Thirty Four

204 4 0
                                    

Kabanata 34

Mag-uumaga na pero hindi pa rin makatulog si Gian. Hindi kasi mawala sa kanyang isip ang sinabi sa kaniya ni Ysabelle. Ganoon ba kahirap paniwalaan nito na totoo ang nararamdaman niya?

'Listen to your heart'

Habang sinasabi iyon ni Ysabelle ay tela may isa pa itong ibig sabihin at hindi niya alam kung ano iyon. Lagi na lang nagsasalita ang dalaga na may iba pang kahulugan na nagpapalito sa kanya.

Pinakiramdam niya ang kanyang puso at inaalala ang sinabi ng dalaga.

Tumitibok nga ba ng mabilis ang puso niya tuwing kasama niya si Ysabelle o nakokosensya at naawa lang siya rito?

Tama ba ito? Dahil alam niya sa kanyang sarili na labis ang pagsisisi ang kanyang nararamdaman.

Pinagsisihan niyang sinaktan at pinahiya niya si Ysabelle, nagsisi siyang hindi niya ito kinausap ng prangkahan. Napabalikwas siya sa kanyang naisip...

"'Di kaya... naghihigante siya sa akin kaya laging doble meaning ang mga sinasabi niya?" bulong niya sa kanyang sarili.

Iyon lang ang konklusyon na naisip niya kung bakit nagkakaganon si Ysabelle kaya nagdesisyon siyang mas lalo siyang magpursiging manligaw kay Ysabelle.

Kinabukasan ay bumili siya ng rosas para ibigay kay Ysabelle. Hinanap pa niya si Ysabelle upang maibigay rito ang rosas, ngunit natanaw niyang nag-uusap sina Ysabelle at Theo.

Mukhang nagkakabutihan pa sila di tulad ng dati na mukhang pinagtatabuyan din ito ni Ysabelle.

Kaya lumapit siya sa kanila, walang mangyayare kung lagi siyang iiwas tuwing magkasama ang dalawa.

"Ysabelle, good morning!" pagbati ni Gian kay Ysabelle at saka inilahad ang binili niyang rosas.

"Para sayo nga pala." nakangiti niyang sabi.

Tinanggap naman ito ni Ysabelle at nagpasalamat. Bumaling ulit ito kay Theo.

"Thanks for your offer, it's a big help on christmass party." pagsasalamat niya rito.

"Walang anuman." sabi ni Theo.

Nagpaalam sila sa isa't isa saka pumasok sa klase upang makapagtake ng exam. Nagselos si Gian sa nasaksihan niya, gusto niyang ganon din ang pakikitungo sa kanya ni Ysabelle.

Pagkatapos ng exam ay kinausap sila ng kanilang advicer tungkol sa darating na christmass party. Tulad ng pangkaraniwang christmas party ay magkakaroon sila ng exchange gifts at programs prepared by Students Council.

Pagkatapos ay nagtungo siya sa SC office upang umatend ng meeting.

"Ysa, pwedi bang kunin mo yong costumes dito sa shop na ito? Also don't forget the foods." pakiusap ni Eugine.

Siya ang naatasan sa mga pagkaing ihahanda dahil ayon sa kanila ay masarap siyang magluto kaya hindi impossible na meron siyang connection sa mga nangonngontrata sa pagpapakain.

"No problem pres, I already book catering services."

"Good! Maasahan ka talaga." masayang sabi ni Eugine.

Kaya agad siyang lumabas upang kunin ang costumes na pinapakuha ni Eugine. Nakasalubong niya ulit si Theo kaya sumabay ito sa kanya.

"Pauwi ka na ba o dadaan ka sa amin?" tanong ni Theo sa kanya.

"Well I should check if everything is okay and if the foods are tasty before delivering it here, but before that I have something else to do." sabi niya.

Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon