Twenty-One

257 6 0
                                    

Kabanata 21

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 21

Matagal nang matalik na magkaibigan sina Alice at Ian. Magkasusyo kasi ang mga magulang nila sa negosyo kaya mula noon ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Araw-araw ay sinusundo ni Ian si Alice sa kanilang bahay upang sabay na silang pumasok sa school. Magkatapat lang kasi ang kanilang bahay na nasa iisang sub division.

Naglalakad sila tuwing papasok sila sa school dahil sampung minuto lamang yon. Habang nasa daan sila at papasok sa school ay pinagsasabihan ni Ian si Alice.

"Hey! Mamaya na iyang pagbabasa mo sa Wattpad. Puwedi mo pa yang basahin mamaya." saway ni Ian kay Alice. Kilala si Alice sa isa sa addict sa Wattpad stories, sa sobrang addict nito ay lumabo na ang paningin niya at nakasalamin na siya ngayon.

"Eh! Nasa magandang eksina na ako." pagrarason nito.

"Lagi naman," sabi ni Ian. "Hindi nga kita pinagbabawalan sa kakabasa jan kahit lumabo jan ang mata mo pero sobra na ito. Paano kung madisgrasya ka't mabangga ng sasakyan?" pangaral nito kay Alice.

"Nasa gilid naman tayo eh at hindi naman sa gitna ng kalsada." pagmamaktol ni Alice.

"Kahit na, may posibilidad pa rin na maaksidente ka. Hindi sa lahat ng oras ay matutulongan kita." pangaral ni Ian sa kaibigan. Hindi nakinig si Alice at itunuloy na lang niya ang pagbabasa.

Nagtatampo siya kay Ian, tiwala siyang hindi siya babanggain ng mga sasakyan. Nainis naman si Ian sa katigasan ng ulo ni Alice.

Patawid sana sila nang may motor na bumubusina kaya nabigla siya, muntik pala siyang masagasaan. Kung hindi lang nahatak ni Ian ay nabangga na siya sa motor.

"Hey! Muntik kang makasagasa!" sigaw ni Ian sa driver ng motor, napatigil naman ito sa hindi kalayuan sa kanila. "Kayo dapat ang mag-iingat! Tumatawid kayong hindi pa trapik!" balik nitong sigaw.

Bumaling si Ian kay Alice, sinuri niya ito. Nag-alala siya na may galos itong natama. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

Naiiyak naman si Alice sa nangyare, hindi pa rin siya makapaniwala. "Itago mo muna yan! Naranasan mo na ang nangyare, swerti ka't hindi ka nasagasaan." pinag-sabihan ni Ian si Alice.

Napatango siya at sinunod ang sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan. Dapat talaga ay nakinig siya at hindi na nagmatigas. Late silang nakapasok dahil doon, pinakalma kasi muna siya ni Ian bago sila magpatuloy maglakad. Dahil doon ay pinatawag sila sa guidance office at binalaan na lang sila dahil unang beses nilang ma-late at alam ng guidance counselor na malapit lang ang mga bahay nito.

Binigyan sila ng notes at nagdesisyonan nilang tumambay muna sa field.

"Hintayin mo ako rito, anong gusto mong inumin?" tanong sa kanya ni Ian. "Bearbrand." sagot ni Alice.

Nang makaalis si Ian ay dumaan sina Tomas at dalawa pa nitong kaibigan, ninguso ng kaibigan ni Tomas si Alice. Bumaling naman si Tomas kay Alice, "Siya ang muntik mong mabangga kanina." bulong nito.

Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon