Kabanata Two
Napagisip-isipan ni Gian na tama ang kaniyang mga kaibigan kaya naman, pagkatapos lang ng gig nila ay bumili siya ng tatlong rosas para ibigay kay Ysabelle bukas. Sasabihin din niya sa dalaga na liligawan niya ito at huwag nang mag-abala pang gawin ang mga iyon dahil ang lalake dapat ang gumagawa yon. Kinabukasan, nahuli ng gising si Gian dahil hindi siya nakatulog kagabi sa kakaisip kung paano kakausapin ang dalaga. Naisipan niyang supresahan niya ito tulad ng nasa pelikula, tiyak ay matutuwa ito.
Pagkarating niya sa paaralan ay nagtaka siya dahil halos lahat ng nadadaraanan niya ay napapatingin sa kanya, sanay na siya sa ganon pero kakaiba ito kesa sa nakasanayan niya. Dahil halos nagbubulungan lang ang mga studyante at konte lang ang tumitili. Nakasalubong niya si Troy, bigla siyang hinigit at hinila kung saan.
"Kelangan mo itong makita!" sabi ng kaibigan, nagtaka siya sa kinikilos ni Troy. Pumunta sila sa itaas ng Senior high building nang nakarating sila sa second floor ay nakita niyang maraming studyante na nakatingin sa ibaba. Napatingin naman siya sa ibaba dahil sa kursyodad, nagulat siyang makitang nandoon si Ysabelle kasama ang kanyang dalawang kaibigan. May hawak siyang malaking karatola at nakasulat doon ay 'SORRY GIAN KUNG MAY IKINAGALIT MO SA AKIN'.
"Dumating siya ng napakaaga at kanina pang nanjan at hawak ang malaking karatola na iyan." sabi sa kanya ni Troy. "Nang dahil sa hindi mo kinain ang ginawa niya kahapon ay humihingi siya ng paumanhin." singit naman ni Kean na kanina palang nasa tabi nila. "Kung ganon bakit nag-abala pa siyang tumayo jan at magdala ng malaking karatola. Saka nakahingi na siya ng sorry kahapon" sabay pag-iling habang sinisabi yon ni Gian. "Akala niya siguro ay hindi mo siya pinatawad dahil malamig ang pakikitungo mo sa kanya." sabi naman ni Niel. Nakita siya ng mga kaibigan ni Ysabelle, itinuro siya at napatingin sa kanya ang dalaga.
Kumaway ang dalawa, nakatinginan at tumango. May ipinakita naman si Ysabelle, nakasulat ito sa likod ng hawak niya. 'MAHAL KITA KAYA SORRY NA' ang nakasulat sa likod ng karatola. Ang pagkatuwa ng binata sa paghingi ng sorry ng dalaga sa kanya ay nawala, nadismaya siya sa ginawa ni Ysabelle. Para sa kanya ay dapat kinomprontahan na lang siya ni Ysabelle, hindi yon gagawa pa ng eksina sa school. Siya dapat ang nasa ibaba at gumagawa ng mga eksinang humihingi ng sorry at nagtatapat ng pag-ibig.
Naghiyawan ang karamihan, meron naman hindi nagustuhan ang ginawa ni Ysabelle. Sila ang feeling girlfriend ni Gian.
"That bitch! Desperada talaga siya't nagekskandalo pa para lang mapansin ni Gian." inis na sabi ng nasa gitna. "Hmp! I think she only volunteer to be their manager's assistant to seduce Gian." sabi naman ng kasama niya. "Yeah rght" sang-ayon ng iba. Hindi alam ni Gian ang kanyang gagawin kung lalapitan niya ba si Ysabelle o hindi, kung ikahihiya ba niya ang dalaga o hindi pero mas matingbang ang awa niya kay Ysabelle dahil sa mga ginagawa niya. Kaya naman ay agad siyang bumaba at pnuntahan si Ysabelle, ayaw niya kasing pagtawanan at mapahiya ang dalaga.
"Let's talk privately" bulong ni Gian kay Ysabelle, saka hinila palayo sa lugar na iyon. Dumeretso sila sa practice roon ng banda, lumang music room iyon kaya yon ang ginagamit nila. "Gian, anong pag-uusapan natin?" tanong ni Ysabelle kay Gian. "Sa ginawa mo kanina, bakit kelangan mo pa akong supresahin? Pwedi ka naman lumapit sa akin at humingi ng paumanhin." mahinahon at prankong sabi ni Gian. "H-hindi mo ba nagustuhan?" nauutal at kinakabahan na tanong ni Ysabelle. Naisip niyang baka hindi nga nagustuhan ng binata ang supresa niya at mas lalong nagalit ito sa kanya.
"Mejo, okay sana kung sorry lang pero inamin mo pa sa buong school ang nadarama mo. Magiging pranko ako sayo ha, hindi ko nagustuhan ang supresa mo." malamig na sabi sa kanya ng binata. Kaya nasaktan si Ysabelle sa kanyang narinig. "A-anong masama doon?" malungkot niyang tanong. Napahilamos na lang si Gian at napailing. "Seriously, you don't know? Dapat alam mo dahil babae ka! Hayst, bahala ka nga." inis niyang sabi saka iniwan mag-isa sa loob si Ysabelle.
BINABASA MO ANG
Behind that facade Book 1 (COMPLETE)
Mystery / ThrillerKilalanin si Ysabelle Fuentabella, ang mahinhin at mabait na dalaga. Nakilalaniya si Gian Garcia at nahulog siya rito ngunit nasaktan lang siya dahil pinahiya't sinaktan siya ng binata. Isang araw ay bigla na lang nawala si Ysabelle at nang nahanap...