chapter54

2.8K 74 5
                                    

Natalie's POV

Naiinis talaga ako kay France. Sino ba ang hindi maiinis. Ang OA OA niya. Oh eto na kagaya nalang neto.

"GoodMorning France. Mag kape ka na." Sabi ko sabay abot sa kanya ng kape na tinimpla ko para sa kanya habang siya naman abala sa cellphone niya.

"Put it down."

Sinunod ko ang sabi niya. Naupo ako sa kanang- harap niya. Nasa dining table kami for our breakfast. Nauna nang mag almusal sila Nanay, Natasha, Odessa at Nadie. Medyo late na kasi nagigising si France kaya naman late na rin ako nag aalmusal.

"Aalis ka?" Tanong ko.

"Nope."

"Bakit formal yata ng suot mo."

Nakasuot kasi siya ng suit at ang gwapo gwapo pa niya sa suot niya.

"Hindi mo ba naaalalang kasal natin ngayon?" Nakangiti nyang sabi kaya naman napayuko ako "Just kidding." Sabi niya.

"Bahala ka na nga. Kumain ka nalang." Sabay abot ko sa kanya ng rice.

"I'm not eating rice in the morning, you should know that." Aniya.

"Eh magkakape kalang? Bread ayaw mo?"

"Ikaw nalang."

Pinalo ko siya ng dyaryo na nasa lamesa "asar ka!" Sabi ko.

Nagtagpo ang kilay niya "What?! I said ikaw ang bahala. Ano ba ang iniisip mo?" Aniya. Kaya naman nakaramdam ako ng hiya. Bakit ba kasi ang greenminded ko. Ang daming ano anong pumapasok sa utak ko. Dagdagan mo naman kasi na napakagwapo nya ngayon, correction palagi pala syang gwapo.

"Sige, kukuha lang ako ng tinapay." Sabi ko bago tumayo ngunit pinigilan nya ako.
"Let your yaya do it for us." Aniya "Yaya Dulce, bread please" sigaw niya kay Yaya. Tinanaw ko si Yaya na sinunod ang utos ni France at agad tong lumapit saamin at inabot yung slice bread.

"Kumain ka na kasi aalis tayo." Aniya habang binubuksan ang slicebread.

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Wag ka ng maraming tanong." Aniya at nagsimula na syang kumain.
Napansin ko ring may tinapay na yung pinggan ko. Siya ang naglagay at nagsimula na akong kumain.

Sabi ni France, dapat daw hindi formal ang suot ko kasi hindi naman raw ako haharap sa mga ka boardmeeting niya. Kaya naman, nagdress nalang ako at dollshoes.

"Medyo formal pero okay na yan. Let's go?" Aniya at sumakay na siya sa kotse niya. Sumakay na rin ako.

Sa Saint Benedict Int'l School kami pumunta. Intramurals Days ngayon pero hindi ako umattend kasi sabi ni nanay okay lang yan importante alagaan ko si France sa bahay. Hindi naman bukas yung bintana ng kotse pero dinig ko parin ang mga hiyawan ng mga estudyante sa labas. Kilala nila ang trailblazer ni France. Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan nya ako ng pinto. Mas lumakas ang pagkarinig ko sa mga boses ng mga naghihiyawamg mga estudyante dito ng bumukas ang pinto.

"King! Kyaaah! Namiss ka namin ang gwapo mo naman!"

"Ang ganda ni Natalie! Bagay talaga sila! Sana sila nalang uli!"

"Sana nga! Kyaaah!"

Hindi ko nalang pinansin ang mga hiyawan nila at sumunod ako kay France habang naglalakad siya. Kinakawayan niya lahat ng babaeng nadadaanan, akala mo artista eh. Sa Conference Room kami pumunta. Pansin ko ring lahat ng mga staffs ng school nasa loob kaya naman napayuko ako. Umupo ako sa likod at s France naman dumiretso sa harap upang harapin sila. Nakita ko rin sa di kalayuan si Tito Paul at Tita Amesyl, nginitian nila ako at nginitian ko sila.

My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon