Twenty two

247 7 0
                                    

Kabanata 22

Gulat na gulat ang mga studyante sa sinabi ni Detective Henry. Napalingon naman ang mga kaklase at guro ni Ian sa kanya. "What? May ebidensya ba siyang ako ang salarin?" naiinis na sabi ni Ian sa kanila.

Kaya napalingon ulit sila sa screen. Biglang pumasok naman ang dalawang pulis sa klase at nilapitan siya, nagsalita ulit si Detective Henry.

"Alam kong nagtataka kayo kung bakit ko iyon nasabi. Napag-alaman naming may alitan na nangyare sa dalawa, pinagbantaan pa ni Ian si Tomas na papatayin niya ito." paliwanag ni Detective Henry. "Sa gabing iyon ay pekpektong oras para maisagawa niya ang kaniyang plano, kaya nagboluntaryo siyang maging zombie pero ang totoo ay aabangan niya si Tomas upang paslangin gamit nito." dagdag pa ni Detective Henry.

Ipinakita ni Detective Henry ang nahanap nila sa basurahan na injection. "Naglalaman ito ng drug na nagpapatigil ng puso sa ilang minuto, ngunit kapag hindi maagapan ay mamamatay ito." paliwanag niya. "Napag-alaman din naming na President siya ng Chemistry club. Ang nanay niya ay isang pharmacist at ang tatay niya naman ay cardiologist doctor." sabi pa niya.

"Therefore, marami siyang alam at hindi impossible na makakuha siya nito." konklusyon ni Detective Henry.

Dahil sa sinabi ng detective ay naikuyom ni Ian ang dalawang kamay. "Mr. Vargas, sumama ho kayo sa amin sa porsyento. Sa pagkakasalang pagpatay kay Tomas Legaspi, may karapatan kang manahimik na siyang maidudulot laban sayo at kumuha ng attorney." sabi ng pulis saka siyang pinosahan at inilabas sa klase.

Lumabas ang ilang studyante sa kanilang klase upang makita siya, isa na roon sina Sofia at Trixia. Kasama si Ysabelle, dahil ianaya siya ng dalawa at kinaladkad sa labas. Nagkataon na nasa unahan siya, wala siyang magawa kundi pakisamahan silang dalawa.

Kinukunan ng mga studyante si Ian ng video at picture, upang pag-usapan at ang iba ay para may maipost sa facebook. Nang dumaan si Ian sa klase nina Ysabelle ay nagtama ang kanilang paningin. Nagulat sila nang lapitan ng binata si Ysabelle at may ibinulong saka lumayo at nagpatuloy lumakad.

"Anong pakay niya sayo?" nagtatakang tanong ni Trixia kay Ysabelle. Umiling na lang si Ysabelle at saka bumalik sa loob ng klase. "Ano nga?" pangungulit ni Trixia sa kanya.

"None of your business." sagot niya rito. Napasimangot si Trixia dahil doon. "Ayan ka naman girl, napansin naming nitong mga nakaraang araw ay dumadami ang mga nililihim mo sa amin. Saka hindi pa rin kami makapaniwala sa ginawa mo kanina." reklamo ni Sofia.

Sinamaan sila ng tingin ni Ysabelle. "Because I don't want to waste my time in trusting his lies." sabi niya sa kanila. "We know kung ano ang nangyare sa inyong dalawa. Pero hindi mo man ba siya bibigyan ng isa pang pagkakataon?" tanong sa kanya ni Trixia.

"Saka girl! Huwag mo nga ibahin ang usapan." sabi ni Sofia. Inikotan sila ng mata ni Ysabelle, hindi siya makapaniwala na siya pa ang nag-iiba ng usapan. Saka ayaw niyang malaman ng dalawa ang sinabi ni Ian sa kaniya. Natandaan naman niya iyon saka niya naikuyom ang kamay niya, kinakabahan siya at the same time ay naiinis.

Nang nakarating si Ian sa porsyento ay agad siyang ni-interrogate ni Detective Henry.

"Bakit mo yon ginawa?" tanong nito kay Ian. "Bakit ako pa ang pinagbabantaan niyo? Maraming naging kaaway si Tomas." balik na tanong ni Ian, kaya mejo nainis si Detective Henry.

"Dahil marami kaming nakitang ebidensya na ikaw ang posibling salarin. Isa na doon ang itinurok mo sa kanya. Sa inyong apat ay ikaw lang ang myembro ng chemistry club at ang magulang mo ay panggagamot ang trabaho nila." paliwanag ni Detective Henry. "Kaya wala kang kawala, Vargas. Umamin kana." sabi niya.

Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon