Natalie's POV
Mahigit kalahating oras na ako dito sa kanto pero wala pang jeep na dumaraan.
" Bakit ba kasi wala pang jeep." Bulong ko.*beep* *beep*
Nilingon ko yung kotse. Binalewala ko lang kasi baka naman hindi ako yung-
*beep* *beep*
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala ito. Agad bumaba yung bintana ng sasakyan at tumumbad saakin ang isang anghel. Ay si France pala
" Sakay." Ani France
" May hinihintay ako."
" Psh, you've been waiting here for almost half an hour."
" Eh wala pa kasi siya eh." Palusot ko
Lumabas ito sa kotse nya at
" Kyaaaahh!! Bitawan mo nga ako!!"
Habang sinusuntok ko ang likuran niya." Shut up idiot!" Aniya
Binuhat niya ako at pinasok sa sasakyan niya. Kinabit niya yung seatbealt bago niya isara yung pinto banda saakin at pumasok siya sa kotse niya.
Nanahimik nalang ako hanggang sa makarating kami ng SBIS.
Lalabas na sana ako kaso
" Pssh." Then he laughed secretly
" Bakit ka ba tumatawa diyan?"
" Hahahaha. You wanna go out? Then go."
Nakakainis naman! Hindi ko alam kung paano tanggalin 'tong seatbelt na kinabit niya saakin. Pasalamat ka cute ka kaya di kita pinatulan. Nakakainis!
Lumabas siya ng kotse at naglakad palayo." Aaarrrggg! Nakakainis ka talaga France!" Sigaw ko na ako lang naman ang nakarinig.
Iniwan nya ako dito sa loob ng kotse. Gusto ko ng umiyak pero imbis na umiyak ako, ginawan ko nalang ng paraan kung paano ko matatanggal itong seatbelt na to na nakakabit saakin.
" Ayoon! Ang galing mo talaga Natalie." Sabi ko sa sarili ko. Pinipindot lang pala yung kulay pula para pumiglas yung belt at nakalabas naako.
Nagulat ako ng makita ko si France na nakasandal sa labas ng kotse niya at nabigla ako nang biglang hinawakan ni France yung kamay ko at hinila niya ako papasok sa campus.
" Kyaaaah! Ang sweet naman nila!" Bulungan ng mga grupo ng kababaihan na nadadaanan namin ni France.
" Sweet daw tayo." Bulong ni France saakin with nakakapang-asar na boses
" Bitawan mo na nga kasi ako! Baka mapagkamalan pa tayong mag dyowa!" Sabay pagkakalas ko sa mga kamay ko na hawakhawak niya.
" Hayaan mo, papanagutan kita."
At binilisan pa niya ang lakad niya kaya naman hindi na ako nagsalita pa." Saan ba room mo?"
" Room 245" sagot ko
Hila hila niya parin ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng Room 245.
" Psh, wag kang aalis dito nang hindi kita sinusundo."
" Asa ka! Umalis ka na nga!" Pagtutulak ko sa kanya palayo kaya naman umalis na ito.
Naupo na ako sa upuan ko at pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko.
" Girlfriend ka na ba ni King France?" Tanong ng katabi ko
" Ha? Hindi ah."
" Bakit ka niya hinatid dito? Ang sweet naman! Alam mo ba first time namin makita na may kasama o kausap na babae si King France na studyante dito maliban sa maldita niyang pinsan na si Rhianne."
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Novela JuvenilLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...