Chapter 28
Buong araw nang iniisip ni Abigail ang sinabi sa kanya ni Ysabelle. Hindi niya alam kung saan siya nagkakamali sa ideyang naisip niya.
Hinalungkat pa niya ang mga gamit ni Ysabelle upang makahanap ng clue, ngunit wala siyang makita.
"Niluloko ata ako non!" naiinis niyang sabi.
Agad niyang tinawagan ang isa sa nihire niyang mag-imbestiga sa mga clinic at hospital para sa plastic surgery.
"May nahanap ka na ba?" tanong niya agad.
"Wala ho. Walang nagplastic surgery na naging kamukha ng iyong pinsan." sagot ng kausap niya.
"Pwes, hanapin mo sa ibang lugar! Kahit malibot mo ang buong pilipinas o ang mundo." utos niya.
"P-pero Ma'am, mahirap yang gawin lalo na't maraming nagpplastic surgery. Mas maganda kung hahanapin na lang natin ang kalokalike ng pinsan mo gamit ang CCTV sa buong pinas." paliwanag ng agent.
"Tss, I'm not looking for her look a like! Ang hinahanap ko ay isang taong nagplastic surgery at ginaya ang mukha ng aking pinsan." naiinis niyang sabi.
"O-okay." nauutal na sabi ng kausap niya.
"You better find one!" paalala niya saka ibinaba ang tawag.
Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan para patunayang pekeng Ysabelle ang nakakasamuha niya.
Bigla niyang naalala ang sinabi ni Ysabelle sa kanila kagabe. Naisip niyang kung totoo man ang sinabi nito na may kumidnap sa kanya na balak pang gawin siyang slave ay tiyak na natrauma ito.
Nakaspagtaka lang kung paano siya makatakas at napakaimpossible na bigla na lang sila namatay.
Naghihinala rin siya sa nangyare kay Ysabelle sa Halloween party.
Dapat ay natrauma ito pero wala siyang makitang tanda na natrauma ito.
"Si Ian, ang suspek. Baka may alam siya." bulong niya.
Agad siyang nagbihis at nagtungo sa city jail para makausap si Ian Vargas.
Matapos niyang magfill up ng form para sa mga bisita ay pumasok siya at hinintay na palabasin si Ian.
Nagtataka naman ang binata kung sino man yong bumisita sa kanya, nang papasukin siya sa visiting area ay lalo siyang nagtaka dahil hindi niya kilala ang babaeng nakaupo.
"Who are you and what do you need from me?" deretsong tanong niya.
"I am Abigail, Ysabelle Fuentabella's cousin." pagpakilala niya. "Narito ako upang malaman kung anong nakita mo sa gabing iyon. Imposibling hindi mo alam dahil inaabangan mo si Tomas diba?" tanong niya.
"Nasabi na ni Fuentabella ang nangyari diba? Kung paano niya naikwento ay iyon ang nangyari." nagtatakang sabi ni Ian.
"Pakiramdam ko kasi ay may kulang sa kwento niya. Pwedi mo bang ikwento ang buong pangyayari? Nag-alala na kasi ako." pakiusap niya.
Dahil sa awa ay pumayag si Ian sa request nito. May puso naman siya kahit nagawa na niyang pumatay.
"Gaya ng nasabi niya sa statement niya, hinahabol siya nito. Naririnig ko rin ang mga sinasabi ni Tomas sa kanya, sinabi niya kung gaano niya kagustong matikman si Fuentabella." pagsisimula niya.
"A-anong reaksyon ni Ysabelle? Natatakot ba siya, nagpakita ba ng tanda ng pagkatrauma?" sunod sunod nitong tanong.
"Sa pagkakatanda ko ay para siyang desperadang makatakas, nang nacorner siya dahil nakasara yong gate doon." pagpatuloy niya sa pagkwento.
BINABASA MO ANG
Behind that facade Book 1 (COMPLETE)
Mystery / ThrillerKilalanin si Ysabelle Fuentabella, ang mahinhin at mabait na dalaga. Nakilalaniya si Gian Garcia at nahulog siya rito ngunit nasaktan lang siya dahil pinahiya't sinaktan siya ng binata. Isang araw ay bigla na lang nawala si Ysabelle at nang nahanap...