ex girlfriend." At nagbuntong hininga siya. Nakikinig lang ako sa kanya at hinihintay ang sunod niyang sasabihin.
"Naghiwalay kami dahil mas pinili niya ang manirahan sa ibang bansa kesa ang makasama ako." Dugtong niya
'' Pero ngayon andito na siya. Hindi kaba masaya?''
Nagbuntong hininga siya at sinulyapan ang mga kaibigan niyang abala sa paglalaro
''I don't want her to be in my life anymore'' aniya
'' Bakit naman? ''
''I thought there's a deep reason on why she have to stay for that damn long in europe. Isang araw nalaman ko nalang, She cheated on me when she was not here. May tinago silang relasyon ng boyfriend ni Rhianne.''
Naalala ko noong mga araw na hinang hina si Rhianne sa natuklasan niya sa boyfriend niya. Kahit naman yata sino masasaktan at masasaktan kung biglang isang araw matutuklasan mong niloloko ka na ng taong mahal mo. Kahit matapang ka at palaban, aminin mo man o hindi, manghihina ka rin bigla sa sobrang lungkot at sakit.
'' Kaya naman pala ganoon ang galit ni Rhianne sa ex girlfriend mo.''
'' Mag iingat ka palagi Natalie.''
Nagtagpo ang mga kilay, siya naman kasi ang may kasalanan kung bakit ako ginanito ng niya.
'' Don't worry, as long as you're here at my side, you're safe'' aniya at ngumiti saakin.
Andyan na naman ang puso kong adik kay France. Hindi naman ako gaano ka despereda pag nagkakaroon ng crush pero syempre tao lang din ako, marunong din kiligin at mainlove.
'' Ano ba ang pinag uusapan niyo?'' ani Travis
'' Family planning.'' France replied
'' Maniwala ka dyan.'' sabat ko
'' Ilang anak ba ang gusto niyo?'' seryosong tanong ni Lance
'' Wag nga kayong maniwala kay France'' sabi ko
'' 5 or 6 will do. '' Ani France at naupo sa sofa.
'' Wow. Gawin pa akong inahing baboy '' bulong ko
Hindi nalang ako umimik pa baka kasi saan pa mapunta ang usapan na'to at bakamahimatay pa ako sa kilig at magtagal pa ako neto sa hospital.
Dumating si Rhianne kasama si Larry, may dala silang maraming pagkain gaya ng napakalaking pizza, ice cream, fruits, junkfoods, cake at soft drinks
'' WOAAH! FOODTRIP NA THIS!'' Sigaw nila Clinton at Lance at agad sinalubong sila Rhianne.
Isa isa nilang hinanda yung mga pagkain sa lames. Dito nila pwinesto yung lamesa at mga upuan malapit saakin para daw makashare ako sa kanila. Masaya kaming kumain. Nagtawanan at nagkwentuhan
'' Want some more?'' ani France. Abala kasi siya sa pag aabot saakin ng pizza, ngayon naman ice cream.
'' Busog na ako.''
'' You sure?'' tanong niya at tinanguhan ko siya. Siya nalang kumain ng ice cream at pinanonood ko nalang sila na masayangmasaya sa kakakain.
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Novela JuvenilLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...