France's POV
Masama ang tingin ko sa daan habang iniisip ko si Natalie.
"Shit!" Sabay suntok ko sa manobela. Tapos ko ng ihatid si Steffi sa bahay nila kaya naman mag isa lang ako ngayon at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Damn Natalie, ano ba ang ginawa nya sa America? Bumalik sya kay Adrian, tapos paguwi naman niya ng Pilipinas, may TOFFER pa siyang nalalaman
Phone Ringing...
Dazh Calling..."Oh ano buhay kapa pala?" Sabi ko agad sa kanya ng masagot ko ang tawag.
"Ulol! Oo naman buhay pa ako!"
Minsan talaga sarap sapakin to si Dazh "Ano ba kailangan mo?"
"Dude uuwi na ako ng Pilipinas. Diyan ko nalang icocontinue yung culinary, ang hirap naman kasi ng lagay namin ni Brandice. LDR pre. Nakakasawa ng kaholding hands si mouse at pucha mabubuntis ko na yung cellphone ko lagi ko nalang siya sa cellphone pinag nanasahan." ani Dazh at tumawa ito.
Naisip ko naman agad si Natalie. Si Natalie na naman. psh. Naisip ko kung kami kaya sa sitwasyon nila. Kung umalis sya ng america tapos ako andto sa Pilipinas. Hindi ko yata matitiis yon.
"Psh, sige umuwi ka na." Sabi ko.
"Dude may favor lang ako. Huwag mo munang sasabihin kay Brandice. Okay?"
"Psh pakialam ko sa inyo. Sige oo na bye." sabi ko bago paman siya magsalita uli, inendcall ko na para matapos na.
Bigla kong hininto at tinabi ang sasakyan ko nang makita ko si Natalie nasa labas ng isang restaurant. Mukhang may hinihintay siya kasi panay ang tingin niya kaliwat'kanan kaya naman huminto ako. Nagsalubong ang kilay nito ng maibaba ko ang window ng trailblazer ko.
"Sakay."
"May hinihintay akong susundo sakin." Aniya.
1 minute
2 minutes
3 minutes
"Oh bakit hindi ka pa naalis diyan?" Aniya.
"Ikaw din, bakit di kapa naalis diyan?"
"Eh-eh k-kasi n-nttaffic pa yung susundo saakin." Aniya. Sinilip ko ang wristwatch ko, alas dose na pasado at ang init init pa sa labas.
"Bahala ka. Sige bye." paalam ko sa kanya. Pinaandar ko na ang kotse ko at umalis. Ngunit ng makita ko siya sa side mirror, pansin kong may dalawang lalaking lumapit sa kanya "Shit." bumalik ako sa kinaroroonan niya.
"B-bitawan mo ako!" Ani Natalie sa mga lalaki. Nagpaputok ako ng baril. Kaya naman nagsitakbuhan ang mga tao.
"Uy! May savior ka!" ani ng lalaking mataba habang hawak hawak si Natalie.
"Bitawan mo siya." Sarkastiko kong sabi.
"Bakit ko naman yon gagawin? Titikman ko lang siya kahit saglit. Pagkatapos ko, ikaw naman." Ani ng isang lalaki kaya naman pinaputukan ko silang dalawa sa mga paa nila kaya naman nabitawan nila si Natalie at tumakbo ito papalapit saakin.
"France, natatakot ako. Gusto nila akong dukutin." Nanginginig na sabi ni Natalie. Niyakap niya ako at umiiyak siya.
"Shhh. You're safe now. Let's go." sabi ko sa kanya at hinila ko ang kamay niya papasok sa sasakyan ko
"Pero paano sila?"
" Iba na ang bahala diyan." Sabi ko.
Tinawagan ko si Dazh, at kwinento ko ang nangyari kanina, kumikilos na raw ang daddy nito sa pagpapadakip sa dalawang yon. Malakas na Mafia si Sir Greg Verron, at kaya naman alam kong maganda ang aabutin ng dalawang yon.
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Novela JuvenilLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...