Thirty One

211 5 0
                                    

Kabanata 31

Hindi ginambala ni Theo si Ysabelle sa sumunod na araw, habang nagrereview siya ay nakatanggap siya ng mensahe galing kay Abigail.

From: AF
Let's meet in the same place, ASAP.

Agad siyang nagtungo doon para kausapin ito, kinakabahan siya dahil baka hindi nito ituloy ang pagbayad sa kanya.

Sa isang private restaurant sila nagkita, bawat costumer ay may sariling silid para may privacy sila.

"Abi, you miss me?" magiliw nitong bati kahit kinakabahan siya.

Sinamaan siya ng tingin ni Abigail. Kaya umupo na siya dahil baka mapaluhod siya.

"Sinabi ko nang huwag kang magpahalata! You ruin my plan." galit nitong bulyaw sa kanya.

"Sorry, hindi ko akalain na mabubuko niya ako. " paumanhin niya. "H-huwag ka sanang umatras sa usapan natin." nauutal na pakiusap niya.

Kailangan talaga niya ngayon ang pera pangpaopera sa kanyang nanay.

"Don't worry, I won't. Ito pala ang kalahati kaya you better do a good job in my plan B." sabi ni Abigail sabay abot kay Theo ang 150,000 php cash.

"Anong Plan B mo?" tanong ni Theo sabay kuha ng pera saka binulsa.

"Just kiss her in public." sabi nito.

Kaya hindi makapaniwala si Theo na ganon pala iyon kadali at ipinagtaka niya kung bakit.

"Huwag mo sanang masamain pero iyon lang? Akala ko ba'y para obserbahin lang siya?" nagtataka niyang tanong.

"Iyon naman talaga ang plano ko, gusto ko lang mapaibig mo siya para madali mo siyang mahalikan at para makilala ng husto pero pumalpak ka." paliwanag ni Abigail rito.

Kahit si Abigail ay hindi alam kung bakit kailangan mahalikan pa ang kanyang pinsan para malaman kung anong sekreto nito.

"Make sure you'll not fail this time." banta nito.

"Makakaasa ka!" positibong sabi ni Theo.

Napagdesisyonan niyang pagkatapos ng exam nila bukas niya isasagawa ang plano.

Samantala sa mansyon ng mga Fuentabella ay kinausap ni Ysabelle ang kaniyang mga magulang.

"Mom, Dad. Since our exam ends at noon, we should visit her already. It's already December and Christmas is coming soon." suggest niya sa mga ito.

Panigurado kasing magiging abala ang mga magulang niya dahil malapit nang magpasko.

"Sure then, susunduin ka namin saka na tayo maglunch at bisitahin ang kapatid mo." pagpayag ng kanyang ama.

Hindi nila ito nabisita noong araw ng mga patay dahil sa dami ng nangyari kay Ysabelle.

Kinabukasan pagkatapos ng klase ay hinarangan siya ni Theo kaya napataas ang kilay niya rito.

"Pwedi ba kitang makausap?" tanong niya.

Bago makasagot si Ysabelle ay may umakbay sa kanya, kaya napalingon siya rito.

"Naaya ko na siya kaya umalis ka na." pagtataboy ni Gian rito.

"Saglit ko lang naman siyang kakausapin." sabi ni Theo.

"Eh di kausapin mo na." masungit na sabi ni Gian.

Nagseselos siya kay Theo nitong nakaraang araw dahil lagi itong kasama ni Ysabelle lalo nang nabalitaan niyang kumain ang dalawa sa labas. Ngayon lang siya nakasingit dahil naging busy rin siya nitong nakaraang araw.

Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon