Odessa's POV
Natanaw namin na papalapit na saamin si Natalie inaalalayan siya ng receptionist ng hotel. Sinulyapan ko si France na halatang masayang masaya na nakikita ang fiancee nito. Imba talaga tong si France. Pati anniversary nila nung unang naging sila icecelebrate pa rin yan ni France. Mukhang walang naalala si Natalie tungkol sa araw na ito bagkus kitang kita ko sa expresyon ng mukha nya ang pagtataka na may halong tuwa.
Swerte talaga ni Natalie kay France. Mahal na mahal siya nito. Wala akong masabi sa pag aalaga ni France sa kanya. Gusto ni France na maging masaya si Natalie. Kaya naman sa pagpupumilit nito na makipag partner sa pagplano sa araw na ito, pumayag na ako.
**
SBIS
Bored ako kaya naisipan kong pumasok sa Library. Natanaw ko si Ysa, ang pinsan ni France na nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at pinansak ko nalang ang earpods ko sa tenga ko at nagsimulang maghanap ng mga kanta sa iPod ko. Tumambad sa harap ko ang isang babaeng nakasuot ng uniform. Si Ysa. Tinanggal ko ang isang earpod ko
"What?" cold kong sabi.
"Pinsan mo pala fiance ng kuya france ko?"
"Yeah." I said at bumalik ang tuon ko sa ipod ko.
"Friend ko si Ate Mariel but that doesn't mean na galit din ako kay Natalie" Aniya.
"Paano ko naman masisiguro yon?"
Umupo sya sa harap ko "Pinsan ko si Kuya France. Kahit kaibigan ko si Ate Mariel, mas pipiliin ko si Kuya France" aniya at ngumiti ito. Napailing nalang ako at nag fake smile.
"I dont think so, Ysa. Pls leave." sabi ko.
Tumayo ito sa kinauupuan nya at tumalikod na ito. Bago paman siya magsimulang maglakad, lumingon siya saakin
"May masamang plano si Ate Mariel kay France. Pupunta sila ng Olongapo, sa isang resort, kasama niya ang isa sa mga yaya niyo at ang mommy nito. Now if you're curious of it and you don't need my help, go find it out" Aniya at umalis na ito.
Yaya namin?
Late na ng makauwi ako. Nakita ko si France na mukhang papuntang kusina at sinundan ko ito.
"France May sasabihin ako." sabi ko habang abala sya sa paghahanda ng snacks nila.
"ako din. Naalala ko bukas ang anniversary namin ni Natalie. Help me with it, Des." Aniya
I smiled "Sure. Ano plano mo?"
BINABASA MO ANG
My Casanova King: Nats & France
Teen FictionLangit siya, lupa ako. Pero pinagtagpo kami ng tadhana. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa isa sa pinaka mahal at sikat na skwelahan sa bansa. Simula noon, marami ang nagbago sa buhay ko. Nakilala ko ang limang casanova na pinag aagawa...