Four

604 22 0
                                    

Salamat sa mga nagbasa nito kung meron man, sana ay ekomento niyo kung ano ang inyong masasabi sa kwento. I'll dedicate this chapter on whoever read this and comment on this chapter.

♥PrincessNhykie

Kabanata 4

Hinanap nila si Ysabelle sa bawat sulok ng bar, pati sa labas at likod ay hinanap nila doon ang kanilang kaibigan. Pero hindi nila ito mahanap, nagsimula na silang kabahan. "Tawagan kaya natin siya? Kanina pa natin siyang hinahanap. Baka may binili lang siya sa malapit na 7/11." suggestion ni Trixia at sumang-ayon sa kanya si Sofia.

Ginawa nga nila iyon, tinawagan ni Trixie si Ysabelle pero lagi ang operator ang sumasagot. Tinadtad pa nila ito ng text pero hindi ito nagrereply. "Ano ba yan! Nagriring naman ah, bakit hindi niya sinasagot?" nagrereklamo't nag-alalang sabi ni Sofia.

Nakailang tawag at text nila kay Ysabelle pero hindi talaga ito sumasagot. Kung anong-ano ang naisip nila pero pinili nilang magpakapositibo. "Besty, bumalik kaya tayo sa hotel? B-baka bumalik siya doon." sabi ni Sofia. "Okay, baka nga bumalik siya't nakatulog lang." sang-ayon ni Trixia.

Agad silang bumalik sa hotel na tinutuluyan nila at agad dumeritso sa kwarto nilang tatlo ni Ysabelle, pero hindi nila doon nadatnan ang kanilang matalik na kaibigan. Napaupong nanlulumo si Trixia, si Sofia naman ay hindi mapakali at itinuloy ang pagtawag kay Ysabelle. "M-maybe she's in dineng area?" hula ni Trixia, agad naman silang pumunta sa dining area. May ilang kablockmates silang nakita't iba pang costumer ng hotel.

"Nakita niyo ba si Ysabelle Fuentabella?" tanong ni Trixia sa kablockmate. "Hindi eh, diba magkakasama kayo? Halos hindi kayo naghihiwalay." sagot nito sa kanya. "Alam niyo dapat kung nasaan siya." dagdag pa nito. Nagtanong tanong pa sila at nilibot pa ang buong hotel mahanap lang si Ysabelle. Ang lagi pang sagot ng napagtatanungan nila ay "Hindi ko alam.", "Hindi ko siya nakita." At "Baka nasa isang sulok ng hotel."

"Sumasagot pa ba?" tanong ni Sofia kay Trixia na ngayon ay siya naman ang tumatawag kay Ysabelle. Umiling ito bilang sagot, "Pero nagriring. Baka g-gustong mapag-isa." malungkot nitong. Inaalala kung paano mag-sumbong ang kaibigan nila na nireject siya si Gian. "Pero kahit na! Dapat sagutin niya ang tawag o magreply sa atin para hindi tayo mag-alala." reklamo ni Sofia. Tinext nila muli si Ysabelle, "Girl, I know that you're lonely and maybe want to be alone. But please reply to us and tell us where are you. Kung gusto mo pa ay sampalin ko pa si Gian nang matauhan siya." iyon ang nisend nilang mensahe.

Bumalik sila nang kwarto upang matulog nang bigla silang nakatanggap ng mensahe kay Ysabelle. "Well you two stop fucking sending me texts and don't bother to call me either. Yes I want to get out of this shit happening in my life. I want to be alone!!" iyon ang lamang ng mensahe na makapagpagulat sa kanila dahil straight English ito at may kasama pang mura. Kilala nila si Ysabelle kilanman ay hindi ito nagmura kahit may problema ito at galit ay hinding hindi ito magmumura. Agad nila itong tinawagan pero nakapatay na ang cellphone ni Ysabelle, napatingin sila sa isa't isa. Napatutop naman ang kamay ni Trixia sa kanyang bibig, gulat silang napatingin sa isa't isa.

"OMG! D-di kaya nakidnap siya ng mga alien?" gulat na sabi ni Trixia, hinampas siya ni Sofia. "Walang alien okay? Baka ... baka" hindi niya kayang masabi ang kaniyang naisip. Naiisip na niyang may nakasalubong si Ysabelle ng isang grupong adik at kinidnap niya ay hindi siya mapakali, kinakabahan at natatakot. "B-baka ibang nagtext nito! Ba-baka may nagnakaw ng cellphone niya't naisipan niyang magreply." nagbabakasakaling sabi ni Sofia.

"Then she's in danger!" nag-aalalang sabi ni Trixia. "Alam mo naman ang mga holdaper ngayon, hindi niya lang ninanakawan ang mga babae. Nirerape pa nito ang biktima't pinapatay!" nappranong sabi niya. Nahawa si Sofia sa kanyang kaibigan dahil alam niyang hindi iyon imposible. Lalo na at sa bar pa sila pumunta kanina, malamang sa malamang ay mapapahamak doon ang kanilang kaibigan dahil halos hindi matitino ang mga pumupunta roon.

Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon